The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 15



Skyler's Pov

Nang magising ako sa aking mahabang pagkakatulog ay madilim na sa labas kaya agad kong tiningnan sa cellphone ko ang oras at nakita kong alas-onse na ng gabi, Oo may cellphone ako at si Alex ang nagbigay nito sa akin pero madalang ko lang ito gamitin kasi wala naman akong dapat tawagan kaya madalas ay iniiwan ko lang ito sa aking kwarto.

Pumunta muna ako sa banyo upang maghilamos at magmumog dahil may mga natuyo akong luha na naging muta na.

Nang makalabas ako sa banyo ay nauhaw ako bigla kaya napagpasyahan kong bumaba upang uminom ng tubig, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng baso at tinungo ko ang ref upang makakuha ng tubig. Nang matapos kong uminom ay pabalik na sana ako sa kwarto ko ng makarinig ako ng ingay dito banda sa daan papuntang mini bar ni prince Alex.

Sa pagkakaalam ko ay walang ibang gumagamit ng mini bar maliban sa kaniya kaya naisipan kong silipin kung anong ginagawa niya sa loob.

Nang makapasok ako sa loob ay sumalubong sa akin ang maingay na musika at nagulat ako ng makitang narito rin sa loob sina Zamuel at Khalix at nag-iinom na sila.

Halatang lasing na lasing na si prince Alex dahil wala na ito sa sarili niya at ang ingay niya na.

"Skyler ikaw pala mabuti naman at nandito ka kanina ka pa tinatawag nitong kaibigan namin" saad ni Zamuel sa akin ng mapansin na nasa loob ako.

"Oo nga Skyler di ko alam kung anong problema nitong si Alexander at bigla na lang nagyayang uminom" dugtong pa ni Khalix

Naalala ko naman yung pagtatalo namin ni prince Alex marahil dahil siguro doon kaya ito nagkakaganito pero bakit naman?

Napansin ko ring wala rito sa loob si prince Claude marahil ay may ginagawa ito kaya hindi siya nakapunta rito sa palasyo.

"Sige ako na pong bahala sa kaniya prince Khalix, prince Zamuel" sabi ko sa dalawang prinsipe

"Sige mauuna na kami at anong oras na rin" sabi ni prince Khalix

"Skyler ingatan mo ang kaibigan namin ha at kung meron kayong di pagkaka-unawaan sanay ay pag-usapan niyong dalawa" seryosong saad ni prince Zamuel

"Salamat po mga prinsipe, sige po ako na po ang mag-aasikaso kay prince Alex" wika ko at tinanguan lang nila ako bago lumabas

Pinuntahan ko naman ang lasing na si prince Alex at kinuha ang kamay nito at inilagay ko sa leeg ko para maalalayan ko siyang lumakad paakyat sa kaniyang silid. "S-sky!" pagtawag nito sa akin ng makita ako

"Oo ako nga to prince Alex, wag na po kayo masiyadong gumalaw at iaakyat ko na kayo sa inyong silid" sabi ko at itinayo ko na siya

"S-shorry Shhky" lasing na saad nito ng mabuhat ko na siya

"Tsaka na natin pag-usapan yan prince Alex iaakyat muna kita para makapagpahinga ka na" sagot ko rito at mabuti na lamang at di na siya sumagot.

Dahan dahan ang naging paglakad namin papunta sa kaniyang silid at may mga oras na muntikan pa kaming matumba dahil bukod sa mabigat siya ay napakakulit niya pag lasing.

Nang makarating kami sa loob ng silid niya ay dahan dahan ko siyang inihiga sa kaniyang kama pero nagulat ako ng bigla niya akong hatakin kaya ngayon ay nakapwesto ako sa ibabaw niya at mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"S-Sky shorry, h-hindi ako sanay na i-iniiwasan mo ako" nagulat ako dahil bigla siyang umiyak

Naawa naman ako sa kaniya at kahit lasing siya ay alam kong totoo ang sinasabi niya.

"Shh tahan na Alex hindi naman ako galit sayo" pagpapatahan ko sa kaniya.

"S-sky sorry" patuloy pa rin ang pag-iyak ni prince Alex

"Ok lang yun Alex wag mo ng isipin iyon" sabi ko at niyakap ko siya dahil ito lang ang alam ko sa pagpapatahan.

Hindi na ito kumibo at sa tingin ko ay nakatulog na siya kaya dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at kita ko ang mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata dahil sa pagkaka-iyak niya kanina, bakit ka ba nagkakaganito Alex? Ano ba talaga ako sayo?

Umupo ako sa gilid nito at pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata, nasasaktan ako Alex kapag nakikita kitang ganito lalo na't ako ang dahilan.

Sinuklay ko ang mga buhok niya gamit ang aking mga kamay habang nakatitig pa rin sa kaniyang pagmumukha.

Hinawakan ko ang mga labi nito at talaga namang napakalambot nito, hindi pa rin ako mapakapaniwala na nahalikan na ako ng labing ito.

Pinigilan ko ang aking sarili at unti-unting hinubad ang kaniyang damit upang maging maayos ang kaniyang pagtulog.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Bakit ba lagi akong kinakabahan tuwing ginagawa ko ang mga bagay na ito?

Nang matapos ko ng hubaran siya ay kitang kita ko na naman ang makisig niyang katawan at pinigilan ko ang aking sarili na hawakan ito.

Kahit naman na may gusto ako sa kaniya ay hindi ako gagawa ng mga bagay na ganun at hindi rin ako yung klase ng tao na sinasamantala ang pagkalasing ng tao para lang makuha ang gusto niya.

Alam ko na ngayon na naka boxer siya kaya hinubad ko na ang kaniyang suot na short at tumambad muli sa akin ang malaking bagay sa pagitan ng mga hita niya, bakat na bakat ito sa suot nitong kulay gray na boxer short.

Inalis ko na ang tingin ko roon at baka di ko mapigilan ang aking sarili at mahawakan ko iyon, inayos ko na ang pagkakahiga niya at kinumutan siya para hindi siya lamigin.

Tumayo ako at inilagay sa lagayan ng mga labahan ang kaniyang mga hinubad na damit.

Maayos na siya ngayon tingnan at sigurado akong matinding hang over ang mararanasan niya bukas kaya ipagluluto ko na lamang siya ng sopas.

Lumapit muli ako sa tabi ni prince Alex at dahan dahan kong niyuko ang mukha ko papunta sa kaniyang mukha.

Binigyan ko ito ng isang mabilis na halik sa kaniyang mga labi.

"Mahal kita Alex" wika ko at lumabas na sa kaniyang silid.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.