The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 14



Skyler's Pov

Nagwowork-out pa rin ngayon si Alex at ako naman eto naka-upo pa rin at pinapanood siya. Hindi naman ako nababagot panoorin siya siyempre may gusto ako sa kaniya diba? Aarte pa ba ako?

May mga oras na kapag nagbubuhat itong si prince Alex ay tumitingin siya sa akin at binibigyan ako ng makahulugang ngiti na para bang inaasar ako, maganda talaga ang katawan ni prince Alex at hindi ko iyon maitatanggi at iniisip ko kung magkakaroon ba ako ng pagkakataong hawakan iyon.

Tinigil ko na ang pag-iisip o pagnanasa sa kaniya haha, lumingon naman ako sa kabuoan ng gym na ito at masasabi ko na simple ito pero maganda na.

Napansin kong konti lang ang nagwowork-out ngayong araw at mas mabuti na rin iyon para di ako masiyadong mailang, napatingin ako sa isang lalaki na nagbubuhat ng Dumbbell napansin kong nakatingin ito sa akin at bigla ako nitong nginitian kaya napayuko ako agad.

"Uwi na tayo!" biglang sabi ni Alex na ikinagulat ko kaya napatingin ako rito

"Ha? Ilang oras ka pa lang nagwowork-out diba?" taka kong tanong sa kaniya dahil 12:30 kami nakarating rito at ngayon naman ay 1:30 pm pa lang.

"Nawalan na ako ng gana" agad na sagot nito sa akin.

Wala na akong nagawa at kinuha niya na ang mga gamit niya sabay hatak sa akin palabas, hindi na siya nagpaalam pa kay Amil at pumasok na agad kami sa loob ng kotse niya.

"Bakit ba lagi ka na lang nanghahatak?" tanong ko rito pagkapasok namin sa loob ng kotse niya.

"Diba sinabihan na kita? Sabi ko sayo wag kang tumingin sa iba!" galit na saad nito sa akin

"Pero napalingon lang ako doon at hindi ko iyon sinasadya" paliwanag ko rito

"Kahit na Sky! Alam mong ayaw na ayaw ko yung tumitingin ka sa ibang lalaki" may diing sambit nito

"Alex ano naman kung tumingin ako sa ibang lalaki? Buhay ko to ako ang masusunod❞ mukhang mali ata ako ng nasabi dahil kita ko sa kaniya na lalo siyang nagalit.

"F*ck it Sky! Hindi pa ba sapat itong katawan ko at lumalandi ka pa sa ibang lalaki!" Di ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.

Unti-unti ng namumuo ang mga luha sa mata ko dahil sa sinabi niya, sabihin niyo ng sobrang OA ko pero ayaw na ayaw ko pagsabihan ako ng mga masasakit na salita lalo na kapag hindi naman ito totoo. Walang lumabas na salita sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, napansin ko naman na biglang nagbago ang itsura niya tila ba naging maamo siya.

"S-sorry Sky hindi ko gustong sabihin sayo yun" sabi niya at hahawakan sana ang mga kamay ko pero agad kong iniwas iyon sa kaniya.

"Umuwi na tayo" yun lang ang nasabi ko at tumingin ako sa bintana doon na bumuhos ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.

"Sky please kausapin mo ako hindi ako sanay na ganiyan ka sa akin❞ pakiusap nito sa akin

"Pagod na ako prince Alexander umuwi na po tayo" ramdam kong natigilan siya dahil hindi ko siya tinawag na Alex at kapag ganun ay alam niyang galit ako sa kaniya. Naramdaman kong pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami doon sa gym.

Ang sakit sa puso na marinig mong pagsabihan ka ng masasakit na salita ng taong mahal mo, hindi ko inaasahang kaya niyang sabihin sa akin ang mga ganong salita.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at pinilit na huwag ng umiyak muli.

Matapos ang ilang oras na biyahe ay nakarating agad kami sa palasyo at lalabas na sana ako ng hawakan ni prince Alex ang braso ko.

"Sky mag-usap muna tayo" may halong lungkot na sabi nito sa akin.

"Gusto ko ng magpahinga prince Alexander bukas na tayo mag-usap" saad ko at dali daling lumabas sa kotse niya.

Tumakbo ako sa aking silid at ng maisarado ko ito ay bigla na naman bumuhos ang mga luha ko.

Pilit ko itong pinipigil pero wala akong magawa dahil labis na nasasaktan ang puso ko sa mga oras na ito.

Pumunta ako sa aking kama at doon ako ay nahiga, bigla kong naalala ang aking mga magulang dahil kapag ganito na umiiyak ako ay niyayakap lang nila akong dalawa at nagiging ok na ako. Sana buhay pa sila para ngayon ay pwede ko silang mayakap at matapos na ang kalungkutan na nararamdaman ko.

Sa patuloy kong pag-iiyak habang ako ay nakahiga naramdaman kong unti-unting bumibigat ang aking mga mata at tuluyan na akong nilamon ng antok.

*********

Alexander's Pov

Narito ako ngayon sa aking silid at gusto ko sanang puntahan ngayon si Sky sa kaniyang silid pero nirerespeto ko ang nararamdaman niya at alam kong gusto niyang mapag-isa ngayon.

Hindi ko naman ginusto na pagsalitaan siya ng mga ganong salita hindi ko lang talaga napigilan ang galit na naramdaman ko doon sa lalaking nasa loob ng gym kanina.

Kitang kita ko na nginitian niya si Sky at dumaloy talaga ang galit sa buong katawan ko ng mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan sa sarili ko pero ayaw na ayaw kong nakikita si Sky na may kausap na ibang lalaki o kahit ano pa man basta gusto ko sa akin lang ang lahat ng atensyon niya.

Kinuha ko ang aking Cellphone at agad na tinawagan ang kaibigan ko.

"Oh bro napatawag ka ata" bungad na sagot ni Khalix sa akin

"Busy ka ba mamayang gabi?" tanong ko rito

"Hindi naman bakit?" tanong nito mula sa kabilang linya

"Pumunta kayo dito mamaya isama mo sina Claude at Zamuel shot tayo" agad na sagot ko sa kaniya

"Wow tama ba tong naririnig ko ang isang prinsipe ng kaharian ng Monte Verde ay nagyayayang uminom?" natatawang litaniya nito sa akin.

"Don't fool me Khalix sabihan mo na lang sila Claude at Zamuel" seryoso kong sagot rito

"Opo mahal na prinsipe!" Sarcastic na saad nito

"F*ck you!" sagot ko at pinatay na ang tawag.

Gusto ko lang na ituon ang atensyon ko sa ibang bagay ngayon at bukas ko na kakausapin si Sky at sisiguraduhin kong magbabati agad kami.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.