The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 13



Skyler's Pov

"Ang sarap naman nitong Sopas mo" puri sa akin ni prince Alex matapos naming kumain.

"Bolero!" wika ko

"Masarap nga pero mas masarap ako" biro nitong sambit sa akin

"Sino naman nagsabing masarap ka?" tanong ko

"Wala pa pero natikman mo na rin naman yung halik ko diba? Masarap ba?" nakangisi nitong saad sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pag-akyat ng pamumula ko sa mukha ko.

"K-kapal mo hi-hindi kaya masarap" sagot ko habang umiiwas ng tingin sa kaniya

"Weh talaga?" sabi niya at pinatongang mga kamay sa lamesa at tumayo upang ilapit ang mukha niya sa akin.

"O-o hindi talaga" sabi ko habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya

"Ah ganon ha pwes papatikim ko ulit sayo yung masarap kong halik" sabi niya at hinawakan ang mukha ko tsaka pinaharap sa mukha niya.

Bago pa man maglapit ang mukha namin ay mahina ko na siyang tinulak kaya napaupo ulit siya.

"S-sige na masarap na!" Nahihiyang sabi ko sa kaniya

"Hahahahaha Good!" natatawang saad nito

"Alex malapit ka na diba maging ganap na prinsipe?" Pagbabago ko sa usapan

"Mmm bakit?" tanong niya

"Nagtataka lang kasi ako bakit ngayon hindi ka pa naghahanap ng kasintahan mo yung tutulong sayo sa pagtataguyod ng kaharian" Sabi ko at parang natigilan naman siya dahil doon.

"Kasi nahanap ko na siya" nakatitig siya sa aking mga mata nang sabihin niya ang mga iyon at kitang kita ko na totoo nga dahil sobrang saya ng mga mata niya.

Di ko mapigilang makaramdam ng kirot sa aking puso dahil doon.

"Bakit mo naman naitanong?" dugtong pa ni Alex

"W-wala naman curious lang ako kasi matagal na tayong magkasama pero ni isang beses di man lang kita nakitang nagka girlfriend" pilit kong sagot habang paskil ng pilit ng ngiti.

"Nahanap ko na siya pero sinisigurado ko pa yung damdamin ko para sa kaniya at kapag sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya ay aaminin ko agad ito sa kaniya" mahabang litanya ni Alex sa akin at nalungkot naman ako dahil doon pero hindi ko ito pinahalata sa kaniya.

Meron talaga tayong mga gusto sa buhay na minsan malabong mapunta sa atin.

"T-tama tama!" pilit na sagot ko sa kaniya.

"Sky samahan mo ako ngayon ha❞ mabuti naman ay iniba niya na ang usapan dahil baka kapag pinagpatuloy niya pa iyon ay di ko na kayanin pa.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya

"Samahan mo lang ako mag gym" sabi niya sa akin

"Sige ba!" masigla kong sabi dahil mukhang makikita ko ulit ang katawan niya

"Excited?" nakangising tanong nito

"Ha? hindi ah" pagsisinungaling ko at ngumiti lang siya bilang tugon.

Tumayo na siya at nakita kong dumiretso ito sa banyo at maliligo na ata siya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Ako naman ay tumayo na rin upang iligpit ang mga pinagkainan ko at hihintayin ko na lamang ang oras para sa pagpunta namin ni Alex sa gym.

***********

Alexander's Pov

Ala-una na ng hapon ngayon at narito na kami sa loob ng sasakyan ko at ako ang nag mamaneho papunta sa gym dito sa aming kaharian. Minsan lang naman ako pumunta sa gym kaya hindi gaano kabatak ang aking katawan pero maganda naman ito at pinagmamalaki ko talaga ito. "Sa akin ka lang titingin pagkarating natin doon sa loob ha" paalala ko kay Sky

"Opo Master" sarcastic na sagot nito sa akin

Pinaalalahanan ko kasi siya na wag siyang titingin sa ibang lalaki na naroon alam niyo namang ayaw ko siyang nakikitang tumitingin sa ibang lalaki bukod sa akin. May mga naging kaibigan na rin ako doon sa loob ng gym pero sabi ko nga minsan na lang ako pumunta doon kaya matagal ko na rin silang nakita. Matapos ang ilang oras na biyahe ay nakarating na agad kami doon sa gym kaya lumabas na kaming dalawa ni Sky at binuhat ko na rin ang mga gamit ko. Pumasok na kami sa loob ng gym at siyempre makikita mo rito ang iba't ibang uri ng kagamitan sa pagpapalaki ng katawan.

"Oh prince Alex ang tagal mo ring di dumayo dito ha" bungad sa akin ni Amil, siya ang may ari nitong gym na ito at galing rin siya sa mayamang pamilya. "Busy eh" sagot ko rito

"Naiintindihan ko naman lalo na at prinsipe ka nitong kaharian na tinatuyan natin" sabi niya pero di ko ito pinansin kaya napatingin siya kay Sky na nasa tabi ko. "Mukhang may kasama ka ah magbubuhat din ba siya?" tanong niya sa akin

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "No, siya si Sky best friend ko" sabi ko sa kaniya

"Oh I see ang cute niya ha❞ nakita ko naman na napayuko si Sky dahil doon sa sinabi nitong lalaking to.

"Stop it Amil! Iwan mo na kami magbubuhat na ako" inis na sabi ko sa kaniya na agad niya namang sinunod.

"Umupo ka muna diyan" sabi ko kay Sky sabay turo sa bench na nasa gilid ng pagbubuhatan ko.

Naghubad ako ng damit sa harap ni Sky dahil gustong gusto ko siyang nakikitang namumula, naaadik din ako sa mga berde nitong mga mata kung pwede nga lang ipako ko ang mga tingin niya sa akin ay gagawin ko. "A-anong ginagawa mo?" utal na tanong niya sa akin at kita ko na ang pamumula ng psingi niya.

"Magbibihis ako ng damit ko na ginagamit ko tuwing nagbubuhat ako" sagot ko sa kaniya

"Bakit sa harap ko pa? Tumalikod ka nga doon oh kaya sa banyo ka na lang magbihis" sabi niya at di makatingin sa katawan ko.

"Dito na, damit lang naman ang papalitan ko at alam ko namang gusto mo makita ang katawan ko" asar ko dito at napatingin siya sa akin dahil doon.

"Ang kapal talaga ng mukha mo no!" inis na sambit nito sa akin

Ang cute niya tingnan haha kaya lagi ko siyang inaasar eh para siyang bata kung magalit ang sarap kurutin ng pisngi niya dahil sa kacute-an pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Anong nginingiti mo diyan?" tanong niya bigla sa akin

"Wala lang ang cute mo magalit eh para kang bata" sabi ko at nagbihis na ako.

Kita ko naman na namula ulit siya pero tinigilan ko na siya at nagsimula ng mag work out.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.