The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 12



Skyler's Pov

Ang saya ko kasi heto at kahalikan ko ang lalaking sinisigaw ng puso ko, pinapatibok niya ng mabilis dahil sa tuwa ang puso ko.

Habang magkalapat ang aming mga labi ay unti-unti kong nararamdaman na parang bumibigay siya at tila ba nakasandal na lamang siya sa akin, tiningnan ko ito at nakapikit na pala siya tinulugan niya ako!

Marahil siguro sa kalasingan kaya nakatulog siyang agad, hinawakan ko ang katawan niya para hindi ito tulyang bumagsak at tsaka ko siya inihiga sa kaniyang kama.

Ngayon naman ay iniisip ko kung papalitan ko ba siya ng damit dahil mukhang hindi siya makakatulog ng maayos rito sa suot niya.

Sa huli ay nanaig pa rin sa sarili ko na palitan siya ng mga damit, kabadong hinawakan ko ang kaniyang suot na damit at unti-unti itong inalis, natunganga ako sa katawan ng prinsipe matapos ko siyang alisan ng damit at napalunok naman ako ng laway ng mapansin ang kakisigan ng prinsipe.

Kitang kita ko ang anim na pandesal niya sa katawan at para bang natutukso akong hawakan ito pero pinigilan ako ang aking sarili at sinimulang hubarin ang suot niyang short.

Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko suot nitong short at nagdadalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko ba tong ginagawa ko.

Pinikit ko na lamang ang aking mata at hinubad na ang suot nitong short, nang matapos ko naman iyon ay dinilat ko na ang aking mata at napadako ang tingin ko sa nakaumbok na bagay doon sa pagitan ng mga hita niya dahil bakat na bakat ito sa suot niyang fitted na boxer.

Bigla naman ako nakaramdam ng pag-iinit sa katawan dahil sa nakikita ko, kahit kailan talaga ay hindi ako binibigong makaramdam ng pamunula dahil sa katawan niya.

Inayos ko na lamang ang kaniyang pagkakahiga at hindi ko na siya sinuotan pa ng kahit anong damit nang sa ganon ay maging presko at maaliwalas ang kaniyang pagtulog.

Tiningnan ko muli ang gwapong mukha ni Prince Alex bago ako nag pasiyang pumunta na sa aking silid upang makapagpahinga na rin ako.

***********

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga at pumasok ako sa banyo upang maligo at mag-ayos ng sarili.

Ganito naman ang ginagawa ko araw-araw at pagkatapos ko rito ay ipagluluto ko si prince Alex ng kaniyang umagahan.

Nang makapagbihis na ako ng usual kong suot na simpleng kulay kayumangging damit at puting short ay lumabas na ako ng aking silid at tinungo ang kusina.

Kapag hindi kami aalis ni prince Alex ay ganito lamang ang suot ko dahil mas gusto ko iyon at isa pa wala naman akong uniporme na itinakda ni prince Alex para suotin ko at sabi niya kahit ano naman daw ang suotin ko ay bagay sa akin, napangiti naman ako dahil sa pag-iisip kong iyon.

"Ang ganda ng ngiti natin ngayon Skyler ha!" wika ni Ash ng makapasok ako sa loob ng kusina.

"Oh ikaw pala Ash, para saan naman yang hinihiwa mong prutas?" tanong ko dahil abala siya sa paghihiwa ng mga prutas.

"Ah ito ba? Para sa mahal na reyna ito" sagot niya sa akin

"Ikaw anong gagawin mo rito" dugtong pa nito

"Magluluto sana ako ng sopas para kay prince Alex nakainom kasi sila kagabi eh" sagot ko rito

"Ang swerte naman ng prinsipe may tagaluto siyang maganda" nakangiting saad nito sa akin na ikinatawa ko

"Sira ginagawa ko lang naman yung trabaho ko" sambit ko

"Sipag mo talaga eh kaya nagus--" sabi niya at hindi ko naman narinig ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong na ito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ha? Ano yun?" tanong ko rito

"Wala sige na magluto ka na baka magising na si prince Alexander at magalit pa iyon sa akin" sagot niya kaya sinimulan ko ng magluto ng sopas.

Ilang oras din ay natapos ko na itong lutuin kaya naglagay na ako sa mangkok at umakyat na sa silid ni prince Alex

Tulog pa rin ito ng madatnan ko kaya inilapag ko muna sa lamesa niya ang sopas na dala ko atsaka ako umupo sa tabi nito para siya ay gisingin.

Ang aliwalas ng mukha niya kahit bagong gising pa siya, ngayon ko lang napansin na naka boxer nga lang pala siya kaya di ko maiwasan na tumingin rito at labis akong nagulat dahil nakalagpas na sa boxer niya ang alaga niya. Alam kong normal sa mga lalaki ang ganitong pangyayari pero di ko inakala na ganito kalaki ang kay prince Alex.

"Wanna touch it?" nagulat ako ng biglang magsalita si prince Alex

"Waaaaahhh!!" sigaw ko at napatayo naman ako agad at tumalikod.

"Malaki ba ang alaga ko?" nang-aasar na tanong niya sa akin

"Hi-hindi ko naman nakita" palusot ko

"Hindi daw eh halos matunaw na nga sa titig mo" patuloy pa rin ang pang-aasar niya sa akin

"Alex Stop!" sita ko rito

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Hahaha ito na titigil na di ka naman mabiro eh, pwede ka ng humarap pinasok kona sa loob yung malaki kong alaga" Natatawang saad nito

"Isa! Lalabas ako dito kapag di mo ako tinigilang asarin" sagot ko at hindi pa rin humaharap sa kaniya.

"Oo na haha, pwede ka na talagang humarap" seryoso niyang sabi sa akin kaya humarap na ako at mabuti naman nakaayos na siya pero bakat pa rin ito sa boxer niya ngunit hindi ko na ito pinansin pa. "Para sa akin ba itong sopas?" tanong niya atsaka umupo sa upuan ng lamesa.

"Oo, alam ko namang nag-inom kayo kagabi kaya ayan ang niluto ko para sa hang over mo" paliwanag ko

"Ang sweet naman ng Kaibigan ko" ewan ko ba pero natigilan ako ng sabihin niya iyon mukhang kailangan ko na talagang itatak sa isip ko na kaibigan ko lang siya.

"Hey! Sabi ko tara dito para sabayan mo akong mag-almusal hindi yung nakatayo ka lang jan" napabalikwas naman ako ng magsalita siyang muli

"Ah-sorry may naisip lang ako" wika ko

"Ano naman yun?" tanong niya

"Naalala mo ba yung ginawa mo sa akin kagabi?" lakas loob kong tanong rito

"Ha? Hi-hindi eh lasing na lasing ako kagabi ano ba ginawa ko sayo?" utal nitong sambit sa akin

"W-wala wag mo ng isipin yun" saad ko at umupo sa harap niya.

Parang may panghihinayang at lungkot sa mata niya pero di ko na ito pinansin pa at nagsimula na ring kumain ng sopas.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.