The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 11



Skyler's Pov

Habang tumatagal ang inuman nila ay mas lalong kumukulit sina prince Khalix at prince Zamuel halos buong buhay na ata nila ang naikwento nila sa amin.

Si prince Claude naman ay ganon pa rin panay ang titig sa akin pero kapag tumitingin sa kaniya si prince Alex ay inaalis rin nito ang tingin niya sa akin, ano bang meron sa mukha ko? Marumi ba o may something nakakabaliw isipin kung bakit panay tingin niya sa akin.

Oo gwapo siya para sa akin pero di niya ako madadaan sa mga titih niya no at isa pa mas gwapo pa rin sa mga paningin ko si prince Alex.

"Bro malapit ka na maging ganap na prinsipe may nahanap ka na bang gagawin mong prinsesa?" tanong ni prince Claude kay prince Alex

"Oo nga Alexander at isa pa di ka pa namin nakikitang nag girlfriend kasi sabi mo naka reserve yang puso mo sa iisang tao" dugtong pa ni prince Khalix, di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. "Yes, ayaw ko pang mag girlfriend dahil gusto ko yung taong gagawin kong prinsesa at papakasalan ko ang magiging first and last ko❞ nakangiting wika nito.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan na tila ba nahanap niya na ang magiging katuwang niya sa buhay, parang tinusok naman ang mga puso ko dahil doon sana kasi ako na lang prince Alex bakit hindi mo ba ako kayang mahalin? Ayaw kong magdrama sa harap nilang tatlo kaya agad akong napatayo.

"Where are you going Sky?" tanong ni prince Alex sa akin.

"Ma-mag babanyo lang ako" utal na sagot ko.

"Samahan na kita" sabi niya na agad ko namang tinutulan.

"Hindi na, kaya ko na to at isa pa may banyo naman dito sa loob kaya doon na lang ako magbabanyo para mas malapit" saad ko at hindi na siya sumagot kaya dali dali akong pumasok sa banyo.

Tumapat ako sa salamin at kitang kita ko sa sarili kong mga mata ang lungkot na nadarama ko sa tuwing sinasampal ako ng katotohanang hindi maaaring maging kami ni prince Alex.

Anong gagawin ko? Dapat ko na bang pigilan ang sarili ko na mahulog lalo sa kaniya? Pero paano naman eh halos di ako mahiwalay sa kaniya.

"Are you crying?" wika ng kung sino sa gilid ko na nagpalik sa akin sa realidad.

"Prince Claude kayo ho pala" wika ko at dali daling pinunasan ang aking mga mata na may konting luha.

"Why are you Crying?" nag-alalang wika nito at lumapit sa tabi ko

"Hi-hindi po napuwing lang po ako kaya ganito" sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya

"Are you sure?" tanong niya

"Opo prince Claude" magalang na sagot ko rito

"Pwede bang Claude na lang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang katulad ng ginagawa mo kay Alexander?" nagulat naman ako sa pakiusap nito.

"Hindi po pwede prince Claude magagalit po sa akin si prince Alex" sagot ko rito

"No, akong bahala sayo at ituring mo na rin akong kaibigan pasensya ka na kung panay ang tingin ko sayo may naalala lang kasi ako sa mga berde mong mata" paliwanag nito

"Sino pong naaalala niyo prin- este Claude?" tanong ko

"Nothing don't mind it at salamat kasi hindi mo na ako tinatawag na prince" nabigla ako ng bigla itong napayakap sa akin kaya hindi naman ako nakakilos agad pero bakot ganon may kakaiba akong naramdaman sa yakap niya? Bigla kong naalala yung Ama ko.

"F*ck you Claude!" napabitaw kami sa yakap ng marinig namin ang galit na sigaw ni prince Alex.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Agad nitong sinapak sa mukha si Claude na hindi niya naman na ilagan na naging dahilan ng pagkatumba niya sa sahig, nakakatakot ang itsura ni prince Alex ngayon at galit na galit siya.

"Alam mong ayaw kong may humahawak na iba sa pagmamay-ari ko Claude!" galit na saad ni prince Alex habang kinekwelyuhan ang nakahigang si Claude

"Hindi mo siya pagmamay-ari Alexander may sarili siyang buhay, gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin!" Matapangna sagot ni prince Claude kay Alex.

"F*ck you!!" tinaas ulit ni prince Alex ang kaniyang kamay at mukhang sasapakin niya ulit si prince Claude.

"Alex tama na!" sigaw ko na nagpalingon sa kaniya.

"Ipagtatanggol mo pa tong lalaking to?" may diin sambit niya sa akin

"Wala kaming ginagawang masama Alex" paliwanag ko rito

"Wala? Eh kitang kita ko kayong magkayap nitong gag*ng to!" may galit na sabi niya sa akin.

Ang sakit pala masigawan ng taong mahal mo hindi ito kinakaya ng puso ko, bakit ba ganon na lang ang naging reaksyon niya.

"Let's go na, doon tayo mag-uusap sa taas!" gigil na sambit nito sa akin.

Agad akong hinila ni Alex palabas ng banyo at nakita pa namin na nasa labas pa rin at nag-iinom sina prince Kahlix at prince Zamuel pero hindi namin ito pinansin at patuloy akong hinahatak ni Alex palabas. Umakyat kami sa kaniyang silid at padabog niyang sinarado ang pinto na nagpapitlag sa akin.

"Anong ginagawa niyo nung gag*ng yun sa loob ng banyo?!" bungad na tanong niya sa akin ng makapasok kami sa loob, hawak hawak niya pa rin ang aking braso.

"Wa-wala nga Alex" sagot ko rito

"Wag mo kong lokohin Sky!" sigaw niya sa akin at nasaktan naman ako sa diin ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"A-alex na-sasaktan ako" di ko napigilan ang sarili ko at napaluha ako hindi ko kasi akalain na gagawin niya sa akin to ang sakit lang sa dibdib.

"Sh*t Sorry Sky!" nagbago naman bigla ang itsura ng kaniyang mukha at agad niyang binitawan ang mga braso ko.

"O-okay lang" pilit kong sagot sa kaniya at pinupunasan ang mga luha ko.

"Hindi ko sinasadyang saktan ka Sky, patawarin mo ako" saad nito at niyakap ako.

Nasasaktan ako pero bakit ang rupok ko na sa simpleng yakap lang ay bumibigay na agad ang puso ko.

"Sayo lang ako nagkakaganito Sky patawarin mo ako" may pagsisising wika nito sa akin.

Kumalas ako sa yakap at kita ko sa mga mata niya na totoong nagsisisi siya.

"Pinapatawad na kita Alex wag mo na lang uulitin iyon" wika ko.

Tanga na kung tanga pero hindi ko mapigilan ang puso ko na patawarin siya dahil siya ang iniibig ko.

Nagkatitigan kaming dalawa at dahan dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko at tila ba gusto niya akong halikan, ito na naman ang katawan ko na nakatayo lang at pinapanood siya. Hinawakan niya ang pisngi ko at unti unting nilapit ang labi ko sa labi niya, hindi ko na ito pinigilan pa at lumapat na ang labi naming dalawa.

Hinalikan niya ako!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.