The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 10



Skyler's Pov

*TOK TOK TOK

"Hmmmm" ito lang ang naging tugon ko ng may kumatok sa pinto.

Di ko pa minumulat ang mga mata ko dahil ang sarap pa ng pagkakahiga ko rito sa matigas na unan.

Nilibot ko ang kamay ko at kinapa ang unan na hinihigaan ko dahil hindi ganito ang unan ko sa silid ko, bumaba ang kamay ko at may nahawakan akong isang bagay na medyo matigas na curious naman ako kaya pinisil pisil ko ito. "Ughh" rinig kong ungol at kinabahan naman ako kaya agad kong minulat ang aking mga mata at ganun na lamang ang pagkabigla ko ng makita nakahiga pala ako sa dibdib ni prince Alex at ang hinahawakan ko ay walang iba kundi yung ALAGA niya!

"Waaaahhh!!" sigaw ko at naitulak ko naman siya na naging sanhi ng pagkabagsak niya

"A-aray!!" Rinig kong daing niya

"Bakit ka ba nanunulak?" tanong nito habang kinukusot ang mata

"Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?" tanong ko dito

"Kwarto mo?" takang tanong niya at napansin ko ngang hindi ko ito silid, inalala ko ang mga nangyari kanina at naalala ko na pumayag pala ako na matulog rito sa kwarto niya. "Pasensiya na Alex di ko sinasadya" sabi ko at tinulungan ko siyang makatayo.

"Mukhang napasarap ang tulog mo ha at nagawa mo pang pisilin yung ano ko" sabi niya at nginuso ang bagay sa pagitan ng mga hita niya na ngayon ay parang lumaki na.

"Hi-hindi no!" sagot ko at umiwas ng tingin sa kaniya

"Talaga ba?" nakangising sambit nito sa akin.

*TOK TOK TOK

Mabuti na lang at may kumatok dahil hindi ko alam ang isasagot sa lalaking ito, ang laki ng nahawakan ko kanina at malambot pa yun gaano kaya kalaki yun pag matigas na? Ay ano ba yan bakit ako nag-iisip ng ganon! Binuksan naman ni Alex ang pinto at sumalubong sa kaniya si kuya Berto.

"Pasensya na mahal na prinsipe kung nagambala ko ang ginagawa niyo pero nasa baba po ang mga kaibigan niyo at hinihintay kayo" sabi ni kuya Berto

"Sige po kuya sabihin niyo sa kanila pababa na ako" sagot ni Alex at tumango naman si kuya Berto bilang tugon.

Sinarado muli ni Alex ang pinto at tumungo na siya sa kaniyang damitan, marahil ay magpapalit siya ng kaniyang suot na damit.

Napatingin ako sa bintana ng silid na ito at madilim na ang kalangitan ibig sabihin ay gabi na, ganon na pala kahaba ang naging pagtulog namin ni prince Alex.

Nang matapos magbihis ang mahal na prinsipe ay bumaba na agad kami, ang suot niya pala ay simpleng polo shirt na stripes ang design at tokong na short at bumagay naman sa kayumanggi nitong kulay. Pagkababa namin ay sinalubong agad kami ng tatlo niyang mga kaibigan.

"Ang tagal niyo naman bumaba Alexander" bungad sa amin ni prince Zamuel

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"It's none of your business Zamuel at isa pa bakit ba kayo nandito?" tanong naman ni prince Alex sa kanila

"Ewan ko ba rito kay Claude bigla na lang nagyaya na pumunta dito sa kaharian niyo" sabi ni prince Khalix at agad naman kaming napatingin kay prince Claude.

"Eh-bakit gusto ko lang naman magsaya rito eh at isa pa ngayon na lang kami ulit nakapunta rito sa palasyo niyo" sagot naman ni prince Claude, ewan ko ha pero parang may mas malalim pa siyang rason bukod doon. "Whatever, let's go to our mini bar here at ikaw Sky umakyat ka na dahil hindi ka naman iinom" napatingin naman ako sa kaniya dahil doon.

"Masusunod prinsipe" wika ko at aalis na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko at ng tingnan ko iyo ay nagulat ako dahil si prince Claude iyon.

"Let him join Alexander wag kang KJ" sambit ni prince Claude kay Alex

"Bitawan mo siya Claude! At hindi pwede ayoko siyang uminom ng alak" sabi ni Alex at pinaghiwalay ang kamay namin ni prince Claude

"Tama si Claude, isama mo na si Sky" saad ni prince Khalix

"It's Skyler! Ako lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng Sky you bastard!" may diing sabi ni Alex kay prince Khalix

"Woah easy ka lang Alexander galit ka agad eh, ok we got your point pero hayaan mo sana na sumama si Skyler para naman makilala namin siya diba?" wika ni prince Zamuel Tumingin naman sa akin si prince Alex at ngumiti ako sa kaniya para iparating na ok lang na sumama ako sa kanila, napabuntong hininga naman siya dahil doon.

"Fine! Pero sasama lang siya at hindi siya pwedeng uminom" saad ni prince Alex

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Ok so let's go na!" masayang sabi ni prince Claude.

Nauna kami ni prince Alex sa mini bar nila dito sa palasyo habang nakasunod naman sa likod namin ang tatlong kaibigan niyang prinsipe. Sinilip ko silang tatlo at ang ipinagtataka ko naman ay sa tuwing titingnan ko si prince Claude ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin at bigla niya akong nginingitian.

Hindi ko na ito pinansin pa at pumasok na kami sa loob ng mini bar, napakaganda pala nito ngayon lang kasi ako nakapasok dito dahil ayaw akong papuntahin dito ni prince Alex baka raw matuto akong uminom ng alak. Umupo kami sa lamesang may saktong upuan para sa aming lahat.

Agad na lumapit sa amin ang bantay rito na siya namang nagsisilbing waiter nila.

"Ton bigyan mo kaming lahat ng alak tas isang mango shake lang kay Sky" Sabi ni Alex kay Ton na waiter dito

"May gusto ba kayong kainin mahal na prinsipe?" tanong ni Ton, tiningnan naman ako ni Alex at tila ba tinatanong kung may gusto ba akong kainin.

"Kahit ano na lang prince Alex" sagot ko rito

"So Ton bigyan mo na lang kaming lahat ng sisig" sabi ni prince Alex at umalis na agad si Ton para asikasuhin ang mga inorder namin.

Masaya silang nagkwekwentuhan habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila, nakikita ko na agad kung anong ugali ang meron tong mga kaibigan ni prince Alex.

Si prince Khalix ang pinaka madaldal sa kanila at halos di nauubusan ng kwento habang si prince Zamuel naman ang kasabayan niya na makulit rin.

Si prince Claude naman ay parang magkaparehas lang sila ni prince Alex na may pagkaseryoso, panay pa rin ang tingin sa akin ni prince Claude pero ipinagsawalang bahala ko na ito, maya-maya pa ay dumating na ang mga inorder namin at nagsimula na silang uminom.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.