The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 16



Skyler's Pov

Umaga na ngayon at bitbit ko ang isang tray na naglalaman ng isang soup ng sopas, isang baso ng tubig at gamot na pwedeng inumin ni prince Alex kapag nahilo siya dala ng hang over niya. Pumasok na ako sa silid niya at nakita kong si prince Alex ay gising na habang nakaupo doon sa upuan sa harap ng lamesa.

Napansin niya ako kaya napatayo ito agad pero hindi naman siya lumapit sa akin, pinatong ko na ang tray doon sa lamesa niya.

"Inumin niyo po yung gamot kapag nahilo kayo prince Alex" nakayukong sambit ko sa kaniya.

Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin at itinaas niya ang mukha ko paharap sa mukha niya.

"S-sorry" iyan lang ang salitang lumabas mula sa bibig niya.

Nanlambot naman ang puso ko dahil doon, masaya ako kasi kahit prinsipe siya ay marunong siyang humingi ng tawad kapag alam niyang siya ang nagkamali.

"Mmmm" sabi ko at tinanguan siya, bigla niya naman akong niyakap na ikinagulat ko.

"Sorry talaga Sky please patawarin mo na ako, hindi ko kayang hindi mo ako kinakausap❞ seryosong saad nito habang yakap ako lihim naman akong napangiti dahil doon.

Dahan dahan akong kumalas sa yakap niya at hinawakan ang magkabilang braso nito.

"Ok na pinapatawad na kita" nakangiting sambit ko rito

"Sure ka ba diyan?" tanong niya sa akin

"Oo naman, bakit ayaw mo ba?" wika ko

"Hindi, gustong gusto ko" sagot niya at niyakap niya akong muli pero ngayon ay ginantihan ko na ang yakap niya.

"Salamat Sky pasensya na talaga sa mga nasabi ko sayo" sagot nito at kumalas na siya sa yakap.

"Wag mo na uulitin iyon ha kundi isang buwan kitang hindi kakausapin" biro ko sa kaniya at nakita kong napalunok siya ng laway dahil doon.

"O-oo hindi ko na uulitin, hayaan mo sanang bumawi ako sayo" saad niya

"Ha? Hindi na kailangan yun pinapatawad na nga kita" sabi ko sa kaniya

"No, I insist hayaan mo akong bumawi sayo" sabi pa niya

"Paano naman?" tanong ko

"Punta tayo sa mall mamaya bili ka ulit mga gusto mong halaman libre ko" sabi niya at natuwa naman ako dahil doon.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko

"Oo, alam kong gusto mo yon" nakangiting wika nito sa akin.

"Salamat" sabi ko sa kaniya at nginitian niya ako bilang sagot.

*****

Tanghali ng araw na iyon at heto kami kakapasok lang sa loob ng mall na pinuntahan namin nung nakaraan.

"Bibili ba agad tayo ng halaman o kakain muna tayo?" tanong sa akin ni prince Alex pagkapasok namin sa loob.

"Kain muna tayo Alex para may gana akong mamili ng mga halaman mamaya" sagot ko rito

Naglakad na kami papunta sa isang restaurant at alam kong mahal dito kaya agad ko siyang pinigilan.

"Mahal diyan Alex doon na lang tayo sa fast food kumain" wika ko sa kaniya

"Nakakalimutan mo bang prinsipe ang kasama mo?" mayabang na tanong niya sa akin

"Alam ko naman yun pero ayaw lang kita gumastos ng malaki" sabi ko sa kaniya

"Stop it Sky, wag mong alalahanin yung pera at isa pa ako naman magbabayad" tila ba naiinis na sagot niya

Napansin ko naman na pinagtitinginan na kami ng mga tao rito kaya di ko na siya sinagot pa at pumasok na kami doon sa restaurant.

Pumili na kami ng pwesto namin sa loob at tsaka umupo rito.

"Good Day prince Alexander!" bati nung waiter pagkaupo namin pero tinanguan lang ito ni prince Alex.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"What do you want to eat prince?" tanong nito kay Alex

"Sky ano gusto mong kainin?" tanong niya sa akin

"Eh kahit ano na lang ikaw na bahala"  sagot ko sa kaniya.

"Ok, can you give us 2 Garlic-Butter Steak, 2 plates of Baked Rigatoni Pasta and 2 Pineapple Juice" sabi niya sa water at mukhang masarap ang mga inorder niya. "Noted prince Alexander, we will just prepare your order" sagot ng waiter at umalis na rin ito.

"Alex thankyou ulit" sabi ko rito

"Hindi mo kailangang mag pasalamat Sky diba bumabawi nga ako sayo?" sabi niya sa akin

"Kahit na Thankyou pa rin" saad ko at ngumiti naman ito.

Mabilis na dumating ang mga inorder ni Alex at masasabi kong ang sarap nito tingnan at mukha rin siyang mahal.

Pagkarating ng mga ito ay agad kaming kumain ni prince Alex para makapamili na kami ng mga halaman.

"Ang sarap, nabusog ako" wika ko matapos naming kumain

"Good, Happy ako kasi nagustuhan mo" nakangiting sambit nito sa akin.

"Let's go na?" yaya niya at tumayo na kaming dalawa.

Pagkalabas naming dalawa ni prince Alex doon sa restaurant ay lumakad na kami papunta doon sa store ng mga halaman at bulaklak.

"Ok go, get what you want" sabi ni prince Alex ng makapasok kami sa loob ng store.

"Hi, ano pong hinahanap niyo?" tanong sa akin ng sales lady

"Ano po ba ang mga bagong dating niyong halaman dito?" tanong ko sa kaniya

"Ah marami po eh pero yung pinakamaganda na dumating ay eto pong mga Sunflower" sagot niya sa akin at tinuro ang mga sunflower, mukhang maganda nga iyon ha? Wala pa kasi akong sunflower sa kwarto ko. "Alex este prince Alex!" pagtawag ko sa kaniya at agad naman siyang lumapit.

"Maganda ba kung itong sunflower na lang ang bilhin ko, ano sa tingin mo?" sabi ko sa kaniya at tiningnan niya naman ang mga bulaklak na ito at para bang sinusuri ito.

"Uhm, yes maganda siya bagay sayo kasi maganda ka rin❞ nabigla naman ako sa sinabi nito

"Prince Alex!" sita ko sa kaniya at sinenyasan siya na naririnig siya ng sales lady baka kung ano pa isipin ni ate eh.

"What? Nagsasabi naman ako ng totoo eh, diba miss maganda siya?" nagulat naman ako dahil dinamay niya pa si ate.

"Ah opo mahal na prinsipe maganda siya" nahihiyang sagot ni ate

Ako naman ang nahiya dahil sa mga pinagsasabi ni Alex.

"Ah sige po ate kukunin ko na tong sunflower" sabi ko sa sales lady at agad niya naman inasikaso ito, binigay rin ni prince Alex ang Credit Card niya sa sales lady. "Yan lang ba gusto mo? Wala ng iba?" tanong ni prince Alex sa akin

"Ah oo ayoko naman na isipin mong inaabuso kita" sagot ko

"Hindi ko naman iniisip na inaabuso mo ako at isa pa ako naman ang nagsabi na ililibre kita" saad niya

"Kahit na❞ simpleng sabi ko sa kaniya

"Ah eto na po ang order niyo"  sabi ng sales lady kaya kinuha ko na ito pati yung credit card ni Alex.

Nang lingunin ko si prince Alex ay nakangiti ito at mukhang malalim ang iniisip

"Ang ganda ng ngiti natin ha?" tila nabigla naman siya dahil sa sinabi ko

"Ah-eh wala, tara na anong oras na" sambit nito sa akin.

Napangiti din ako dahil sa kaniya, lumabas na kaming dalawa at masaya kaming umuwi sa palasyo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.