Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 31: Manghuhula



"Ayos lang ba sayo na dito kita dinala?"

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng sementeryo. Mukha namang kami lang ang tao ngayon kaya walang makakakita sa akin bukod sa taong nagwawalis ng mga dahon sa paligid. Tinanggal niya ang iilang tuyong dahon galing sa puno ng Narra. Nauna akong umupo sa kanya.

"Oo naman. Bakit hindi?", nakangiting sagot ko habang nakatingala sa kanya.

Lumuhod siya upang magpantay kami at binigay sa akin ang dala niyang mga pagkain.

"Bibili lang akong kandila at bulaklak. Babalik din ako kaagad", tumango ako.

Habang naghihintay sa kanya ay inabala ko ang aking sarili. Ang iilang dahon na nakatakip sa lapida ay inalis ko sa pamamagitan ng pag hipan.

"Rucio Presigo A. Paez", pagbasa ko sa nakaukit na pangalan. Pamilyar ang pangalang ito.

Ilang beses akong nag isip hanggang sa proseso ng utak ko kung kaninong pangalan ito.

"Liyag", umupo si Cade sa tabi ko. Tinunaw niya ang ibabang bahagi ng kandila at saka tinayo iyon sa lapida. Sinindihan niya ito katabi ng bulaklak niyang binili.

"Hindi ka naman ba nainip?", bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

"Bakit hindi mo pa kinain yan? Baka magutom ka", binigay ko iyon sa kanya upang buksan ang pinaglagyan ng pagkain na binili namin.

Inuna kong tikman ang palamig na nakalagay sa parehong lalagyan ng milk tea. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko ng natikman ko ang lasa ng purong manggo flavor.

"Grabe! Ang sarap!", nag thumbs sa akin si Cade habang nakain ng fish ball. Pinagtusok niya ko saka isinubo sa akin.

"Pati yung sauce masarap", bakas sa mukha niya ang saya dahil sa reaksyon ko. Siguro naman hindi siya magdududa sa sarili niya na kaya niya akong pasiyahan sa ganitong bagay.

"Oo nga pala. Itay, si Piper. Siya yung Perouzé na tinutukoy ko sa inyo dati. Tanda niyo pa ba? Siya yung maarteng mayaman na kinahuhumalingan ko", ang mga mata niya ay puno ng pinaghalong lungkot at saya. "Magandang Hapon po! Ako nga po iyon. Nako! Pag pasensyahan niyo po ako!", natatawang sinabi ko tila ba iimik ang kausap naming dalawa.

"Is your father's nickname Igo?", ilang beses siyang tumango.

Base sa naalala ko ang tatay niya ang kamukha niya at kaugali. Minsan kong nakausap ang tatay niya noon pero sandali lamang iyon. May pagkamaloko rin ang tatay niya.

Unti-unting hinawakan ni Cade ang magkabila kong kamay. Kahit malagkit iyon dahil sa sauce ay hindi ko inalintana.

"Piper, kahit anong mangyari kapag naging tayo ay wag kang bibitaw"

Tinitigan ko ang mga mata niya. Para bang may tinatago siya sa akin na hindi ko mawari kung ano. Pero sa isang banda ng isip ko ay iniisip kong baka na pra-praning lang ako.

"Itay, bigyan mo po kaming basbas para sa aming relasyon sa hinaharap", dumapo ang halik niya sa kamay ko. Para siyang isang prinsipe sa mga fairy tales na napanood ko.

Mas lalo kong naramdaman ang sensiradad niya sa panliligaw sa akin. I think I found the one who's fated for me. Pero ayoko itong madaliin. Patagalin ko naman ng kaunti para magmukhang nagpakipot ako kahit papaano.

"Nangangako po akong siya lang ang lalaking mamahalin ko for the rest of my life. It maybe cliche pero iyon po ang totoo. Kaya kong sundin siya magaling sa kabilang buhay at doon ay pipiliin pa rin namin ang mahalin ang isa't-isa", teary- eyed akong ngumiti habang pinagmamasdan ang pangalan ng tatay ni Cade.

Ang mainit niyang braso ay naramdaman kong pumulupot sa aking bewang. Hinalikan niya ako ng mariin sa noo. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ng aking buong katawan.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Nagtagpo ang tingin naming dalawa.

"Bakit pakiramdam ko ay sinasagot mo na ko?", nagbuntong-hininga ako.

Bakit ko nga ba nasabi iyon?!

Pa-simple kong pinukpok ng mahina ang aking ulo. He giggled while watching me.

"Bakit parang pinagsisihan mo yung sinabi mo?", mapanuya ang ngiti nito.

Bakit ba kasi nakakadala ang emosyon? Ang excited ko masyado.

"Alam mo mas mabuting bilisan na lang natin. Malapit ng lumubog ang araw"

Kalahating oras ay natapos kami sa pagkain. Natagalan dahil sa dami ng pinagkwentuhan namin. Kinumpirma niyang ang hinala ko at sinabi ni Letty tungkol kay Abel. Lumuwag ang dibdib ko ng malamang hindi si Mara ang nakadate nito. "Malalaman mo din yon. Wag kang mangulit"

Pa-paano kasi ay ilang beses ko siyang kinulit patungkol sa misteryosang babaeng nakadate ni Abel. Ayaw niyang ipaalam kung sino iyon dahil hindi pa tamang panahon ngayon. Hindi ko alam kung niloloko niya lang ako sa palusot niya o talagang may istorya kung bakit hindi pwedeng malaman.

"Sino sila?"

Tensyonadong hinawakan ni Cade ang kamay ko ng nilagyan niya ng tig isang pirasong kandilang may sindi ang nitcho ng mga ito. "Erman Rana Verticio. Kule Florantilla"

There names seems sounds familiae lalo na yung surname na Florantilla. Ilang beses akong mariin na pumikit upang alalahanin iyon. "Ayos lang ba kung iwan mo muna ako sandali dito?"

Ginawa ko ang gusto niya ngunit bahagya lamang akong lumayo. Ang isiping maligaw ako dahil sa hindi ko alam pasikot-sikot sa lugar na nito ay kinikilabutan ako. Idagdag pang sementeryo ito at matatakutin ako.

Bumalik ang atensyon ko sa aking iniisip ng mapansin kong nagpapalis ng luha si Cade habang nag uusap.

"Iha", hindi ko napigilang mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pag sulpot ng matandang lalaki sa tabi ko.

Siya yung nakita kong nagwawalis kanina.

Nakahawak ang isa nitong kamay sa likod niya at hindi na rin siya makatayo ng tuwid.

Ineksamina niya ko gamit ang kanyang mga mata. Muli akong nabigla ng hinawakan niya ang isa akong kamay. Binawi ko rin naman agad iyon dahil baka kung anong nasa isip nito. "Wagas ang pagmamahalan ninyong dalawa"

Sa tuwa ay kumuha ako ng pera sa dala kong shoulder bag.

"Ayan po, Lolo. Nang makatulong ako!", para bang nagsasayaw ako sa aking kinatatayuan habang iniintay ang kamay niyang abutin ang perang hawak ko.

"Ngunit may isang bagay na hindi kayo maiiwasan", tumalikod siya sa akin ng hindi manlang tinanggap ang alok ko.

Sinigurado kong hindi pa tapos si Cade sa ginagawa nito bago ko tinuluyang sinundan ang matanda. Hindi pa siya nakakalayo kaya't nasundan ko.

Abot ang paghinga ko habang nakatuon ang dalawa kong kamay sa parehas kong tuhod.

"Ano po ang hindi namin maiiwasan, Lolo?"

Ilang segundo bago siya tuluyang sumagot. Lumapit siyang bahagya sa akin at pabulong na sinabi.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ang dalamhati dulot ng pag ibig"

Ngumiti ako saka tinapik ang matanda sa braso nito.

"Natural lamang po na malungkot dahil sa pag ibig, Lo"

Umiling na lamang siya sa sinabi ko. Ako naman ay masayang bumalik sa kinatatayuan ko kanina.

Mga matatanda nga naman masyadong mahiwaga at malalim.

"Saan ka nanggaling?"

Tinanaw ko ang matanda ngunit wala na siya. Siguro ay nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.

"Ah. Sinundan ko lang yung matanda. May sinabi kasi siya", tinanaw ni Cade kung saan ako nakatingin.

"Hindi mo na siya makikita. Kanina pa siya naglakad palayo"

"Ano bang sinabi niya?", bakit parang interesado siya sa sinabi nito?

"Ang sabi niya wagas daw ang pagmamahalan nating dalawa. Pero may hindi raw tayo maiiwasan. Yun ang dalamhati dulot ng pag ibig"

Biglaan ang paghigit sa akin ni Cade ng matapos kong sabihin iyon. Hindi ko maintindihan kung anong nakapinta sa kanyang mukha. Kung inis siya dahil sa sinabi ng matanda o inis siya dahil nakipag usap ako kung kanino. "Hindi ka dapat nakikipag usap kung kanino"

Pumiglas ako sa pagkakahawak niya ang pinagmasdan ang palapulsuhan ko. Namumula iyon dahil sa laki ng daliri niyang mahigpit na sinakop iyon.

Umuna akong maglakad sa kanya at kahit hanggang pauwi ay hindi kami nagpansinan. Taka namang sinalubong ni Letty. Nakaupo siya sa labas ng kanilang bahay habang naghihimay ng malunggay. "Bakit nakabusangot yang mukha mo?"

Pinagkrus ko ang aking mga braso. Sinimulan ang pag kwe-kwento hanggang sa nabanggit ko ang tungkol sa matanda.

"Sa totoo lang Piper. Yung matandang iyon. Kilala siyang manghuhula sa bayan na ito. Karamihan kasi ng mga sinabi niya ay nagkatotoo"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.