Chapter 32:Secretive
"Liyag", gabing-gabi na ay nakuha pang pumunta ni Cade. Paano kasi ay hindi siya makatulog ng ayos dahil sa nangyari kanina. Hindi kasi ako nag re-reply sa kanya kaya kung anu-ano ang pumasok sa isip nito. Hindi niya alam ay nagcharge lang ako ng cellphone kaya pati tawag niya ay hindi ko nasagot. Kusa kasi itong nag sh-shut down kapag lowbat na.
Buwan ang nagbigay ng liwanag upang mapansin ang mata niyang namumungay.
Humikab siya bago ulit magsalita.
"Yung kanina... Patawad... Nabigla ako. Hindi ko intensyon na masaktan ka"
Pilit niyang inabot ang palapulsahan kong namula dahil sa ginawa niya. Pero iniwas ko iyon.
"Naiintindihan ko", matamis akong ngumiti.
"Tara na't matulog. Wag ka ng mag aalala. Hindi ako galit. Nainis lang ako"
Tinitigan niya kong mabuti upang makasiguradong hindi ako nag sinungaling sa sinabi ko.
"Ayokong may negatibo kang nararamdaman sa akin bago ka umalis", kinagat ko ang aking ibabang labi para hindi mahalata ang kilig at saya na nararamdaman ko.
Humugot ako ng paghinga. "Wag mo ng alalahanin yon. Lipas na yon. Good night. Matulog ng mahimbing"
"Ikaw rin, Liyag. Matulog ka ng mahimbing. Mag iingat ka para bukas", hinaplos niya ang aking kamay bago siya umalis.
Nakakalungkot isipin na hindi ko siya maabutan bukas ng umaga dahil may pasok siya. Ang alam ko ay performance ngayon ng kanyang klase bilang final requirements sa kanya.
Ako naman ay bumalik ng kwarto at nagpatuloy sa aking pagtulog. Nag dahan-dahan ako sa paghinga dahil mahimbing ang tulog ni Letty.
Maaga akong nagising at tila yata natutunan ko na ang body alarm clock sa isa't-kalahating buwan na paninirahan ko dito.
Umupo ako sa tabi ni Letty na nagpapalaman ng tinapay at iniabot niya ang isa sa akin. Si Manang Evy naman ay binigyan ako ng gatas na nasa tasa.
"Kailan ang balik mo dito?", maagap na tanong ni Letty habang ngumunguya.
"Hindi ko pa alam pero hindi naman ako aabutin ng buwan"
"Bakit? Hindi ka ba sasama pauwi?", dahan-dahan pag tango nito.
"Baka kung anong magawa ni Kuya dito habang nag iisa siya", taka naman akong sumimsim ng gatas sa sagot nito.
Si Mang Ben naman na kakalabas lamang mula sa banyo ay kinakaligkig ang katawan. Inabutan siya ng isa pang towel ni Manang Evy bago tuluyang pumasok sa kwarto nila upang magbihis.
Naalala ko yung pumunta kami ng Baguio para mag shooting sinama ko doon si Mang Ben. Nalaman kong lamigin siyang tao. Ilang patong kasi ng damit ang palagi nitong suot. Ilang beses lang yata siyang hindi naligo sa loob ng ilang buwan na pag stay namin doon.
"Piper, ikaw muna ang maligo. Pinagmamadali ka ng Donya Leonora. Tumawag siya sa akin kanina lang", saad ni Manang Evy.
Minadali ko ang pagkain ng tinapay at diretsong ininom ang gatas. Patakbong kinuha ko ang towel saka naligo sa banyo. Hindi ako masyadong nagtagal dahil sa pagmamadali. Si Manang Evy na nag aabang sa may pinto ay pumasok ng banyo pagkalabas ko.
Si Abel ay bumungad sa harap ko bago ako pumasok sa silid. Takang tumingin siya sa akin. Humikab siya at ilang beses kumurap bago ako nakilala.
"Ingat ka. Balik ka dito mangungulila sayo si Cade"
Walang bakas ng kalokohan sa mukha nito. Mukhang seryoso siya. Sinundan ko siya ng tingin habang nagsasalin ng tubig galing sa thermos. Tamad siyang kumuha ng kutsara na ginamit niyang panghalo sa kape.
Parang wala siya sa sariling pag iisip ng muntik ng sumala ang upo niya. Gusto ko man magtanong ay pinili kong hindi dahil baka humaba ang usapan. Mukha namang ayaw din niyang pag usapan iyon.
Si Letty naman ay problemadong pinagmamasdan ang Kuya niya. Marahil ito yung tinutukoy niya kanina. Kailangan ni Abel ng kasama at kausap.
Pumasok na ko ng tinuluyan sa silid at nagbihis. Hindi naman ako pumili ng magarbong damit dahil magpapalapit ako sa mansyon. Hindi rin ako nag abalang mag ayos kaya't tanging polbo at lip balm lang ang nagbigay ng buhay sa aking mukha.
Kalhating oras ay gayak na kaming paalis. Binuksan ni Mang Ben ang Van at una kong pinasok ang gamit ko. Sumunod din si Manang Evy na umupo sa aking tabi.
Pinagmasdan ko sa rearview ang bahay nila Cade hanggang tuluyan na kaming nakalayo mula doon.
"Hindi mo raw sinasagot ang tawag ng Mama mo. Naka block daw siya sayo", ani Mang Evy.
"Ah. Opo. Nakukulitan po kasi ako kay Mama", ngiti lang ang naging reaksyon niya sa sagot ko.
Ilang beses kasing tumawag sa akin si Mama at kausap ko si Aria tungkol sa problema nito. Ang ingay din ng cellphone ko dahil sa flood messages niya. Daig niya pang teenager sa gawain niyang ganon.
Palapit ng mansyon ay tanaw ko ang mga nag pro-protestang magsasaka. Kunot-noo akong napatingin dahil sa ginawa ng isa sa mga body guards nila Papa.
Base sa postura ng magsasaka at isa sa mga body guards ay may pinagtatalunan ang dalawa. Nakakuyom ang kamao ng body guard saka hinawakan ang damit nito.
Pinagsusuntok niya ang magsasaka at hindi siya nagpapigil sa mga kasama ng mga ito. Habang ang ibang body guards naman ay hinahayaan ang ginagawa ng kanilang kasama.
"Mang Ben pwede bang ibaba niyo ko sa harap ng gate"
Imbis na doon kami dumaan ay pumihit si Mang Ben sa ibang direksyon.
"Hindi ka pwedeng mangialam don, Senyorita. Pasensya na pero magagalit lamang si Don Emilio"
Inayos ko na lamang ang upo at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit. Sa likod kami dumaan. Doon ay may isa pang gate at tanging mga natira lang sa mansyon ang nakakaalam.
Tanaw ko sina Mama at Papa na nag uusap sa tabi ng swimming pool. Nakakunot-noo si Papa habang sumisimsim ng kape at si Mama naman ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan habang pagalit na nakikipag usap sa kanya. "Ang Senyorita...", sabi ng isa sa mga kasambahay namin. Kinuha niya ang mga gamit kong dala.
"Pakidala na lang sa kwarto", tumango naman siya sa akin.
Sina Manang Evy at Mang Ben naman ay naunang pumanhik sa loob. Walang atubiling pinuntahan ko ang aking mga magulang.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Muntik pang matapon ang kapeng hawak ni Papa ng binaba niya iyon sa lamesitang babasagin. Si Mama naman ay laglag ang panga na nakatingin sa akin.
Nang makalapit ako ay niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa labi.
"Bakit parang problemado yata kayo Ma, Pa?", nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila.
Mama smiled at me while placing her hands on my shoulders.
"It's about our business. You don't need to worry, Anak. You know that we can handle this"
Si Papa naman ay nakapamulsang ngumiti sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo.
"You should be preparing now. Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis", sabi nito.
"You should look elegant and beautiful. So that Arrow will...", pinutol ko ang dapat niyang sabihin dahil alam ko naman kung ano yon.
"Uuna na ko", naglakad ako ng paunti-unti at muli silang binalingan. Pinagmamasdan nila ako habang papalayo sa kanila.
Sumenyas sa akin si Papa na bilisan ko kaya't tumango naman ako.
Why am I feeling this? There's something wrong and there's something that I need know. They are very secretive.
Uminom na lamang ako ng tubig sa kusina para mawala ang iniisip ko. Huminga ako ng malalim at pumikit.
"Senyorita, ayos ka lang ba?", si Manang Evy na ngayon ay naka uniporme na.
Pilit akong ngumiti habang hinihilot ang aking sentido.
"Opo. I'm okay"
Siguro ay na pra-praning lang ako pero hindi ko mapigilan. Ang isiping alam ni Aria ang pasikot-sikot ng business nila pati ang maliliit na detalye nito ay nagpapasakit sa aking ulo. Hindi naman sa naiinggit ako pero why are my parents very secretive about it. Gayon na mamanahin ko rin naman iyon.