Chapter 30: Ginayuma
"Thank you", ani ko ng matapos kaming mag movie after namin mag cafe.
"Ang bilis. Hindi pa nga lubos itong porma ko pero nagpasalamat ka kaagad", natatawang sinabi niya.
"I'm thanking in advance because of your effort", isama pa yung kasiyahan na dinulot niya sa akin. Hindi ko alam kung anong uri ng kasiyahan ito pero alam kong malalim ito na ayoko ng wakasan. He confidently stood up straight.
"Baka naman pwedeng i-advance yung I love you?", parehas kaming natawa sa sinabi niya.
"Gusto mo bang advance break up?", sandali siyang natulala saka kumamot sa ulo.
"Sinong may sabing may break up tayong dalawa?", sa loob ko ay parang kinikiliti ako sa sinabi niya.
Kumpara dati ay hindi niya alam kung paano bumanat kung hindi pa siya turuan ng mga kaibigan niya ay wala siyang masasabi. Pero ngayon ibang-iba na para bang kailangan mag paturo ni Abel sa kanya kung paano makuha ang kiliti ng babae.
"Wala akong masabi sayo", yun na lamang ang nasabi ko kaya't napailing na lang siya.
Nagsimula kaming maglakad upang maglibot ngunit bumigat ang aking paghakbang ng makita ang pamilyar na sun glasses. Limited edition lang iyon at iilang tao lamang ang kayang makabili ng ganong klase.
Hinawakan ko ang braso ni Cade upang pumihit kami sa ibang direksyon. I know he can recognize me. Kahit anong pagtatago sa mask na ito at sa simpleng suot ko alam kong alam niyang ako ito. Sana ay wag siyang magsumbong kay Mama. Pero nakakapagtakang nandito siya sa mall. Akala ko ay ngayong oras palang ang arrival niya galing States.
"Akala ko ba titingin ka ng wedge?", iyon ang sinabi ko sa kanya habang nasa sinehan kami. Gusto ko sanang tumingin ng bagong wedge dahil hindi na kasya sa paa ko ang karamihan sa mga nabili ko noon. Kailangan ko din paltan iyon dahil baka mahalata sa mga pictures ko na hindi ako nabili ng bago. Akalain pang naghihirap ako. Baka maapektuhan din ang negosyo nila Mama at Papa.
Ayoko man magsinungaling pero mag aalala siya kapag nalaman niyang nakita ako ni Arrow. Hindi man nagtagpo ang mata namin pero alam kong nakilala niya ko.
"Hindi na. Nagbago na ang isip ko. Maybe we can date somewhere na tayo lang dalawa"
Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil siya. Nakapamulsa siyang nakatingin sa akin at nanunuya ang ngiting kumurba sa labi nito.
"Ang bilis mo naman gusto mo agad akong solohin", akala ko pa naman ay nawala na ang gantong ugali niya pero nakakabit pa rin pala sa kanya.
"Excuse me, Cade. Hindi iyon ang ibig kong sabihin", iritado akong nagpatiuna sa kanya.
Alam kong maabutan niya ko dahil sa bilis at laki ng hakba nito. Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa aking braso.
"Inaasar lang naman kita. Tara na nga", hindi na ko nakaimik sa kanya ng dalhin niya ko sa isang kalye na nagtitinda ng street foods.
"Manong, tig fifty pesos pong fishball at kikiam. Pakilagay po sa plastik samahan niyo na rin ng lalagyan. Hiwalay yung maanghang sa matamis lang. Samahan niyo na rin ng palamig yung large po"
Pinagmasdan ko kung paanong gawin ni Manong ang sinabi ni Cade. Nag magsawa ako sa panonood nito ay tinignan ko ang iba pang mga nagtitindang nandoon. They are all sweating pero bakas pa rin sa mukha nila ang saya.
Ang isa sa mga tinderang nandoon ay sinalubong ng kanyang anak na naka uniporme at ang asawa nitong hawak ang kulay rosas na bag ng kanyang anak.
Paano kaya kung buhay ang tunay kong mga magulang? Ganon din kaya ang buhay ko? Simple pero masaya.
Hindi naman sa hindi ako masaya kila Mama at Papa. I'm just curious being with your biological parents.
"Cade parang gusto ko non", tinuro ko ang tinda ng pamilyang pinagmamasdan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay turon iyon. Noon ay madalas akong malito sa pagkakaiba ng turon at banana cue. Nawala ang pagkalito ko dahil kay Mang Ben paborito niya kasing meryenda ay turon. Ang palatandaan ko iyon ay may wrapper at ang banana cue ay wala. Naging paboritong meryenda ko rin iyon nung baguhan palang ako sa pag aartista.
"Turon?", tanong niya. Lumapit siya sa tindera at saka bumili ng dalawa. Ang lalagyan nito ay dahon ng saging. Mas lalong masarap iyon dahil doon binalot.
Ilang minuto ay natapos na rin ang aming paghihintay. Inabot ni Cade ang bayad at sinuklian siya ni Manong pero binalik niya iyon.
"Sayo na lang po yung sukli. Tulong ko sa inyo"
Binalik muli ni Manong ang sukli kay Cade.
"Iho, hindi ako namamalimos. Nag tra-trabaho ako magkaiba yon. Kaya't kunin mo na yan", I was a little bit shocked because of what he said. Kadalasan kapag nabili ako ay hindi rin ako nagbabalik ng sukli kapag sa mga simpleng tao. Kalimitan ay tinatanggap nila ang sukli pero iba siya.
"Sige po! Pag palain na po kayo nawa ng Diyos", sabi ni Cade bago kami tuluyang umalis.
Ilang minuto kaming naghintay bago nakasakay ng jeep. Masyadong siksikan kung kaya't ang malagkit na pawis ng mga katabi ko ay dikit sa aking balat. Mas worst pa ay hindi kami magkatabi ni Cade dahil napapunta ako sa may dulo ng jeep.
Halo-halong amoy ang tumambay sa ilong ko. Amoy ng iba't-ibang pabango na humalo sa amoy ng pawis. Ang mga mata ni Cade ay nakatuon sa akin at sa lalaking katabi ko. Nanlisik ang mga mata niya dahil sa bahagyang pag preno ng jeep. Paano ba naman para bang gustong matulog ng lalaki sa balikat ko.
Ilang sandali ay bumaba ang mga pasahero sa unloading at loading zone kaya't lumawag ng bahagya. Oportunidad naman ito na hindi sinayang ni Cade kaya pilit niyang sinisiksik ang sarili sa gitna namin ng lalaki.
"Ayoko sa lahat yung di marunong dumistansya", pagpaparinig nito sa lalaki. Kaya nagbigay siya ng espasyo para makaupo ng ayos si Cade at bahagya siyang lumayo. Hindi naman umimik iyon sa kanya kaya laking pasalamat ko. Mukha naman siyang mabait ng tinitigan ko siya. Pinagmasdan ko siya sandali at mukhang may eye bugs ito.
"Saan ka nakatingin?", hinarang ni Cade ang sarili niya.
"Tinignan ko lang kung nag iinarte ba siya o hindi", at heto na naman ang titig niyang nakakatunaw.
"Sino bang mas gwapo ako o siya?", hindi ko napigilan matawa kaya't pinagtinginan ako ng kapwa ko pasahero.
"Ikaw", lumabi ako.
"Ako lang dapat ang tignan mo kasi akin ka", ang ingay ng mga tao sa paligid at maging ang ingay ng mga sasakyan ay bahagyang nawala. Dahil nabingi ako sa tibok ng puso ko.
Nagbalik ako sa wisyo dahil sa sinabi niya."Bakit nakatulala ka sa 'kin? Iniisip mo pa rin ba ko kahit kasama mo ko ngayon?"
I rolled my eyes at tumalikod sa kanya. Pilit niya akong inihaharap sa kanya pero nag matigas ako.
"Ito naman, O. Inis agad. Nagsabi lang ako ng totoo. Para kasing na gayuma ka", natatawa niyang sinabi habang kinukurot ang isang bahagi ng pisngi ko.
Nakakainis na parang ginayuma niya ako at nakuha niya kong inisin dahil sa nararamdaman ko.