Chapter 29: Haven't dated
Tanaw ko sa labas ang nag aabang na si Cade kaya binilisan ko ang kilos. Hindi ko na nagawang nagpaalam kila Manang Evy at Mang Ben dahil abala sila sa kanilang ginagawa sa likod bahay.
Pinasadahan ako ng tingin ng lalaking nakatayo sa harap ko ng tumakbo ako papalapit sa kanya.
"Liyag, paano mo nagagawang maging maganda kahit ganyan lang ang suot mo?", his says it all na totoo ang tinuran niya. I smiled sweetly and comb my hair using my fingers.
"Ikaw rin. How can you be so handsome wearing a simple fitted shirt and faded ripped jeans?", his turned red.
"Sakit ng tenga ko sa inyo", bigla na lang sumulpot si Abel out of nowhere. Pakamot-kamot siya ng ulo habang nakatingin sa aming dalawa.
Minsan ay hindi nakakatuwa ang gantong gawain niya. Para siyang kabute. Kabuteng may lason.
"Bakit ang aga mong uwi?", tanong ni Cade sa kanya.
Nag isip akong sandali para bang ito yung sinabi sa akin ni Letty bago siya mamalengke. May pakulo si Cade na magugustuhan ng Kuya niya. Iniisip ko kung anong klaseng pakulo iyon pero mukhang sarkastiko pala ang ibig sabihin ni Letty kanina.
Hindi niya sa akin sinabi ng detalyado pero base sa ayos ni Abel ay nakipagdate siya sa isang babae. Suot niya ang branded shirt na binili ko, binagayan niya rin iyon ng paborito niyang pantalon at mamahaling sapatos na bigay ng mga magulang niya sa kanya.
Lumapit akong bahagya sa kanya at matapang na amoy ng claydo dikit sa buhok nito. Ang pabangong mamahalin ay dikit din sa kanyang damit.
Isa lang ang nasa isip ko kung sinong pwede niyang i-date. Sino pa ba?
Si Mara....
Pero ang kapal ng mukha niya kung may mukha pa siyang ihaharap kay Abel after what she have done.
Bahagya siyang dumistansya sa akin at binalik ang atensyon sa kaibigan niya.
Naningkit ang itim nitong mga mata. Ang mga ngipin niya ay nagtagis at para bang mabangis na hayop. Kaya't umalon ang Adam's Apple ng kaibigan niya.
"Ang ganda ng regalo mo sa akin", mas lalong nagtagis ang mga ngipin nito ng humagalpak ang si Cade sa tawa.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Wala yon. Maliit na bagay. Uuna na kami", sandali pa lamang ang pagdampi ni Cade sa kamay ko ng pinigilan siya ng kaibigan niyang tila isang tigre.
"Parang gusto kitang bawian pero mabait ako kaya wag na. Sige, ingat", tinapik niya si Cade sa balikat bago tuluyang pumanhik sa loob ng kanilang bahay.
Pinauna niya kong pinasakay sa loob ng tricycle saka tumabi sa akin. Sandaling dumampi ang braso niya sa braso. Umisod ako ng kaunti para magkaroon ng maliit na pagitan sa aming dalawa. Hindi ko gusto ang damping iyon kahit sandali lang. Tila ba namula ang pisngi ko at daig ko pa ang taong tumakbo maghapon sa oval track.
"Uhmm...", nahihiya nitong sabi habang pinasadahan ng kamay niya ang sariling buhok.
Imbis na tumingin sa akin ng diretso ay tinuon niya ang mata sa magabok na daan. Sandali akong naubo dahil dito kaya't bumaling ang atensyon niya sa akin.
Nang nagtagpo ang mga mata namin ay kita ko ang bakas ng lungkot nito.
"Pasensya na kung wala akong kotse kagaya ng mga nanligaw sayo noon"
Hindi ko alam kung anong pagpapaliwanag ang dapat kong gawin. Hindi niya naman kailangan ng ganong bagay to make me happy. I'm happy being with him at komportable ako. Yun ang mas importante. "Wag mong isipin ang ganong bagay. Hindi ko nga iniisip yon. Wag mong i-down ang sarili mo. Always remember your suitor speech", I smiled to assure that I'm okay riding a tricycle with him.
Tumitig siyang sandali and I was flustered when he kissed my forehead. It took only five seconds but why does my heart acting a little bit weird?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Tumingin na lamang ako sa daan. Gusto ko sanang takpan ang pisngi ko dahil sa pamumula nito.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay tahimik kami buong biyahe. Wala niisa ang kumibo kundi lang kami siningil ni Manong Driver ay hindi kami magsasalita.
Hinigit niya ko papunta sa Mall at agad na pumasok kami sa Star bucks.
Pinilit kong inabot ang kamay niya.
"Cade, we don't need to date here"
Binasa niya ang labi nito kaya mas lalo itong namula. He's so hot while doing it. Licking his lower lip... It's like...
Oh my... Pero hindi iyon ang dapat kong isipin. Para bang mahalay ito.
Nasa getting-to-know each other stage palang kayo, Piper. Just chill, ok?
"Hindi ibig sabihin na salat ako sa pera ay hindi kitang kayang i-date dito", nagulat ako sa sinabi niya.
Disappointment is written all over his face. I don't mean to insult him pero bakit nag iba yata ang ibig kong sabihin para sa kanya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin", kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong sabayan siya.
I've seen Aria fighting with his ex's kaya alam ko ang gantong pangyayari. It seems like natuto ako sa kaibigan ko sa pamamagitan ng pagiging third wheel sa kanyang mga dates.
Umalon ang dibdib nito senyales na pinapakalma niya rin ang kanyang sarili. Sa palagay ko ay madami na siyang naka date na babae kaya alam niya na kung paano mag handle ng gantong sitwasyon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Liyag, gusto kitang i-date dito. Nanood ako ng mga interviews mo. Isa sa mga gusto mong gawin ay makipagdate sa mamahaling cafe"
Kusang ngumiti ang labi ko sa sinabi niya. Ang isipin na pinanood niya ko at gusto niyang makamit ko yung ideal date ko with him ay para bang nasa ulap ako.
Bakit ang tamis niya!?
"Kahit saan mo ko i-date ay ayos lang sa akin. You should spend wisely lalo na't mahirap kumita ng pera"
Tila yata mabibilukan ako sa sinabi ko.
I can hear Aria's voice.
"Coming from you, Piper? I think you should take your own advice"
Hinakawan niya ang magkabilang pisngi ko."First date natin ito. First date ko rin ito. This one should be memorable"
Sayang! This one should be recorded! Iyong mag English siya! Para bang nakakahimatay! Even his accent is damn hot! "You haven't dated anyone yet?",
Nahihiya siyang tumango. Bakit pakiramdam ko ay nanalo ako sa Best Actress Award dahil sa pag tango niya? I'm crazy!