Chapter 9: Selos
"MA'M Jinky, sandali po!" Pilit na hinaharangan ni Divine Joy ang pintuan ng opisina upang hindi makapasok ang babae sa loob.
"Kung sasabihin mo na wala siya sa loob o may ka meeting ay huwag ka nang humarang diyan kung ayaw mong ipatanggal kita sa trabaho mo ngayon din!" may kalakasan na bulyaw nito kay Joy. May nakapagsabi sa kanya na may bisita na namang babae ang nobyo kung kaya nagpunta siya roon.
"Ano ba ang ingay na iyan?" Dinig ni Divine ang baritonong boses ng amo kasabay nang pagbukas ng pintuan. Ang babaing ka meeting nito ay nasa likuran ng huli at nakataas ang kilay na nakatingin kay Jinky.
"Sino siya?" Turo ni Jinky sa babaing maganda pero mukhang kagalang-galang ang postura.
"Not now Jinky, please!" tiim bagang na bulong nito sa nobya, pure business ang pinag-uusapan nila ng kanyang bisita ngayon.
"Mukhang susugod sa gyera ang girlfriend mo, Mr. Villamor? Mauna na ako at ipaalam ko nalang sa iyo kung nakapag desisyon na ako kung ang company mo ang aking mapili." Hindi nito gusto ang tingin na pinukol sa kanya ng boya ng lalaki.
Nakagat ni Joy ang ibabang labi habang sinusundan ng tingin ang tumalikod na bagong kliyente ng amo. Nakunsensya rin siya dahil pareho sila ng nasa isip kanina ni Jinky.
"Mukhang hindi ko pa ma e-close ang contract sa bago kong kleyinte dahil sa iyo!" Galit na tinalikuran nito ang nobya at pumasok sa loob ng opisina.
"Babe, I'm sorry! Akala ko kasi ay babae mo ang nasa loob." Agad ito sumunod sa binata at pinulupot ang dalawang braso sa beywang ng huli mula sa likuran.
Napailing na lamang si Joy na tumalikod. Naawa siya sa babae na halos sambahin na ang binatang babaero.
"Joy pumasok ka rito," tawag ni Yosef nang mapansin na paalis na ito. Binaklas ang braso ng nobyang nakayakap sa kanya at inilayo ang sarili dito.
"May kailangan ka sir?" Napilitang bumalik si Joy sa loob.
"Umupo ka at may ipapagawa ako sa iyo." Utos ni Yosef sa nag-aalangan na dalaga. Paraan niya iyon upang umalis na si Jinky.
"Babe, mas mahalaga pa ba iyang papel keysa sa akin?" Nagdaramdam na tanong ni Jinky, masama ang loob dahil binabaliwala na siya ng binata.
"Huwag ngayon Jinky, mag-usap na lang tayo pag hindi na ako abala."
Umalis na lamang ito upang hindi na sila mag-away na dalawa sa harap pa ng secretary nito. Masama ang tingin na pinukol kay Joy bago tumalikod upang pagtakpan ang pagkadismayang naramdaman.
"Bakit ganoon ang trato mo sa iyong nobya, Sir?" hindi nakatiis na tanong ni Joy dito. "Dapat siya ang prioritize mo lalo na at halatang nagselos siya at hindi maganda na pinalalampas ang samaan ninyo ng loob."
"Ang sama ng tingin at pakitungo niya sa iyo pero concern ka pa rin sa kanya?" Mataman na tinitigan nito ang kaharap.
"Ano ang masama kung maging concern sa iyong kapwa? Ayon sa bible-"
"Nevermind," putol ni Yosef sa iba pa sanang sasabihin ni Joy. Aantokin na naman siya kapag naglahad ito ng nilalaman ng banal na kasulatan. Hindi sa hindi siya naniniwala sa kasulatan, sadyang wala siyang hilig magbasa niyon o makinig. Napailing na lang si Joy, makasalanan talaga ang lalaki. "Hindi ka marunong magmahal ng isang babae lang, Sir?" umaasa si Joy na hindi ganoon ang lalaki para sa kanyang kapatid.
"Anong klaseng tanong na naman iyan?" hindi nakatingin sa kaharap na tugon nito at abala sa binabasang papelis.
"Kasi Sir, ang dami mong babae. Kawawa naman ang mapangasawa mo."
Napaangat ng ulo si Yosef at matiim na tinignan si Joy. "Kapag nag-asawa ako ay titigil na ako sa pambabae at siguradohin kong hindi siya luluha sa piling ko." Puno ng sinseridad na wika nito.
Nasayahan si Joy sa sagot ng amo kung kaya napangiti siya. Pero bigla ding naisip si Jinky kung kaya agad ding napalis ang ngiting iyon na kinakunot ng noo ni Yosef.
"Si Ma'am Jinky ang pakakasalan mo Sir kasi siya lang ang girlfriend na tinatawag mo sa lahat ng naging babae mo?"
Napangiti ng simpatiko si Yosef, alam niya kung bakit matanong ito sa kanya ngayon. Dagli lang iyon nang maalala na may sakit ang kapatid nito. Naputol ang kanilang pag-uusap nang may kumatok sa pintuan. "Here you are!" Nakangiting mukha ni Mark Philip ang bumungad nang pagbuksan ito ni Joy.
"What do you want?" hindi ma-drawing ang mukha ni Yosef nang makita ang bisita.
"Ganyan ka na ba tumanggap ng bisita mo ngayon, Pinsan?" Nakangisi na tanong ni Mark dito at kusa ng umupo sa inabandunang upuan ni Joy kanina.
"Come here, Joy, You can sit on my lap," kumindat ito sa dalaga na nakatingin sa kanya.
"Stop flirting with her! Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo at nang hindi ka nakakaabala." Sita ni Yosef sa pinsan. Ewan ba niya at bigla siya nakaramdam ng iritasyon nang dumating ang kanyang pinsan. "Chilax! Hindi rin ako magtatagal, nakangisi nitong tugon sa pinsan.
Gustong suntokin ni Yosef ang nang-aasar na mukha ng pinsan ngunit nagpigil siya. Ayaw niyang madagdagan ang bad impression sa kaniya ni Joy.
"Flower for you my Joy." Tumayo ito at inabot ang isang tangkay ng bulaklak sa dalaga.
Nakasunod ang tingin ni Yosef nang abutin ng dalaga ang bigay ni Mark. Lalong nalukot ang mukha niya nang makitang bahagyang namula ang pisngi ng dalaga. Samantalang nang bigyan niya ito kanina mg bulaklak ay mukhang napilitan lang kunin.
"Mas maganda naman at marami iyong binigay ko kanina sa kanya." Pabulong na naisatinig ang laman ng isip.
"May sinasabi ka, Pinsan?" Nakangisi na tanong ni Mark dito.
"Sabi ko kung iyan lang ang pinunta mo dito ay makaalis ka na dahil naantala mo na ang trabaho niya." Masungit na sagot niya kay Mark.
"Hindi ka na nagbago," umiiling na palatak ni Mark. "Napadaan lang ako para ipaalam kay Joy na susunduin ko siya mamaya ng tanghalian." Sa dalaga ito nakatingin na halatang hindi alam kung ano ang isasagot.
"Hintayin mo ako, okay?" masuyong bilin ni Mark sa dalaga at hinaplos ang pisngi nito bago tumalikod.
Awang ang labi na sinundan ng tingin ito ni Joy, hindi manlang siya tinanong kung payag ba siya na sumama dito.
"Mag-ingat ka doon dahil may pagkamanyak iyon."
Bumalik ang tingin niya sa antipatiko niyang amo. "Nasa lahi niyo ba talaga ang ganyan?"
"Na mabilis sa babae?" balik tanong ng binata dito.
"Na manyak," maiksing sagot ni Joy.
"Wala iyan sa lahi namin ha!" Matigas na tanggi ni Yosef.
"Kakasabi mo lang, Sir na manyak ang pinsan mo." Nakalabi na tugon ng dalaga.
Napakamot ng batok ang binata nang maalala na sinabi nga niya iyon. "Magtrabaho ka na nga lang." Iwas nito sa iba pang itatanong ng dalaga.
Naging abala si Joy sa ginagawa sa harap ng table ng binata. Noong una ay nailang siya sa presensya nito na alam niyang panay ang sulyap sa kanya. Hindi niya alam kung ano nakain nito at hindi na alergy sa kanyang hitsura at ayaw na rin siyang paalisin sa loob ng opisina.
Oras ng tanghalian ay sinundo nga siya ni Mark at wala siyang nagawa kundi ang sumama. Nauna na rin namang lumabas si Yosef para mananghalian.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay naroon lamang si Yosef sa loob ng kotse nito at sinundan ang dalawa kung saan pupunta.
"Kailan pa ako naging stalker?" parang gusto niyang batukan ang sarili nang mga oras na iyon. Kitang kita niya na masaya ang dalaga na nakipag-usap sa kanyang pinsan. Kahit hindi na siya bumaba ng sasakyan ay nakikita niya ang dalawa mula sa loob ng kinakainan ng mga ito dahil pumuwesto ang mga ito sa isang tabi na tanaw ang labas.
"Bakit nga ba sinusundan mo sila?" tanong ng kanyang isip sa sarili.
"Gusto ko lamang na masigurado na sa ganitong lugar nga siya dalhin ni Mark. Mahirap na, binilin siya sa akin ni Marie. Kunsensya ko pa kung mapahamak siya." Pangatwiran nito sa sarili.
"Iyan lang ba talaga ang dahilan?" tanong muli ng arogante niyang isip.
"Aist! Ano ba itong nangyayari sa akin, kinakausap ko na ang aking sarili at nakikipag debati!" naiiling na wika nito. Inis sa sarili na nilisan ang lugar at bumalik sa opisina.
Nag-order na lamang siya ng kanyang pagkain. Ngunit nang nasa harap na niya ang pagkain ay nawalan naman siya ng gana. Naabutan pa siya ni Joy na nakasimangot at nakatingin sa harap ng pagkain.
"Sir, akala ko lumabas ka rin para kumain?"
"Umupo ka at late ka na!"
Nagulat si Joy sa biglang pagbago ng ugali na naman ng binata. Bakas sa boses nito na sira ang araw at sa kaniya binubunton.
"Tutunganga ka na lang ba diyan?" may kalakasan na sita nito sa dalaga.
Agad namang umupo si Joy at tahimik na nagbuklat ng folder sa takot ba bugahan siya nito ng apoy.
"Eat!"
Nandilat ang mga mata na napatingin si Joy sa lalaki at hindi gumalaw.
"Tsk! Sabi ko kumain ka hindi iyang panlalaki ng iyong mga mata."
"Eh Sir, tapos na po akong kumain." Tanggi ng dalaga.
"So siya pinagbigyan mo at ako ay hindi?" salubong ang mga kilay nito na nakatingin sa dalaga.
Umawang ang labi ni Joy at hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng binata. Nang bitiwan nito ang hawak na kutsara at mabilis niyang dinampot ang extra spoon. Para hindi na magalit ang binata ay kumain na rin siya. Ang totoo ay hindi siya nabusog sa pagkain kanina dahil nahihiya siya at pinagtitinginan sila ng mga tao. At itong pagkain na nakahain ngayon sa harapan ay ang paborito niyang seafood.
"Hindi ka ba pinakain ng maayos ng ka date mo?" Natatawa na tanong ni Yosef dito. Hindi manlang siya tinanong kung nakakain na ba siya. Alam niya na paborito din nito ang ganoong pagkain. Masaya siya na mas magana itong kumain sa kanyang harapan kaysa sa date nito kanina. Para na rin siyang nabusog habang pinapanuod ito sa maganang pagkain.
"Nahihiya kasi ako kumain doon kanina," wika nito habang nanguya.
"Try this," binalatan ni Yosef ang isang hipon at inabot sa dalaga. Isubo niya sana dito ngunit umiling ito. Sumubo na rin siya at sinalohan ang dalaga sa pagkain na naka kamay lamang.
Napatanga si Joy, siya naman ngayon ang nanuod sa bawat subo ng binata. Biglang nakaramdam ng hiya na halos maubos na niya ang pagkain at nakalimutan na itanong kung kumain na ba ito.
"Ngayon ka pa ba mahiya eh paubos na ang pagkain?" Nakangisi na tanong ni Yosef dito nang mapuna ang pagkailang ng dalaga sa pagkain.
Inagaw ng dalaga ang hawak niyang crab na lalo lamang niya ikinatawa at kinain nito. Ang cute lang nito tignan at walang arte sa pagkain.