Chapter 57: Undress yourself
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya.
"What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"
Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya.
"I hate myself now!"
Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata. "You know why?"
Umiling lang siya bilang sagot sa tanong nito. Natatakot siyang magsalita at baka magalit na naman ito.
"I hate liars!"
Sunod-sunod na nalunok niya ang sariling laway at napalitan ng takot ang excitement na nadarama. Lalo na nang bumalasik na naman ang aura ng mukha nito.
"I'm fooling myself and trying to deny the feelings I have for you." Pabulong na wika ni Khalid at umiwas ng tingin sa kausap. Dala marahil ng alak, hindi na mapigilan ang sariling isambulat ang tunay na nararamdaman at gumugulo sa isipan nito.
"Why do I have to suffer this feeling to a gay? Bumalik ang tingin niya sa bakla at nasa mukha niya ang pagkamuhi, hindi para sa kaharap kundi para sa sarili lalo na at nakikita niyang nasasaktan ito sa kanyang pinagsasabi.
Naiiyak na nakipagtitigan ni Gerlie sa binata. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito dahil sa kanya. Unti-unti na niyang naiintindihan kung bakit ito nagkakaganito. Gusto niyang sabihin ang tunay niyang kasarian pero natatakot siyang magalit ito lalo sa kanya. Tumanim sa kanyang isipan ang salitan 'LIAR'. Nanlumo siya sa isiping dudoble ang galit nito sa kanya kapag nalaman na nagsinungaling siya sa kanyang kasarian.
"I hate using someone just to hide my true feelings. I try my best to erase your beautiful face on my mind, but I can't."
Tuluyan nang pumatak ang luhang kanina pang pinipigilan ng dalaga. Nanatiling tikom ang bibig at tahimik na tumatangis ang nasasaktang damdamin dahil sa rebilisasyon ng binata. Nasasaktan siya dahil naghihirap ang kalooban nito dahil sa kanya. Nasasaktan ito dahil hindi matanggap sa sarili nito na nagkagusto ito sa isang bakla.
"Even in sex, I saw your face in her, your voice and suddenly I'm losing appetite even though she's already naked in front of me. I've changed because of you! Naggagalawan ang panga habang nagsasalita at hindi napansin na napahigpit lalo ang pagkahawak niya sa kamay ng kausap.
Napahagulhol ng iyak si Gerlie dahil hindi lang ang puso niya ang nasasaktan ngayon. Maging ang kamay ay sumasakit na rin dahil halos pigain na iyon ng binata na hindi nito namalayan.
"F*ck you for making me crazy and madly in love with you!"
Napasinghap ang dalaga sa lakas ng boses ng binata, kahit galit ang tono nito at minura pa siya ay kinilig pa rin siya. "Oh shit, mahal niya ako?" Hiyaw ng kanyang isipan kasabay ng pag-igik dahil sa sa naramdamang sakit.
"Gosh, ang flat kong dibdib!" Muli niyang hiyaw sa isipan lamang. Nabundol iyon sa sofang nakaharang sa kanila ng binata nang marahas siyang inilapit sa sariling katawan nito. Hindi na niya maibuka ang bibig dahil may nakaharang na roon. Humiyaw na naman ang iskandadula niyang isipan nang ma realize na sakop ng bibig ng binata ang kanyang virgin lips kung kaya hindi siya makapagsalita.
Parang uhaw na sinibasib ni Khalid ng halik ang labi ng kahalikan. Matagal na niyang nais gawin iyon dingin nga lang at pinipigilan niya ang kanyang sarili. Kakat'wa mang pakinggan pero hindi niya napigilan ang sariling mapaungol nang malasahan ang matamis na labi nito. Sa dami na niyang nahalikan, ngayon lang siya nasarapan at mabilis na uminit ang pkairamdam gayong halik pa lang ang nagawa niya. Halatang walang karanasan ang kahalikan na siyang lalong nagpa agresibo sa kanyang pagnanasa sa huli. Sinamantala niya ang pag-awang ng bibig nito, walang pag-alinlangan na pinasok ng kanyang munting dila sa loob niyon. Para siyang nalasing lalo sa pagnanasang bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Hindi siya nakuntinto sa halik lamang, ang kamay ay kumikilos na rin. Mula sa pagkabig sa batok nito, ibinaba ang kamay sa beywang ni George at itinaas ang katawan nito upang mailipat sa kanyang pwesto nang walang kahirap- hirap.
Parang estatwa na sunod-sunoran ang dalaga sa ginagawa sa kanya ng binata. Hindi niya alam kung paano nawala ang nakaharang na sofa sa pagitan nila. Ang alam niya lang ay ang tila nasa alapaap siya ngayon dahil sa tamis ng halik ng binata.
Noong una ay marahas, ngayon ay naging banayad na at may pag-iingat habang ginagalugad ang loob ng kanyang bibig. Hindi mapigilan ang ungol na umalpas sa kanyang labi nang sinimsim nito ang kanyang dila bago pinakawalan iyon. Pareho pa silang hinihingal nang tuluyang pakawan nito ang labi niya. Pakiramdam ng dalaga ay nangapal iyon pati mukha niya dahil biglang nakaramdam ng hiya nang magsalubong ang mga mata nila ng binata.
"I want more!" Nahihibnag na bulong ng binata sa kanyang taenga. Napaigtad siya nang maramdaman ang kamay nito na humahaplos sa kanyang maumbok na pang-upo.
"Shhh, please!" He almost begging to feel him. Nais siyang pigilan sa pagdama sa katawan nito. Pero nilamon na siya ng makamundong pagnanasa. Gusto niyang tuklasin kung ano ang mayroon dito na gumagambala sa kanyang puso't damdamin. Inipit niya ang dalawang kamay nito sa pagitan nila upang hindi na magawang sansalahin ang malikot niyang kamay.
"Sir, wait!" Kinakabahan at pilit kumakawala upang pigilan ito sa nais gawin sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay lumaki na nag kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon. Naghalo ang pananabik at takot na maari niyong matuklasan ang matagal na niyang tinatago.
Nakangisi na tinignan ng binata ang suot na bikini ng huli nang makapa niya ang strap niyon. "How do you wear this?"
Ang namumutla na pisngi ay napalitan ng pamumula dahil sa hiyang naramadam muli. "Its none of your business!" Nakasimangot na aniya upang itago ang hiyang nararamdaman.
"It's my business from now on!" Puno ng kapilyohan na anito at itinuloy ang naudlot na gagawin kanina.
"Ay teka!" Hiyaw ng dalaga ng tangkang hubarin iyon ng binata.
"Why?" Lumabas ang gitla sa noo na tanong ng binata.
"You can't touch me there because I have a monthly period!"
Dumoble ang gatla sa noo ng binata pagkarinig sa sinabi ng huli maging ang boses nito ay nag-iba.
Napatutop sa sariling bibig ang dalaga nang mahinuha kung ano ang kanyang sinabi. Takot ang bumalatay sa kanyang mukha nang binitawan siya ng binata at madilim ang anyo ng mukha. Nasa mga mata nito ang nagbabadyang panganib. "Undress yourself!" Matigas nitong mando sa kanya. Umiling siya at humakbang paurong upang lumayo dito.
"You make me stupid all this time?" Galit na tanong nito na humakbang din paabante.
"I'm sorry, please I didn't mean it!" Pakiusap niya sa kanyang tunay na tinig habang humahakbang ng paurong. Tumawa ng pagak ang binata. "They all know about this?" tukoy niya sa kanyang mga kaibigan.
"No, please don't be mad at them." Nagsusumamo na ani ng dalaga na lalo lamang ikinagalit ng binata.
"You like them?" Galit pa rin ang tono na tanong nito sa dalaga.
"Yes I mean no!" Nagugulohang sagot niya. Natataranta siya sa kung anong tamang isasagot dito dahil halos bubuga na ito ng apoy.
"They know what I am capable of doing when I'm mad, especially to a liar." May kasamang pananakot na anito.
"I will do everything, I'll be your slave just don't—"
"Enough!" Tumalikod ang binata, sapat na ang narinig na gagawin nito ang lahat ng gusto niya. "Be my slave, then." Nasa mukha niya ang kapilyohan na pilit itinatago sa dalaga.
Mas nangingibabaw ang sayang nadarama ngayon sa kaalaman na tunay na babae ito. Gagamitin niya ang pagkakataon na ito upang mailayo ito sa kaibigan na alam niyang tulad din niya na magkakagusto sa dalaga.
Mariing nakagat ni Gerlie ang ibabang labi nang wala na sa harapan ang binata. Mukha siyang hindi mapaanak na pusa at hindi mapakali sa kinatayuan. Nakita niya si Khalid na lumabas nv bahay kaya lalo siyang kinabahan na baka kung ano ang gagawin nito sa mga kaibigan nito.
Hindi na nagulat si Troy nang muli siyang sinugod ni Khalid at kinuwelyohan. Kinausap niya ito ng mahinahon upang hindi ito gumawa ng isang babay na pagsisihan nito sa bandang huli.
Napag-alaman ni Khalid na tanging si Troy at Mark ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ng kaniyang tutor. Wala siyang problema kay Troy na kanina lang din umano nakumpirma ang pagkatao ni George. Kay Xander niya dapat bakuran ang dalaga. Napangisi si Khalid nang malaman ang tunay na pangalan ng inaakala niyang bakla. Agad din siyang bumalik sa kaniyang pad. Tulad ng pagiging masunurin, naroon pa rin ang dalaga kung saan niya iniwan ito kanina. "Don't change yourself, specially in front of my friends." Humarap siya sa dalaga, pinakatitigan ang mukha nito pababa sa dibdib at doon nagtagal. Napangiti siya nang biglang tinakpan niyon iyon gamit ang kamay nito. "There's nothing to hide, it was just a small piece, based on what I see." Nakangisi niyang turan habang hindi hinihiwalay ang tingin dito.
"Bastos! May umbok din ito kapag walang ipit!" Nakasimangot na aniya sa binata. Hindi na nag-abala pang magsalita ng english upang maintindihan nito.
"What?" Tumatawa na tanong ng binata. Naintindihan naman niya ito pero gusto lamang niyang asarin ang huli.
Lumiyad ang dalaga, "I have this!" Tinuro pa ang flat niyang dibdib. Ang takot na nadarama kanina ay napalitan ng inis dahil naging manyak na ang binata. "May I see?" Sumasayaw ang kapilyohan sa mga mata na lumapit sa dalaga.
"Hoy, you bad!" Parang bata na saway niya sa lalaki habang tinatabig ang kamay nito na inaabot ang kanyang damit upang hubarin iyon.
Lalo lamang natawa ang binata sa inasta ng dalaga. Pagigil na hinaklit sa beywang ito at muling hinalikan sa labi. Sa pagkakataong ito, wala nang pag-aalinlangan sa kanyang damdamin. Puno ng pagmamahal ang halik na iginawad niya sa dalaga. Gagawin niya ang lahat maging kanya lang ito. Kung noon ay takot siyang mapikot, ngayon ay siya na ang mamimikot.
"So cute!" Paanas niyang bulong nang sa wakas ay mahawakan ang munting rosas sa ituktok ng dibdib ng dalaga.
Nawala ang init na nararamdaman ni Gerlie at napalitan ng hiya at inis sa manyak niyang amo. Kundangan ba naman na hawakan ang kanyang maliit na bundok. Sa lapad ng kamay nito ay parang puto na lang ang laki niyon. Hindi niya namalayan na naipasok na nito ang kamay sa loob ng kanyang blusa dahil ang isip ay nasa tamis ng halik nito.