Chapter 25 Zeindy is awake
"Zin POV"
"How was she?" napatingin ako kay Ysa na kapapasok lang.
"Still sleeping" sagot ko at bumalik tanaw kay Zeindy, umupo siya sa tabi ko.
"How about you?" Tumingin ako sakanya.
"Love I'm also fine"
"No your not" nangunot ang noo ko.
"How did you say that?" Tinarayan niya ako.
"Look at you, ang itim na ng eye bags mo, ang putla mo na, I know nag aalala ka kay Zeindy but you need to rest, you know mag-aalala siya kapag nakita kang ganyan" ngumiti ako sakanya. "Yes my love" ngumiti din siya "can I rest in your lap?" bigla siyang natigilan.
"H-hah? T-teka bakit sa l-lap ko pa, pwede namang sa couch" sabi niya, napatawa nalang ako tsaka humiga, hindi naman na siya makakalaban pa "Zin tumayo ka nga baka may makakita sa'tin" "Wag mong ikahiya ang gwapo mong boyfriend" sabi ko, hindi ko na siya narinig pang sumagot.
*ekkkkk
napadilat ako ng marinig ang pagbukas ng pintuan, naupo ako.
"Kal balita?" Tanong ko.
"Si Cai ang may dala, papunta na siya dito" lumapit siya kay Zeindy "wala naman siyang malalang sakit pero bakit ang tagal niya magising" napa iwas ako ng tingin.
"Mas maigi na yan, kesa naman na gising siya pero wala siyang gagawin kundi umiyak" napatingin ako kay Ysa.
"Oo nga naman haha, hayst Zeindy sige na gising kana hanapin na na'tin yung nanloko sayo" Kal, nakakalungkot na makita silang ganito, tama si Ysa oras na magising si Zeindy walang gagawin ang isang yan kundi mag mukmok at umiyak, mahirap man siyang makita sa ganyang lagay at least hindi ko siya nakikitang umiiyak at nahihirapan.
*ekkkkkkk
Napatingin na naman ako sa may pintuan.
"Cai ikaw pala yan, ano nga yung sasabihin mo?"
"Later, how is she?" Lumapit siya kay Zeindy.
"Still sleeping" sagot ni Kal na may mapaklang ngiti.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Cai.
"Yes kumain na, ikaw ba?"
"I'm done"
"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko.
"It's about Benedict" sabi niya.
"What about him? Nakita mo na ba kung nasaan ang hinayupak?" Halata sa tono ni Kalisto ang galit at hinanakit.
"First calm down okay, mali tayo ng akala" nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Caius na yun.
"What do you mean by that?" Tanong ko, lumingon sila sakin.
"You know Callius?" Umiling ako, who the h*ll is that.
"I know him, kasama siya ni Wade sa HQ" sabi ni Kal.
"That's right, Cassius and Callius are sibling. Cassius Benedict Cruz and Callius Benedict Cruz, they are both look the same, name, features and even gestures, nagkakaiba lang sa pag uugali, Callius is a spoiled brat and a bad one, Cassius is a good boy, kilala ang pamilya nila, ang pangalan ng kompanya nila ay Cruzaius, hindi sila gaanong kilala sa Pilipinas but nag research ako, ang main company nila ay nakadistino sa Italy at Spain" then anong kinalaman ng isang yun? "Callius kidnapped Cassius" wtf?
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"What?" Sabay naming sabi ni Kal.
"Yes he is, kinidnap niya si Cassius para ipakasal sa babaeng dapat ay ikakasal sakanya, I don't know the whole story but ang sabi ng nakausap ko, umalis si Cassius sakanila dahil ayaw niya sa arrange marriage, tumira siya sa isang maliit na paupahan, nag aaral sa umaga, nagtratrabaho sa gabi" so all this time we got all wrong, hindi ako nagsasalita at hinahayaan lang siya "may ampon ang magulang nila na isang babae, ang babaeng yun ay may gusto kay Cassius at si Callius naman ay may gusto sa babae, nong lumayas si Cassius sumunod 'to, but then na aksidente at namatay, gumaganti si Callius kay Cassius ngayon dahil si Cassius ang sinisisi ni Callius sa pagkawala ng kapatid nila, kaya hanggat maaga gumawa na tayo ng hakbang, kumilos na tayo kung hindi dalawang puso ang masasawi" tumayo na'ko.
"Saan na'tin mahahanap si Cassius?" Tanong ko, tumingin sakin si Cai.
"Minanmanan ko si Callius at nalaman na next week na ang kasal"
"Nasaan siya Caius?" Ngumisi siya sa'kin.
"Kumalma ka muna Zin"
"Sabihin mo na kasi, akala ko ba nagmamadali tayo"
"Okay okay sasabihin ko na, nasa Spain siya, hindi ko pa alam kung saan siya exactly, kaya ayaw ko pang sabihin dahil gusto ko munang makumperma" mahaba niyang litana.
"Cai kaibigan mo kami, hindi mo kailangang sarilihin" napayuko siya ng sabihin yun ni Kalisto.
"Nandito kami para damayan ka at tulungan, hindi mo hawak ang buhay ng lahat Cai, tao ka din, napapagod at nahihirapan" sabi ko at lumapit sakanya, hinawakan ko siya sa balikat at nginitian. "Kung ganon sama sama na'tin siyang hanapin" sabi ni Cai, tumango ako.
"Then kailan tayo lalakad?" Humarap ako kay Zeindy.
"Paggising niya, gusto kung isama na'tin siya" sabi ko, lumapit ako kay Zeindy at inayos ang buhok niya.
"Then pauunahin ko na muna yung ibang tao ko para maghanap, lalabas muna ako para sabihan sila" tumingin ako kay Cai.
"Go" sabi ko. Sinundan ko siya ng tingin, ng sumara na ang pintuan nabalik ang tingin ko kay Zeindy.
"Kumain kana ba Zin?" Tanong ni Kal, umiling nalang ako "eh ikaw Ysa" nangunot ang noo ko, oo nga pala kasama ko siya mula pa kanina, nawala siya sa isip ko sh*t.
"Nah ayos lang ako, sasabay nalang ako kay Zin pagkakain na siya" dinig kung sabi niya, tumingin ako sakanya tsaka ngumiti.
"Ikaw ba Kal?" Tanong ko.
"Yeah, kumain na muna kayo ako na munang bahala sakanya" tumango nalang ako at nilapitan si Ysa.
"Let's go" tumango siya at hinatak na ako palabas.
"I know nag aalala ka sakanya" napatigil ako "I'm so blessed na ikaw yung lalaking minahal ko, you care to your friends and treasure them like you are siblings" akala ko galit siya. "Akala ko"
"Akala mo ano?" Nagtataka niyang tanong.
"Akala ko galit ka kasi hindi kita napansin kanina"
"Hahaha bakit naman ako magagalit, mas humanga pa nga ako sainyo eh, alam mo yung ibang magkakaibigan na nagkakaganyan nag iiwanan pero kayo" tumigil siya saglit "nagtutulungan at nagkakaisa" Ysa, hindi ko napigilang yakapin siya. "Zin naman"
"Shhh 5 minutes" sabi ko at wala akong narinig na ingay mula sakanya, I love this girl more than my life.
"Kalisto POV"
"Hay Salamat at wala ng love birds dito, ang sakit nila sa mata di'ba Zein hahahaha" kinakausap ko siya kahit para na akong tanga dito, I don't care. Naupo ako sa tabi ng kama niya at pinagmasdan siya.
"Kailan ka ba gigising?" Tinignan ko ang mukha niya pababa sa mga aparatong nasa katawan niya, huminga ako ng malalim, ilang araw ka palang pero pumayat kana agad ng husto.
"Gising kana, susunduin na na'tin si Cassius mo" napadaan ang tingin ko sa kamay niya, bigla yung gumalaw kaya napatayo ako at pinagmasdan yun, unti unti na yung gumagalaw, nakita ko din na gumalaw ang mga paa niya. "Zein?" Tinignan ko siya, nakita kung gumagalaw na ang talukap ng mga mata niya, tumakbo agad ako palabas.
"Nurse nagigising na siya" sigaw ko, malapit lang naman ang nurse station sa room namin, pagkasabi ko no'n bumalik ako sa kanya, pumasok ang dalawang nurse at isang doktor, tinignan ang mata niya at kung ano ano pa. Tinignan ko ulit si Zeindy at natuwa ako na makitang nakadilat na siya.
"C-c-cas"