Chapter 24 The Puzzle in Mystery
"Caius POV"
Patuloy pa din ako sa paghahanap sa lalaking yun, nagpatulong na din ako sa mga kasama ko.
"Boss Ius ano ba kasing pangalan ng pinahahanap niyo, lahat sila alam na samantalang ako na sidekick mo walang kamuang muang"
"He is Cassius Benedict Cruz" sabi ko, nanlaki naman ang mga mata niya.
"Kapatid ba niya si Callius?" Nangunot ang noo ko.
"What do you mean by that?"
"Halos magkalapit ang pangalan nila" naningkit ang mga mata ko.
"Anong pangalan?"
"Callius Benedict Cruz" Cassius, Callius, halos magkatulad nga at isa pa yung second name at surname nila ay parehas, mukhang makakakuha pa ako ng maraming information nito. "Sino naman Yang Callius na yan?"
"Isa siya sa nakalaban ng gang na'tin nong nakaraang taon" napa isip ako.
"Sino dun?"
"Yung halos umubos na sa grupo na'tin" sagot niya.
"Siya pala yun"
"Yes boss"
"Yung mayabang pero walang binatbat" tinignan ko sila "anong nakakatawa?"
"Ikaw boss hahahhaha masyado kang asar talo" tsk.
"Ano pang alam mo tungkol sakanya?" Pag iiba ko ng usapan.
"Ang sabi sabi dapat ay ikakasal siya pero ayaw niya at ito pa boss, ipinilit niya sa magulang niya na si Cassius nalang ang ikasal dun sa babae syempre hindi pumayag yung isa, pinilit nila pero ayaw kaya ang ginawa ni Cassius ay lumayas sakanila para malaya na siya at ito pa"
"Hindi halatang chismoso ka" sabi ko.
"Makinig ka muna boss" sabi niya, tss, tumango ako senyalis na magpatuloy siya "may ampon silang kapatid"
"Tapos anong connection no'n?"
"May gusto yung ampon kay Cassius tapos si Callius may gusto sa ampon, si Cassius naman ang gusto lang ay makapagtapos at makaraos"
"Ano pa?"
"Balita ko, paglayas ni Cassius sa bahay nila, nagtrabaho 'to at binuhay ang sarili, nag aaral para makapagtapos at makuha ang pangarap" marami na akong nalalaman. "Then?"
"Nitong mga nakaraan pansin ko na bihira pumunta si Callius sa ground para sa meeting" pansin ko nga din "at ng mga araw na yan nawawala si Cassius, ayun yan sa sinabi mo" nangunot ang noo ko at humawak sa baba, tama siya bakit ngayon ko lang napagtanto.
"May hidwaan ba si Callius at Cassius?" Tanong ko.
"Ang sabi sabi ay si Cassius daw ang dahilan kung bakit namatay yung ampon nilang kapatid"
"Paanong si Cassius?"
"Nong panahong naglayas si Cassius sinundan siya nong babae, tapos nakita nalang nila yung sasakyan na ginamit sa may bangin at nagliliyab na" sabi niya, si Cassius talaga ang pinaghihinalaan niya, may tinatago ka pa Callius, pero nasaan si Cassius?
"Sa tingin mo hawak niya si Cassius?"
"Posible boss"
"Sabihan niyo ko pagnakita niyo si Callius" tumingin siya sakin.
"Anong balak mo boss?"
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Ako mismo magmamanman sakanya" kita ko ang gulat sa mukha niya
"Pero boss nandito naman kami"
"Mabilis kayong mabasa, mapupurnada ang plano ko"
"Sigurado ka boss?"
"Kailan pa'ko hindi naging sigurado sa mga plano ko Walter?" napakamut siya sa batok niya, tss.
"Sabi ko nga boss" tsk wala na akong matinong nakaka usap.
"Balitaan niyo ko pagnakita niyo siya, babalik muna ako sa hospital" sabi ko.
"Yes boss" tumayo na'ko sa selya ko at lumakad palabas, hindi ko inaasahan na ganon pala ang buhay ni Benedict, kung sa bagay kung ganon mangyari sa'kin ganon din ang gagawin ko, pero bakit hindi niya sinabi sa'min? Wala ba siyang tiwala sa'min tsk, sumasakit ang ulo ko.
"Boss" napalingon ako kay Walter.
"May problema ba?"
"Sabi ni Cade pumasok si Callius sa gate 3" ito na ang pinaka hihintay ko, ngumisi ako at inayos ang earpiece ko na naka connect sa cellphone ko.
"Manduhan niyo 'ko, sabihin niyo sa'kin kung nasaan na siya, mauuna na'ko sa headquarters niya" sabi ko.
"Yes boss" bumalik na agad siya sa loob, tumakbo na'ko papunta sa HQ niya.
"Dumaan na sila sa Pandora HQ" malayo layo pa, kailangan kung mauna sakanya, tsk asar ang bagal pag tumakbo, napatingin ako sa taas, bakit di ko agad naisip yun, may nakita akong mataas na poste, kinuha ko ang sinturun ko at umakyat gamit yun, ang paa ko ang taga tulak ang tinturun naman ang ipinang aakap ko sa poste, ng maka akyat ako agad agad akong nagtawid tawid sa mga bubong, mas madali dito at wala masyadong makakakita sa'kin dahil sa mataas ang mga HQ dito, kaya pati daan hindi ko makikita.
"Boss dumaan na siya sa HQ na'tin" tsk, mas lalo ko pang binilisan, kunti nalang malapit na'ko, halos tanaw ko na ang HQ niya, kulay pa'lang alam mo na, ang kulay ng HQ niya ay itim at pula, ang bubong nito ay kulay itim ang kulay ng pader niya ay pula, ang HQ ko ay kulay itim at puti, ano kayang trip ng isang 'to at nagpakulay ng pula.
"Boss dumaan na siya sa Miracle HQ" konte nalang, geez, isang lundag nalang.
"Boss malapit na siya sa HQ niya, paliko na siya" 1.. 2.. 3.., hop. Arghh sumabit pa p*ta naman, baka makita, nakabitin ako ngayon at ang pinagkakapitan ko ay ang bubong ng HQ nila. Wag kang titingin sa baba "ah p*ta" pinilit kung iahon ang sarili ko, konte nalang.
"Boss"
"Shut up" natahimik naman sa kabilang linya, tss buti naman, inaahon ko pa din ang sarili ko, nakakarinig na ako ng sasakyang papalapit, inangat ko na ang isang siko ko pagkatapos yung isang binti ko naman tsaka ko inahon ang kalahati at gumulong, nahiga ako sa bubong at naghahabol ng hininga.
"Hahu"
"Boss ayos kana?" dinig ko sa kabilang linya.
"Kasalanan mo 'to Walter, napaka ingay mo kaya ako pumalya" sabi ko habang nakangisi, alam ko na kung anong reaction niya hahahaha.
"L-luh boss"
"Anyway nasaan na sila?" Tanong ko, nakarinig ako ng pagtipa sa kabilang linya.
"papasok na sila boss sa HQ nila"
"Good, buksan mo na yung mga recorder na nasa loob" sabi ko.
"Yes boss" sila Delta ang naglagay niyan kanina, isa siya sa grupo nila, pero ang hindi ko alam kung bakit siya nakikipagtulungan sa'min, wala naman akong masamang kutob ukol dun kaya pumayag na'ko "okay na boss" maya maya lang may narinig na ako sa kabilang air peace.
"Kailan nga pala ang kasal nila boss?" Isang boses babae yun.
"Next week" sagot ni Callius. Sino naman kaya yung ikakasal na yun.
"Paano yung girlfriend no'n, ano ba pangalan no'n?" Tanong ng isa pa.
"Zeindy" nagpantig ang tainga ko, so ikakasal na si Cassius? "Lumalaban ang kapatid ko kaya dapat niyo siyang bantayan, wag niyo hahayaang makawala" so kinidnap nila si Cassius, halang ka talaga Callius, hindi ako papayag na ikaw ang hahadlang sa kaligayahan ng prinsesa namin.
"Saan gaganapin ang kasal boss" si delta yun.
"Nasa Spain siya ngayon kaya baka dun nalang sa may mismong mansyon namin para hindi na din kami mahirap at baka tumakas pa, pwede din sa simbahang malapit samin" sagot niya. "Invited kami boss ah"
"Sure" okay na nakuha ko na yung information na kailangan ko, umalis na ako dun at bumalik sa HQ, ililigtas ka namin Cas.