Chapter 17 Outing
Months pass by, ang bilis ng panahon noh? Hahahaha but we are now ok, medyo weird nga lang si Kal lately, tulala minsan, minsan naman ngumingiti, nababaliw na ata.
"Mahal" napatingin ako sa tumawag sakin "tara na" ang sarap naman pakingan ng mahal na yun, sinagot ko siya last last week, it's fine naman sakanila at sa parents ko, ang importante daw ay masaya ako, tsaka duhhh kahit sinagot ko na siya hinding hindi ko hahayaan ang studies ko. Iba ang love sa studies.
"Tara na, ang bagal niyo ano? Magsusulo kayo" sira talaga siya. "Duhhh nag uusap lang kami"
"Tara na" lumapit na kami sa van ni Zin, papunta kami ng Quezon ngayon para mag bakasyon, weekend naman kasi kaya relax relax muna at isa pa walang homework na binigay samin kaya happy happy muna kami. "Pano pwesto natin?"
"Ako ang driver" sabi ni Zin, napangisi ako.
"Ganito nalang" sabi ko at nagtinginan sila sakin "sa tabi ni Zin si Ysa tapos kami ni Cas sa gitna kayong dalawa na sa dulo" sabi ko, kami lang namang anim eh, tapos single pa yung dalawa, oppss my bad, si Zin kasi nanliligaw na kay Ysa at kami naman na ni Cas.
"Oh Edi kayo na may mga kasama sa buhay" sabi ni Cai.
"Walang forever uy" sabi ni Kal.
"Bitter ka lang" sabay naming sabi ni Ysa kaya nagkatinginan kami at sabay na tumawa.
"Hahahahahaha" pati sila Zin nakitawa na din.
"Edi sanaol may jowa" sabi ni Cai sabay pasok sa van, tumingin kami kay Kal.
"What?" Tinawanan namin siya "Edi kayo na, daan na, kehahaba ng mga buhok niyo tapos di niyo pa masuklay" umaarte siyang may sinisipa sa lapag, nasisiraan na siya.
"Tara na, mas maganda kong maaga tayong makakarating dun" sabi ni Zin, sumakay na sila ni Ysa kaya sumakay na rin kami ni Cas. Medyo madilim dilim pa, tinignan ko ang orasan ko, 1 palang pala ng umaga. Sinimulan ng paandarin ni Zin ang sasakyan.
"Matulog na muna kayo maaga pa naman" sabi ni Zin.
"Ikaw din pre" dinig kong sabi ni Cai.
"G*go hahahaha sige matutulog ako tapos hayaang kong magdrive yung van ng siya lang" sabi niya, pfft sira siya.
"Luh? Di ba mamatay tayo dun" kulang ata sa tulog ang isang 'to.
"Exactly" sabi ni Zin "gung gong ka matulog kana, kulang ka lang sa tulog o baka naman sa aruga" sabi niya.
"Hahahahaha" nagtawanan kami sa mga kalukuhan nila. maya maya lang nakaramdam nako ng antok, ayaw ko sanang makatulog para may kasama sila, tulog na yung dalawa sa likod si Ysa naman kausap si Zin, si Cas naman nakapikit na, sumandal nako sa sandalan at pumikit, hindi ko na kaya talagang inaantok nako.
"Kamahalan wake up" hmm ang aga aga pa eh "kamahalan gising na nandito na tayo" agad akong napamulat, bumungad sakin ang gwapong mukha "good morning" sabi niya. "Good morning" bati ko sakanya.
"Tara na nasa hotel na sila" tumayo na ako at inayos ang sarili ko tsaka ako bumaba, sumalubong sakin ang magandang ambiance ng lugar, nasa harap namin ang hotel at sa paligid punong puno ito ng mga naglalakihang puno, relaxing siyang tignan.
"Cas!" nagulat ako ng hawakan niya ako.
"Ang tagal mo kasi" sabi niya at hinatak na ako sa loob, pagkapasok namin, bumungad samin ang magandang kulay ng hotel, gray ang style niya, light gray to dark gray, may chandelier na malaki sa itaas at punong puno ng ilaw, hinatak niya ako sa kong saan.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kakain tayo" sabi niya, nakarating kami sa other side ng hotel kong saan may swimming pools at mga cottage, hinatak lang niya ako ng hinatak hanggang sa makarating kami sa isang cottage na nasa bandang itaas, 2nd floor siya tapos yung baba is small swimming pool. Umakyat na kami.
"Upo na kayo" sabi ni Zin. nandito na pala sila, dapat kanina pa niya ako ginising "nagpahanda nako ng makakain natin para mamaya ready na tayong mag swimming, siya nga pala ang kinuha kong kwarto ay may 2 rooms, sama na silang girls at tayong boys ang magkakasama" sabi niya, it's fine for me, inilibot ko ang tingin ko.
"Nasaan sila Kal?" Tanong ko.
"Alam mo na" napatirik nalang ako ng mata, as always talaga naman, wag lang silang magdadala ng babae sa room namin kong hindi nako ako mismo tutusta sakanila "maya maya lang parating na ang almusal natin, baka may gusto pa kayong iba?"
"Wala na" sabi ni Ysa.
"Kahit ano nalang sakin" sabi ni Cas, tumingin sakin si Zin.
"Kakain ako kong anong meron" sabi ko.
"Then let's wait" sabi niya, nabalot kami ng katahimikan, lumapit nalang ako kay Ysa at nag usap kami.
"May dala ka?" Tanong ko, tumingin siya sakin ng nagtatanong.
"Anong dala?"
"Duhhh nagtext ako sayo kagabi sabi ko magdala ka ng protection mo" nakita kong nanlaki ang mga mata niya, napa ismid ako, anong problema? "Gaga ka anong protection sinasabi mo?" hala siya iba ang nasa isip.
"Nako Ysa iba ata iniisip mo, what I mean is protection sa araw, syempre beach ano pa ba, alangang mag jacket ka" namula naman siya, lumapit pako sakanya. "A-ah y-yun b-ba hehehe, oo meron ako nasa bag ko" napangisi ako.
"Namumula ka ata" agad siyang tumingin sakin.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! "A-ah mainit, oo mainit hehehe" huli na nagpapalusot pa.
"So day dreaming Zin" bulong ko sakanya.
"O-Oo hindi no, hindi kaya"
"Huli na kaya kita" yumuko siya, pero kita ko sa tainga niya ang pamumula niya "so ilang abs ang meron siya?"
"Anim" napa nganga ako, what? Pati yun alam niya.
"Ysa!" napatingin siya sakin at biglang namilog ang mga mata niya "oh my g, so nakita mo na?" nanlalaki ring mata kong tanong sakanya.
"Aksidente yun, hindi ko naman alam na palabas siya ng banyo that time eh, pumasok ako kasi ilalagay ko yung mga gamit niya na nasa sala, kumatok ako pero walang sumasagot, kaya binuksan ko na and ayun pagbukas ko bumungad sakin si Zin na naka tapis lang at kalalabas lang din ng banyo" wahhhhhh my head.
"GUYS!" napalingon kami sa sumagiw, it's Kal and Cai, oh may kasama pa sila.
"Look who I found" nakangiti niyang sabi.
"Ma'am zhia" sabi namin.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Cas.
"Bakit bawal ba akong magsaya?" natatawa nitong tugon.
"Hindi naman sa ganon ma'am hehehe"
"Biro lang ito naman, nandito ako para magsaya, enjoy life and relax" sabi niya.
"Sir" napalingon kaming lahat sa nagsalita, si kuyang nag assist, may dala siyang mga pagkain.
"Kainan naaaaa" sabi ni Cas, inayos na muna namin yung lamesa tsaka kumain.