Chapter 16 The Secret they hide
Naka-upo na silang apat sa mga kama, at dahil kulang ang nurse na maggagamot sakanila kami nalang ang nagkusa, ako ang naggagamot kay Cas, si Ysa kay Zin, kay Cai naman yung isa sa kaibigan ni Ysa at Kal naman yung nurse, pero ang weird nila, para silang magkakilala.
"Ahhh aray ko aray, dahan dahan naman" dinig kong daing ni Zin.
"Ganyan kasi ha! Tama yan makipagbasag ulo kayo" gigil na sabi ni Ysa, hindi ko alam kong matatawa ako o maawa kay Zin. Tinignan ko si Cas, katatapos ko lang siyang linisan.
"Anong gusto mo?" Tanong ko, tumingin siya sakin.
"Ikaw" sabay ngisi niya. *pak.
"Aray naman" agad ko siyang sinamaan ng tingin, hinimas himas niya yung braso niyang hinampas ko "nagbibiro lang naman ako" nagpapa-awa niyang sabi, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Seryoso ako Cas"
"Sorry na, wala naman na kasi akong kailangan kundi ikaw at ikaw lang" agad na umakyat ang init sa mukha ko, bakit naman kasi sa ganitong sitwasyon pa siya maggaganyan. "hah!" Nagulat ako ng hatakin niya ako paupo sa tabi niya.
"Maupo ka muna at baka mangalay ka" sabi niya.
"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko.
"Ok nako sugat lang meron ako at hindi naman ako gugutom" tinitigan ko siya.
"Promise?"
"Promise" at ngumiti siya, napatingin kami sa pintuan ng may pumasok "siya yun" sabi ni Cas.
"Sino ba siya?" Tanong ko, babae siya na may kahabaan ang buhok, balingkinitan, morena at may magandang mukha.
"Siya yung niligtas namin" bulong sakin ni Cas. So siya pala ang may kasalanan kong bakit nagkaganito sila, tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Cas, tinignan ko siya. "Bakit?" Umiling lang siya at agad akong hinatak paupo.
"Hayaan mo siya, mukhang may sasabihing mahalaga"
"Fine" mataray kong sabi at nagcross arms.
"Ahm kamusta na? Ayos lang ba sila?" Wtf?
"Muk-ahmmppppp"
"Ah wala yun sige lang tuloy ka lang" bwesit ka Cas, magsasalita palang ako, pano bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Ah ayos lang kami"
"Sorry sa nangyari kanina, hindi ko naman kasi gustong mangyayari yun"
"Pero nang-ahmpppp" si ysa naman ang pinigilan ni Zin.
"Sige miss beautiful tuloy mo lang ulit" nakatingin si Ysa sakanya ng masama.
"Ahm girls sorry kong nagkaganyan ang mga boyfriend niyo, hindi ko talaga ginusto ang nangyari, pwede bang ipaliwanag ko muna kong bakit nagkaganon" sabi niya. "Ok fine, explain everything, loud and clear" sabi ko.
"Ganito kasi yun, papunta ako sa school na'to para mag apply as Guidance counselor, naglalakad ako sa labas ng may makita akong kumpulan sa may gilid, hindi ko na pinansin yun at tumuloy tuloy na, kapagkuan hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila" tumigil siya at huminga ng malalim "narinig kong hinahanap nila yung taong pumatay sa mga kasama nila at dito daw nag-aaral yun at ang balak nila ay patayin yun, pagkarinig ko no'n naglakad na ako ng mabilis pero bago ako makarating sa may bandang gate nakarinig na ako ng mga yabag galing sa likod ko, lumingon ako at nakita ko silang nakatingin sakin habang tumatakbo, kaya sa sobrang takot ko napatakbo nako papunta sa school niyo" mahaba niyang paliwanag.
"Wala ka na bang ibang narinig?" Tanong ni Cai, umiling nalang yung babae. Napatingin ako kay Cai at Kal, nagtinginan sila, hindi kaya may alam sila?. Kilala ko yang dalawa na yan at pagganyan sila, maaaring sangkot sila. "Kalisto, Caius" napatingin ako kay Zin, yang pagtawag niya sa pangalan nilang dalawa ibang usapan yan, seryoso silang nagtitinginan "mamaya mag-uusap tayong tatlo" sabi niya.
"How about me?" Tanong ko. Tumingin sila saking lahat.
"No hime, it's boys talk" hmmp palagi naman.
"How about me?" Napatingin ako kay Cas.
"Kami lang munang tatlo kong maaari" pati ba naman si Cas ayaw niyang pasamahin hmmp I hate him.
"Sorry again sa nangyari, maaari na ba akong pumunta sa Dean's office?" Sabi niya.
"Sure" sabi ni Zin.
"At anong gagawin mo dun?" Maangas na tanong ni Cai.
"Sir mag aapply ho ako ng trabaho dito, yun ho talaga ang pinunta ko dito sa totoo lang" sabi niya, mukhang wala sa matinong kaisipan si Cai at hindi niya ata na tatandaan ang sabi kanina ng babae, may tinatago sila. Hindi na nagsalita si Cai kaya umalis na ang babae.
"Ano bang nangyari sainyo dalawa?" Tanong ko, nagtinginan sila sakin "lately nawawala kayo at hindi mahagilap tapos ngayon ganito naman" nag-iwas sila ng tingin sa akin "Kalisto, Caius ano na? palagi nalang ba kayong tatalikod sa mga tanong ko? palagi nalang ba kayong iiwas sakin pag katinatanong kayo? Bakit? Wala ba kayong masagot sakin o marami kayong tinatago sakin?" naasar na ako sakanila, parang hindi nila ako kaibigan, eh since childhood magkakasama na kami kaya kilala ko yang dalawa na yan kong may hindi sila sinasabi or may tinatago sila sakin.
"Zeindy please not now" sabi ni Kal, napailing nalang ako.
"Not now? Then when? Tomorrow? Next week? Next month? Next year? Kal I'm your friend, I'm not someone there sa tabi tabi, I'm here to help you out, but look at what both of you doing. I'm out of this" padabog akong lumabas ng clinic at pumunta sa likod ng school, masyado na silang masekreto sakin, bakit? Ganon na ba ako kasama para hindi nila sabihin sakin ang mga nangyayari? Ganon ba sila kagalit dahil sa nagawa ko no'n? Bakit kailangan nilang maglihim sakin? Para akong masisiraan kaiisip kong ano ba yun at bakit sila nagkaganon, ang bigat bigat ng loob ko, parang gusto ng bumigay ng katawan ko ano mang oras.
"Ay!"
"Shhh nandito ako" nagulat ako ng may biglang yumakap sakin, niyakap ko na din siya at hindi ko inaasahan ang pagtulo ng mga luha ko, siguro dala na din ng sama ng loob "iiyak mo lang lahat at pag ayos kana kausapin natin sila, magkakaibigan kayo kaya dapat magka ayos kayo" sabi niya.
"Pero hindi ko na sila maintindihan, palagi nalang silang nagtatago sakin ng mga bagay bagay"
"Dapat mo din silang bigyan ng privacy kamahalan, siguro it's a private matter na kailangan sila ang maka ayos at hindi ka madadamay, malay mo ginagawa din nila yun para mapabuti ka at malayo sa kapahamakan, alam mo dapat niyong ayusin yan ha" bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at inangat ang pisngi ko.
"Cas?"
"Wag mo silang iiwan ng dahil lang jan, tandaan mo mahal ka nila at itinuturin ka nilang princess at kapatid, love them the way they love you, make them part of your world" "Ginagawa ko naman yun"
"That's wrong, dapat pinapakita at pinaparamdam mo sakanila yun" mali ba ako ng pagmamahal sakanila? Then I will change it. "Thank you Cas"
"Always welcome my kamahalan" thanks for him, kong wala siya hindi ko alam kong anong gagawin ko, ngumiti ako sakanya at ganon din siya.
"Tara na?" Tumango ako at nakangiting sumama sakanya, aayusin ko na ang gulo naming apat, alam ko na nagkamali din ako at yun ang dapat kong itama, tama si Cas kailangan naming magkapatawaran.