Chapter CHAPTER 16.1
"ARE you sure he's not coming?"
Lyle paused from watching his models walk by the runway when he heard Eutalia ask. Nahigit pa sandali ang hininga niya noon ngunit mabilis din siyang kumalma. Marahan siyang lumingon sa dating boss. Nakangiti ito ngunit wala sa kanya ang mga mata. Sa halip, nakatuon ang buong atensyon sa line up niya.
"What do you mean, miss?" Aniya.
Napahalakhak ang ginang. "You know what I mean, Mr Villariza. I'm talking about your new inspiration."
"Oh." Ibinalik ni Lyle ang mga mata sa sariling line up bago tumikhim. "No, he won't be coming. I don't think he'll catch up either, something came up and he's... probably not interested in watching fashion events."
As miss Eutalia hummed, Lyle brought his gaze back to the stage and watched as to how models walked down the runway, exhibiting the clothes they are wearing.
Dito pumwesto si Lyle dahil ipinatawag din siya ng hukom. Bagamat, tinanggihan niya ang imbitasyon nito sa takot na maakusahan ng favoritism, ipinaliwanag nitong makatarungan siya pagdating sa paghahatol ng desisyon kung sino bang mananalo ngayon. Isa pa, maganda rin naman ang pwesto rito dahil nakikita niya lahat.
Kampante rin siya sa mga iniwang trabahador dahil ilang beses niyang dinouble check ang mga ito bago niya iniwanan. Kung may mangyari man din, nandirito lang siya at mabilis na makakaraan ang mga crew niya upang matawag ang atensyon niya.
"I don't think he'll uninterested," Miss Eutalia said which Lyle heard but did not understand.
Sinipat niya ng tingin ang ginang at pinagmasdan ito ng mataman. Iniisip niya kung anong sinabi nito dahil hindi niya narinig, pero nahihiya siya na magtanong dahil ang pokus nito e nakapukol lang sa harapan nila. Baka mamaya, nagkamali lang pala siya ng dinig. She probably did not say a thing, and Lyle was just hallucinating when he heard her voice amidst the reverberating music.
Noong mapansin ng ginang ang mga mata niyang nakapukol dito, nilingon siya nito at masuyong nginitian.
"Well, won't you show him the videos after this?"
Natigilan si Lyle. Mahina siyang napahimig bago tumayo ng tuwid. Inilagay niya rin ang mga braso sa likod saka pinagsaklob ang sariling mga kamay. Napaisip siya sa tanong nito. Ipapakita ba niya kay Gian ang videos nitong event ngayon? Iyong naka-specific lang sana sa Primivère ang gusto niya na ipakita sa binata pero... seryoso, gagawin ba niya?
It is not impossible that Gian will not watch that video because it might not be to his interest. He does not want to waste his time nor force him to watch it.
"I'll see to it. I'm not really quite good with asking copies of the recordings, Miss."
Napahalakhak ito muli. "You should improve on that, then. It'll be a shame that your friend won't be able to see what you have become because of him."
Bigla siyang naguluhan sa sinabi nito. Palibhasa ay hindi maintindihan ang "pagbabago" na itinutukoy nito. Samantala, ang unang emosyon na rumehistro sa mukha nito ay ang tuwang nagsasayaw sa mga mata nito. Kung hindi lang lolokohin ni Lyle ang sarili, tila ba nagniningning ang mga iyon.
"You're skyrocketing right now, darling. I think he deserves to see your accomplishment."
Tumatak sa isipan ni Lyle ang sinabi nito hanggang sa matapos ang buong event. Sixth place siya noong idineklara ang mga nanalo ngunit hindi siya nakaramdam ng pagkadismaya. Bagkus, natutuwa pa dahil isa na ring malaking karangalan ang masama sa top ten designers ng gabing iyon.
Internasyonal ang mga kalaban niya at tulad ng dati, muli na naman siyang namulat iba't ibang ideya at oportunidad na pagbutihin pa ang sarili, maging ang mta likha. Bagamat na hindi nanalo, marami pa rin naman siyang na-accumulate na sales, e. Also, he is now aware of how imaginative fashion designers like him can be. It is like there is no limit to their thoughts and ideas. Palagay niya ay worth it ang event ngayon dahil marami siyang natutuwan.
He will make sure to make good use of the knowledge he gathered tonight.
*
"MOREOVER, that's not what I came here for," deklara niya bago mahinang ihampas ang palad sa counter table na naghihiwalay sa kanila ni Gian. Hawak niya noon ang CD na naglalaman ng turn niya sa event sa isa pa niyang kamay at marahan iyong iwinawagayway sa harap ng binata.
Samantala, naguguluhan namang nagpabalik-balik ang mga mata ni Gian sa kanya at sa hawak niyang CD. Mahina siyang natawa dahil tila ba hindi nito alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin noong sabihin niyang hindi siya pumunta rito para lang sa simpleng lunch na nakagawian nila. Mayroon kasi siyang ibang agenda-ang ipapanood dito ang iilang bits ng videos na naakumula niya mula sa gabi ng event doon sa Los Angeles. Natatawa rin pala siya na hindi malamancng binata kung titingin ba ito sa kanya o roon na lamang sa CD.
"A-anong meron? Ano 'yan?" Mapula ang mga pisngi ni Gian nang itanong niya iyon. And boy, how Lyle missed that. "Um, 'yan din ba ang dahilan ng mas maaga mong pagsugod ngayon?"
Pagsugod? Grabe iyong termino, a. Gusto niyang matawa dahil minsan lang gumamit ng ganyang salita si Gian pero hinayaan niya na lang. Ayaw niyang basagin ang ka-cute-an nito ngayon. Ipinilig niya ang ulo. "Maaga ba 'to? Tingin ko, ganitong oras pa rin naman ako bumibisita noon."
"No, not really." Umiling pa ang binata para lang pabulaanan ang sinabi niya "Bago ka umalis e hapon ka na dumating."
"Wala na kasi akong ginagawa, kaya maaga ako ngayon."
Ilang araw na ang nakalilipas at nakauwi na rin ulit sila sa Pilipinas. But before opening his company again, he took a two-day off because he knew he needed some rest. Sa dami ba naman ng ginawa niya't intensidad ng stress at pressure na naranasan niya, sino ba ang hindi madi-drain? Ngunit nang matapos iyon, dali-dali na naman siyang bumisita sa café nina Gian pagsapit ng alas onse.
Even so, while it was all good to hear that Gian's café is back to business, he is still dismayed that he was not there during Gian's darkest time to support and comfort him. Heck, they did not have the chance to talk through chats while he was away, either! Napaka-busy nila pareho noon kaya ang saya-saya niya ngayon na bakante na ulit sila.
Kinuha ni Gian mula sa mga kamay niya ang CD, dahilan upang mapaatras at bahagyang mamilog ang mga mata niya. Lalo na noong humaplos ang mga daliri ni Gian sa sarili niyang mga daliri. May kung ano pa roon na tila ba bigla siyang kinuryente.
Napapatanga niyang pinagmasdan noon ang kaibigan habang nakatuon ito sa CD. In-adjust pa nito ang salamin bago iyon ibinaliktad. Mukhang may hinahanap.
"Ba't walang label? Pa'no ko malalaman anong laman nito, Ly?"
Label? Ah, wala sila non. Hindi niya pinalagyan.
Kumunot ang noo niya. Bakit parang ang double meaning ng inisip niya?
"Ano 'to? Parang 'di naman video game."
Napangiwi siya. Tuluyan na ring nabawi ang tindig dahil video game talaga ang una nitong naisip tungkol sa hawak niya samantalang ang cover noon, parang iyong mga pirated CD!
"Dahil 'di naman tayo maglalaro ng video game."
Mabilis na ibinalik ni Gian ang mga mata sa kanya. Namumula na rin ang mga pisngi nito. Marahil dala ng pagkapahiya. Mahina rin tuloy na napatawa si Lyle dahil kahit ilang araw pa lang niyang hindi nakikitang ganito si Gian, miss na miss na niyang makita ang mga ganito nitong reaksyon!
"Pa... pasensya na!"
Ibinalik ni Gian sa kanya ang CD kung kaya naman ay inabot niya iyon. Katunayan, walang kaso sa kanya na inisip pa rin nitong baka video game ang laman noon, e. Natigilan pa siya sandali nang marinig na may ibinulong ang kaibigan. But his voice was too low that Lyle failed to catch up.
"Anong sabi mo?" Aniya.
Napapitlag naman ito. Mukhang natanto kung ano ang unang salitang awtomatikong kumawala mula sa mga labi nito. "Wala! Wala! Akala ko lang talaga, video game 'yan. Sa Los Angeles ka nga pala galing at hindi sa Japan." Napapahimig siyang tumango-tango. Well, that is reasonable if he forgot. Pero bakit naman sa lahat ng lugar, Japan pa ang naisip nito? Ang layo noon sa Los Angeles! Magkabilang mundo pa nga yata.
"Oo nga pala, may telebisyon ka ba sa opisina mo, Gian?" Tanong niya. Kuryoso lamang dahil kung wala rito, dadalhin niya ito sa opisina niya sa Primivère. Nangmagkakitaan na sila ng mga opisina dahil ang tagal na nilang magkaibigan pero hindi pa nila nakikita ang pribadong mga espasyo sa trabaho ng isa't isa!
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Napakurap-kurap ito. "Meron naman..."
"E, CD player?"
Ipinilig nito ang ulo. Nagtataka. "Manonood ba tayo ng palabas sa opisina ko?"
"Hindi naman eksaktong palabas tulad ng mga nasa sinehan pero meron ba?" Dahil gusto lang naman niyang ipanood kay Gian ang nangyari sa event na dinaluhan niya. At iyon pang kanya lang ang focus. Marahan itong tumango at saka itinuro ang opisina nito. "Meron ako."
"Great! Doon tayo kumain ngayon, Gian! Kung okay lang naman at hindi ka naiistorbo. Ayos lang din naman sa opisina ko kung may ginagawa ka pala-"
Tila ba tinangay ng hangin ang mga sinasabi niya nang mapansin niya ang sobrang pamumula ng mga pisngi ng binata. Maging ang pag-awang ng bibig nito at panlalaki ng mga mata, hindi nakawala sa kanya. "... okay lang ba?" Marahan niyang tanong dahil tila ba nakalimutan na ring huminga ng binata.
"Kakain?" Ulit nito sa isang ispesipikong salita na nabanggit niya. "S-sa opisina ko?" Tumango siya. "Kung hindi naman pupwede... kahit sa opisina ko nalang sa Primivère." Nagsisimula na kasi niyang isipin na baka ayaw nitong makita niya ang opisina nito.
"A-ah, hindi! Ayos lang sa 'kin na sa opisina ko!" May sinabi pa ito ngunit masyadong mabilis at hindi na niya nahabol. "Pero ayos lang din naman sa Primivère, Lyle! Ikaw ang bahala."
Napangiti siya. "Sige, ako na bahala. Pero kunin mo muna order ko nang mapag-isipan ko kung saan natin 'to papanoorin."
"Okay..." Pinasadahan ni Gian ng mabilis na tingin ang hawak niya. "Pero tungkol ba saan 'yan?"
"Basta." Syempre, surprise itong panonoorin nila at bawal ma-spoil ang target audience niya. Para kaya sa kanya itong effort na in-exert ni Lyle!