Can I be Him?

Chapter CHAPTER 15.3



Lyle.

"NAKAPAG-SORRY na nga 'ko! Ba't ka ba nagdududa sa 'kin? Parang walang tiwala, a! Balak nga naming mag-coop 'pag na-build na niya 'yong Klee niya sa Genshin. Kaswerte pa yata no'n at maganda 'yong party niya," kwento ni Keegan kay Dahil maagang nagising si Lyle ngayon at ngayon din ang most dreadful day nila ang araw ng event! - mas maaga siyang nagising kaysa sa mas madalas na nakasanayan. Ala singko pa lamang ng umaga at hinihintay niya ang agahan niya sapagkat nagpahatid nalang siya sa customer service, pagkatapos nito, didiretso na siya sa trabaho. Pero maaga pa at may oras siya, kung kaya naman habang naririto pa sa suite niya, naisip ni Lyle na makipag-video call kay Keegan. Noong isang araw kasi... o kahapon yata, sinabihan niya itong kumustahin si Gian para sa kanya. Hindi niya ito sinabihang pumasok sa café nito pero ang unexpected na iyon ang ginawa ni Keegan. Ayaw pa naman sana niyang mag-clash ang dalawa. Hindi makikipag-away si Gian sa kaibigan niya pero iba pa rin ang sigurado. Itatanong lang naman talaga niya kung nag-back to business na ba ang café ng binata. Pupwede namang sumilip sa labas pero ewan ba niya. Sakto rin namang nag-chat ito sa kanya tungkol kay Gian kaya tinawagan na niya. Gising din naman itong si Keegan, e. Hindi naman yata marunong matulog itong kaibigan niya at ginawa nang droga ang stress. Biro lang, mukhang maaga pa sa Pinas. Ang tantya niya, baka alas nuebe palang ng gabi sa Pilipinas. Baka lang noong tumawag siya, abala ito sa paglalaro.

"Wala lang. Baka maulit kasi sa noong una ninyong pagkikita ang nangyari. Masama kasi ugali mo."

Sumagitsit ang binata. "Kung nag-aalala ka riyan, edi sana 'di mo nalang ako ipinadala! Pero all is well and all is good, Ly. Saya ngang kausap nong kaibigan mo, e. Kaya ka siguro madalas sa café niya." "Mahiyain pero oo, masaya ngang kausap."

"Sa 'yo lang kamo nahihiya. Seryoso ka bang walang gusto sa 'yo 'yon?"

Bahagyang namilog ang mga mata niya at napaatras dala ng gulat. Mas dumikit ang likod ni Lyle sa headrest ng kama bago siya humugot ng malalim na hininga upang makapag-ipon din ng lakas ng loob na sagutin si Keegan. Ayan na naman. Nitong nakaraan at mula noong unang beses na nagkrus ang landas ni Gian at Keegan, panay din ang pagtatanong nito kung may gusto ba ang binata sa kanya. The question, of course, always made him speechless but he always denied Keegan's accusation. Imposible dahil mukhang hindi rin naman interesado si Gian sa kapwa lalaki. Nasa itsura kasi nitong babae ang tipo nito. It is kinda disappointing but that is just how things usually are. He cannot expect people to bend the way he is.

"Wala ngang gusto sa 'kin," pagtanggi niya.

Napaismid naman ito. "Di mo rin alam! Ah, nakalimutan ko palang itanong iyon kay Gian."

"Bakit mo naman itatanong? Tignan mo niyan, baka tumanggi lang din si Gian sa paratang mo."

"Psh. Nagsasabi lang! Masyadong mahiyain sa 'yo, e. Saka, kung wala ka na talagang pag-asa kay Ridge, wala namang kaso sa 'kin kung doon ka kay Gian mauwi. Nakakapanatag pa nga kamo ng loob."

Pinamulahan siya ng mga pisngi. "Ha?! Ano 'yang pinagsasasabi mo?! 'Di naman kami talo ni Gian."

"Wag ako, Villariza. Umamin ka nga, crush mo si Gian, ano?"

"Hindi! Kaibigan lang turing ko sa kanya."

"Gano'n." Bakas ang pagkadismaya sa boses ng binata sapagkat biglang bumaba ang tono nito. "Sayang naman, pakiramdam ko, bagay kayo. 'Di ba mukhang mas worth it kay Ridge?"

"Tumigil ka nga. Kung anu-anong pinagsasasabi mo, Kee."

Also, he does not want to lose Gian's company.

Ibinuka ni Lyle ang bibig para dagdagan pa sana ang pangdidipensang sinabi niya, pero wala ni isang salita ang kumawala sa mga labi niya. Ni wala ngang nabuong pangungusap sa isip niya, e. Hindi niya alam paano dadagdagan ang sasabihin kaya natahimik siya.

Ngayon pa lamang kasi na ipinunto iyan ni Keegan, doon palang niya naisip ang sinabi nito, and it made him flustered that he almost ended his call with his college friend. More when he noticed the smug look on Keegan's face! Ayan, video call pa! Edi kitang-kita niya kung paano siya inaasar ngayon? Tila ba nahuli siya na naiisip na iyong sinasabi niya!

"Isipin mo muna! Ngayon lang naman. Bawiin ko 'yong sinabi kong baka nga may gusto sa 'yo iyong si Gian. Gusto kong isipin mo kung may posibilidad ba!" Pangungulit nito.

Lumipad ang kamay ni Lyle sa sariling noo. Sinapo iyon bago siya mahinang napamura dahil dapat ang kalahati ng mukha niya ang tatakpan niya.

"'Di naman requirement 'yan. Ba't ba? 'Pag ba 'yan, inisip ko, makaka-accumulate ako ng sales mamaya sa event?" Paghahamon niya pabalik.

Nakakatakot. Baka mamaya mag-iba pa ang tingin niya kay Gian at magsimula siyang magbigay ng kung anu-anong ibig sabihin sa mga sasabihin at gagawin nito!

But if he would be honest, the idea is not bad. Hindi niya maipagkukumpara si Ridge at Gian dahil magkaiba ang appeal nila. Magkaiba rin ang epekto sa pagkatao niya pero hindi masama ang ideya.

Lyle's face flushed. While Ridge is snarly, bold, and alluring; Gian is charming, kind, and shy.

"O 'di ba? Gusto mo rin, e," ani Keegan kung kaya natigilan na naman si Lyle.

Mabilis niyang ibinalik ang mga mata sa video call nila. Nakaramdam siya ng pagkapahiya nang mapansin sa sariling window, bagkus maliit, na namumula pala ang mga pisngi niya!

"Hindi sa gusto ko! Pero 'di rin naman masamang ideya 'yon. Ayaw ko lang isipin at nilalason mo na naman ang utak ko!"

Napahalakhak ang kaibigan. "Anong nilalason? Ang sabi ko lang, isipin mo! Ikaw 'tong ngiting-ngiti riyan noong nakikini-kinita mo na ang posibilidad?!"

Nakangiti siya? It must be because he also thought of Ridge! "Dahil naiisip ko rin si Ridge noon, Kee!"

"Huh?" Nawala ang pang-aasar sa mukha ng binata bago ito bumuntong hininga. "Ang sabi ko, si Gian ang isipin! Ba't mo isinama si Ridge? 'Kala ko pa naman iyon na ang dahilan ng pagngiti-ngiti mo! Masama 'yan!"

Incomprehensible words began to escape from Lyle's lips. Wala siyang maisip na idahilan dahil siya mismo, alam na mali ang ginawa niya! But he just cannot stop himself from doing so. Kasi, si Ridge naman talaga ang gusto niya. "Anyway." Tumikhim si Keegan. "I just wanted to give you some head's up. Ginamit ko lang na example si Gian dahil malapit naman kayo sa isa't isa."

Kumibot ang isang kilay niya. "Huh? Para saan naman? At hindi magandang example si Gian sa mga ganito, Kee!"

Imbes na pansinin ang pagsita niya, pabiro lang siyang inirapan ng kaibigan. That made Lyle wheeze. Ang sakit nga lang noon sa ilong dahil nagpigil talaga siya ng tawa.

"Ang punto ko talaga e dahil wala ka naman nang pag-asa kay Ridge-"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Bago pa man matapos ni Keegan ang mapanakit nitong homily, umikot na ang mga mata ni Lyle at inagapan ang kaibigan. Tinangay nalang ng hangin ang sermon ng binata dahil sumabad na siya't inunahan ito. "Alam ko. You needn't to repeat that over and over again."

Sumagitsit si Keegan. "Alam mo naman pala. Then, start opening up that heart of yours for someone else!"

Alam niya rin ito. Ilang beses na rin siyang sinabihan ni Keegan tungkol dito. Pero bakit ba nauwi sa ganito ang usapan? Napaka-irrelevant samantalang pinapakumusta lang naman niya si Gian dito.

"Saka ko na 'yan iisipin 'pag handa na 'ko." Dahil sa ngayon, walang pag-asang magkaroon ng puwang sa isipan niya ang ganyang ideya!

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle, at habang halos mamutawi ang katahimikan, narinig niya ang door bell sa labas ng kwarto niya. Mukhang dumating na yata ang agahan niya. "Mauuna na ako, Kee. Nandiyan na agahan ko. Balitaan nalang kita mamaya!"

Tumango ito. "Balitaan mo rin si Gian. Baka iniisip mo ikaw lang nag-aalala ron, hindi mo alam, pati siya pala! Hay, love birds nga naman."

Napangiwi siya. Anong love birds? Ayan na naman ito sa walang kwenta nitong pang-aasar. Hindi pa tigilan.

"SO...?" Tanong ni Zamiel, sinusubukang basagin ang nakakabinging katahimikan.

Tumikhim si Gian. Inulit niya iyon nang mag-angat ng tingin sa kanya si Zamiel habang abala itong kumakain. Hindi pa siya handang magsalita! Kailangan na ba talagang magpaliwanag ngayon? "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko e..."

Bumuga ng marahas na hangin si Zamiel bago napailing. "It doesn't have to be random, Gian. Just points so that we can analyze how can you woo your man!"

"Woo?"

Napatanga siya sapagkat hindi pamilyar ang salitang ginamit nito. Umikot naman ang mga mata ni Zamiel dahil sa itsura niya, ngunit hindi nito inialis sa kanya ang paningin. "Manligaw!"

Pinamulahan siya ng mga pisngi. "H-hoy, wala akong balak na manligaw, Zamiel! Gusto ko lang na ma-overcome 'tong nararamdaman ko dahil nag-aalala sa 'kin si Lyle!" "Huh? Punyeta, nasa iisang pahina lang ba tayo?"

Hindi niya alam. Baka mamaya, mas advanced na pala si Zamiel samantalang siya, sinusubukan pa lang na malaman kung ano bang dapat gawin sa mga sitwasyong ganito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Wala yata. Nag-iisip ka na ng ligaw, habang ako iniisip ko kung paano ako magkakaroon ng lakas ng loob kasama si Lyle?"

Nag-igting ang panga ni Zamiel. "Di ka nalang din doon sa may ligaw napunta. Mag-skip ka na, roon din naman ang uwi mo."

"S-sira ulo!" Halos mabitawan niya ang mga kubyertos at halos mahulog iyon sa sahig. "Wala akong balak na manligaw sa kanya!"

Napahalakhak si Zamiel. "Wag kang magsalita ng tapos. 'Pag 'yang nararamdaman mo, lumalim, gugustuhin mo ring mapa-sa 'yo si Lyle. Trust me, I've been there."

"I doubt!"

Hindi sumagot si Zamiel. Sa halip, uminom ito sa latte na in-order. Strawberry latte ang inihanda niya dahil sigurado siyang ito rin ang hiling nito. Kapag wala kasi si Ridge, ito ang iniinom niya. Alaala raw ba, kahit sila pa naman. "He doesn't have to worry about you at all times, what Lyle needed to do is to accept you. Ganyan ka na talaga, anong magagawa namin? Mas malala ngayon, natuklasan mo nang may gusto ka sa kanya. You can't use me as reference for something, we're two different people with different approach in life."

Sa kabila ng mga pagkain sa harap nila, naghalumbaba pa rin si Zamiel sa lamesa. Nakaramdam siya ng inis pero hindi siya ang tipo ng tao na naniniwala talaga sa mga pamahiin.

Bumuntong hininga ito. "Sa oras na gamitin mo 'kong reference, 'di na ikaw ang Gian na kilala ni Lyle. Mas lalong mag-aalala sa 'yo 'yon dahil kahit gustuhin niya ang magiging bagong ikaw, mas gusto niya kung ano ka ngayon." Nagkibit balikat si Zamiel at bumalik na sa pagkain.

"Kanina pa 'ko may iniisip kung bakit ka ganyan sa kanya. Ayaw ko lang sabihin sa 'yo pero ro'n din ang uwi."

Umangat ang mga kilay niya at ipinilig niya ang ulo. Hindi rin siya tinignan ni Zamiel. Sa halip, inayos nito ang kinakain para maisubo ng maayos.

"It's somehow related to Ridge..."

Napahimig siya. "Sabihin mo na, 'wag mo na 'kong bitinin."

Mataman siya nitong pinagmasdan bago napailing na naman. Sa susunod talaga, bibilangin niya kung ilang beses itong maiiling kapag siya ang kasama. Nakaka-stress ba siya?

"You're probably subconscious with this but, I think the reason why you act like that around Lyle is because you think that you're unworthy of him. Unlike Ridge who's more, way more, suited for someone like him." Nanatili ang mga mata niya sa kaibigan habang nanliliit naman ang asul nitong mga mata na tinitigan siya.

"And if you're really subconsciously thinking about that, then I'd agree with you. You better stop harboring feelings for him, too. Let alone, hang out with him. 'Di mo talaga deserve si Lyle kung ganyan kapangit ang mindset mo, tanga."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.