Chapter CHAPTER 14.2
"HE... hello, Lyle?"
Para bang nabunutan ng tinik sa dibdib si Lyle noong oras na marinig niya ang boses ni Gian. Ang tagal na mula noong huli silang mag-usap na dalawa. Ilang linggo rin ang lumipas! Hindi na siya nakapunta sa café nito magmula nang maging abala sa trabaho, wala ring oras na mai-text o matawagan ang binata dahil nilamon siya ng mga gawain. Kaya nga, hindi niya itinago ang pagkaginhawang naramdaman noong sagutin nito ang tawag niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at napahawak sa dibdib.
It took them long, but at least, he's here now.
Marahil, ang overreacting niya sa iba, pero mayroong mas malalim na dahilan bukod sa ilang linggo nilang hindi pag-uusap ng binata. Noon kasing nagsisimula nang lumuwang ang schedule niya, ilang beses niya itong sinubukang tawagan ngunit ni minsan, hindi ito sumagot. Ngayon pa lamang, samantalang limang araw na rin mula noong simulan niya ang pag-contact dito. Mula pa noong nakarating siya sa Los Angeles.
He thought that there was a problem and so, he waited. Only for him to hear an unfortunate news from Gian several days later.
Nag-chat lang ito sa kanya sa facebook. Nagpaalam lang at ipinaalam kung anong nangyari rito habang wala siya, tapos hindi na muna ulit nagparamdam. Naiintindihan naman ni Lyle. Paniguradong siya, ganito rin ang magiging reaksyon kung malasin din ang negosyo.
"Hello Gi, anong balita sa mga nanakaw? May tsansa pa raw bang ma-retrieve?" Nag-aalalang tanong niya.
So, the reason behind the male's absence is that: Gian's café recently suffered with theft. Bagamat wala naman daw naging damage sa lugar bukod sa binasag na salamin at mga kalat na iniwan, mukhang ibang bagay naman ang nakuha ng mga ito at hindi pera.
Tulad na lamang ng mga makinarya na naiwan sa café. Iyong mga kasangkapan na ginagamit sa negosyo ni Gian. Mga coffee machine, ganoon, at iba pa. Mukhang iyon na lamang ang pinagsamantalahan dahil ayon kay Gian, inuuwi niya gabi-gabi ang perang nalilikom nila sa araw-araw. Wala silang makukuhang iba liban sa mga naiwang gamit.
Kaya lang, naiwan din daw nito ang cellphone, laptop, at iilang cards sa office nito noong gabing iyon. Isa iyon sa mga nawala kung kaya natagalan din si Gian sa pag-contact sa kanya. Mukhang kabibili lang ulit nito ng gamit, pinaputol na muna lahat ng koneksyon ng mga kagamitan mula sa kinauukulan nang sa ganon, hindi manakaw ang identity ni Gian. Ipinatigil ang operation ng sim card at mabilis ding nagpalit ng password sa iba't ibang e-mails at social media accounts. Ang kinakatakot daw kasi ng binata, e hindi lang gamit ang manakaw kung hindi pati ang mga detalye ukol sa kanya.
Tapos ang nakakadismaya, noong isang gabi lang daw iyon nangyari. Noon yatang lumipad si Lyle papunta rito sa Los Angeles.
"Pakiramdam ko, 'di na. May naiwan namang trace iyong mga magnanakaw pero 'di na rin ako umaasang mababawi. Baka ngayon palang, naibenta na nila iyong mga gamit e," anito.
Napatango-tango siya. Tama naman. Imposibleng itago pa ng mga magnanakaw ang mga gamit na nalikom sa café ni Gian. Mata-track sila kaagad at makukulong. Paniguradong itinapon at binura na nila ang mga ebidensya. "E, ikaw ba Gian? Ayos ka lang ba?"
Alam naman niyang kahit ganito ang tono ng pananalita ni Gian - kalmado at parang wala lang - sigurado si Lyle na nanghihinayang ito sa mga nawala, problemado rin sa kung paanong babangon muli. "Ako?" Pag-uulit ni Gian, parang hindi pa sigurado kung ito ba talaga ang kinukumusta niya.
Mahina siyang humimig. "Oo, ikaw. Ayos ka lang ba?"
"O-oo naman! Wala naman ako noong gabing 'yon sa café kaya wala ring nangyari sa 'kin. Baka pahigpitan ko lang security nang hindi maulit."
Natakpan ni Lyle ang bibig. Gusto niyang matawa pero kailangan niyang magpigil! This is not the right time to be sarcastic, but Gian just did! He was not even expecting that answer and that is really cute of Gian! "Di 'yan ang tinutukoy ko, Gi..." Aniya, ang hirap pa nga kamong magsalita at nanginginig ang boses niya.
"Huh? Edi ano pala?"
Muli siyang bumuntong hininga bago lumakad tungo sa bukana ng bintana. Doon niya inihilig ang katawan, nais sanang makaamoy ng sariwang ihip ng hangin habang nag-uusap sila.
Ala sais pa lamang noon ng umaga sa Los Angeles. Samantalang sa Pilipinas, marahil alas diyes naman ng gabi. Dapat, busy na si Lyle ngayon sa pag-aayos ng sarili dahil marami pang kailangang paghahanda sa darating na event ngunit, kahit ngayon lang... gusto niyang ma-late muna kahit kaunti. Babawi nalang siya mamaya at mag-oovertime.
Gusto niyang kausapin si Gian. Nawawala ang stress niya sa tuwing naririnig ang boses nito. Nalilimutan niya ang pressure dahil pakiramdam niya, malapit lang si Gian kahit na magkalayo sila ngayon. Hindi niya alam, pero kumakalma ang buong pagkatao niya sa tuwing makakapag-usap sila ng binata. Kaya nga lalo siyang napapadalas sa café nito, e. He finds Gian's presence to be soothing.
"Alam mo na, kahit wala ka ro'n, malaking kawalan pa rin sa café mo ang manakawan. How are you coping up?" "Ah..."
Ipinikit niya ang mga mata at muling napaisip. Hindi magsi-sink in kay Lyle kung biglang mabasag ang boses ni Gian dala ng panghihinayang, pero kung iyon ang makakapagpalabas ng naiipong pagkasiphayo sa dibdib ng binata, edi ayos lang. Isa pa, hindi pa rin siya makapaniwalang nag-chat ito sa facebook niya noong umagang nangyari iyon sa café, marahil ang palagay ni Gian e magkakaroon pa rin siya ng oras na tignan iyon, o mas may oras siyang tumingin ng social media.
Good thing though, he really checked his social media accounts. Kung hindi, didiretsuhin niya talaga ito sa araw ng pag-uwi niya, because he misses to talk with Gian. Just like he mentioned a while ago, he finds Gian's presence to be soothing and warm. Iniisip na nga niya kung bakit e, pero ayaw naman niyang i-entertain ang mga ideyang pumapasok sa isip niya kapag ganoon.
"I'm good," panimula nito bago mahinang napahimig. Natahimik ito sandali bago tumikhim, "totoo 'yong sinabi mo na mahirap bumangon pero may savings din naman kami. Dati kasi, inadbisahan din ako ni Ridge na magtabi in case na magkaroon ng insidenteng ganito."
"Kaya ba medyo kalmado ka?"
Narinig niyang bumuntong hininga si Gian.
"Di ko alam kung kalmado ba 'ko. Nakakagalit na manakawan pero sana, sana makatulong pa rin sa kanya iyong mga kinuha niya sa 'kin. I hope the machines and devices he took could help feed his family Lyle, and whatever they're going through, I hope it ends soon. Nang sa ganoon e hindi na nila magawa ulit ang pagnanakaw."
Masaya siyang napahimig.
He was in awe and speechless for a moment, before he blinked and every single thing that Gian said sank on his mind.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nakakatuwa lang na sa kabila ng kawalan, si Gian pa ang mayroong gana na humiling ng maganda para sa kanila. These types are rare, to be honest. Kung siguro ibang tao ito, walang ibang hihilingin iyon kung hindi ang lalong mapasama iyong magnanakaw.
"That's a nice train of thought. Sana nga, makatulong iyong mga nakuha niya sa 'yo."
Nang tumawa si Gian, parang hinaplos ang puso ni Lyle.
"Oo nga pala Lyle, ikaw ba? We haven't talked in a while. Pasensya na talaga."
"Ayan ka na naman sa pagso-sorry mo, Gian. 'Di ba ang usapan natin, titigilan mo na 'yan? 'Di mo kailangang mag-sorry, naiintindihan ko ba't 'di kita na-contact agad."
Humugot siya ng malalim na hininga bago ipinilig ang ulo. Tumitig sa labas ng bintana upang mag-obserba. Tahimik pa ang paligid noon sa labas, wala pang gaanong tao dahil maaga pa naman pero may iilan na rin siyang mga kapitbahay sa hotel na lumabas sa bintana upang sumigaw ng "good morning".
"Di ko mapigilan. Nakaugalian ko na," anito, dahilan upang matanggal ang atensyon niya sa pag-oobserba sa labas.
Napangiti naman siya. "Alam ko pero iwasan mo pa rin 'pag ako kausap mo."
"I'll try."
'Well, at least he would.' Ipinagsakibit balikat na ni Lyle ang usapan tungkol sa nakaugalian nitong paghingi ng pasensya. Sa halip, ibinalik niya ang usapan sa tanong nito na tila ba naiwan na sa ere. "Ayos lang ako. Medyo busy, pero kaya ko naman gawan ng paraan ang pakikipag-usap sa inyo. Hm, malapit na rin naman ang event kaya sinusulit ko ang pagpupuyat."
Ipinikit niya ang mga mata. He then heard a few shifting movements from the other line. Ang palagay tuloy ni Lyle, nakahiga na si Gian ngayon at mukhang naghahanda nalang ding matulog. Kung sa bagay, late naman na rin sa Pilipinas ngayon.
"Matutulog ka na ba?" Tanong niya.
Napahimig si Gian, ang tono, tila ba nagtatanong dahil pataas. "Di pa, umayos lang ako ng pagkakaupo sa kama. Ikaw ba, may gagawin ka na ba? Baka ma-late ka pa sa trabaho." "A-ah!" Umayos lang pala ng upo. Akala naman niya, inaantok na. "Late na rin kasi ng gabi kaya naisip kong baka matutulog ka na."
"Huh? Hindi pa. Late naman akong matulog. Isa pa, tumitingin pa 'ko ng mga bagong makinarya sa mga website para makapag-resume na kami sa operation."
Napatango-tango siya. Nag-angat din siya ng tingin upang makita naman ngayon ang atmospera. Wala pa rin namang araw ngunit interesado pa rin siyang panoorin ang madilim na kalangitan.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Lyle, 'di ka pa ba mag-aayos? Malapit na ang event, kamo. Baka mamaya, may gagawin ka dapat ng maaga. Ano na bang oras sa inyo?"
Napasinghap siya nang magtanong si Gian at basagin ang kumportableng katahimikan na namumutawi sa pagitan nila. Napakagat siya ng labi bago mahinang napahalakhak. "Mag-aala siyete ng umaga. Mag-aayos na rin ako maya-maya."
Pero sa totoo lang, ayaw pa rin niyang tapusin ang pag-uusap nila. Ngayon niya lang ulit ito nakausap at ang dami niyang gustong ikwento tungkol sa mga nagdaang araw dito sa LA. Ang malas lang talaga niya at kulang ang oras. "Mag-ayos ka na. Ano, um, i-chat mo na lang ako kung anong oras ka pupwedeng tawagan."
"Ikaw ang tatawag?"
"Oo naman. Ayaw mo ba, Lyle?"
Gusto niya. Kaya nga awtomatikong sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi niya dahil gusto niya ang ideyang ito ang tatawag mamaya. Mahina siyang napahimig para ipabatid ang tuwang nararamdaman niya, pero may bakas ng kalungkutan sa boses niya dahil ilang sandali na lang e papatayin na nila ang tawag. Ah, pero bagamat ganoon, pipi siyang napadasal na sana, hindi nahalata ni Gian ang lungkot sa paghimig niya. "Lyle?"
Ah, napansin yata. "Sige, sige. Marami pala akong ikukwento niyan. Ipaalala mo sa 'kin!"
Ito naman ang napahalakhak. "Alam ko. Ilang araw din tayong 'di nakapag-usap, e." "Matulog ka na rin pala, Gian. Ipagpabukas mo na 'yang paghahanap ng mga kagamitan." "Pagkatapos ko... hm, tignan itong presyo at reviews ng isang nakita ko, matutulog na 'ko." "Okay, good night," aniya.
"Wag mo 'kong batiin ng ganyan, ang awkward na batiin ka ng good morning, Lyle! Pero, good morning!"
Malawak ang ngiting kumurba sa mga labi niya sa bati ni Gian. Namutawi pa noon sandali ang katahimikan hanggang sa usigin siya ng binata na patayin ang tawag. He doesn't want to do that too, but... he has to. Kailangang magpahinga ni Gian, kailangan naman niyang magtrabaho.
Gusto na tuloy niyang umuwi at bumalik sa dating routine kung saan nakakausap niya ito ng mas matagal!