The Perfect Bad Boy

Chapter 39 Again and Again



Hindi na ulit ako nag-message sa kanya. Basta alam kung gumising siya masaya na ako don. Kung babalik man siya o hindi na, masaya pa din ako. Hindi naman dahil sa hindi ko na siya mahal or ano. Sadyang ang tanging hiling ko lang naman ay magising siya sa bangungot na ako ang nagbigay sa kanya.

"Ate, ang ganda ganda mo.." Masayang sabi ni Kimmy. Unang araw ko kasi ngaun sa isang malaking airlines. Natanggap kasi ako bilang flight steward. Natuto na akong mag-ayos ng sarili, kailangan kasi iyon para sa trabaho.

Inayos ko ang scarf ko at ngumiti din kay Kimmy. "Maganda ka din, Kimmy. Mag aral ka mabuti para someday, maging katulad din kita."

Natigilan ako ng yumakap sa akin si Kimmy, nakangiti kasi siya kahit mangiyak ngiyak. "Ate, alam mo bang sobrang proud ako seyo? Gusto ko makahanap din ako ng katulad ni, kuya Glen." Ngumiti ng tipid si Kimmy. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bakit kasi ang tagal tagal mong bumalik sa akin, Glen?

"Alam kong si kuya Glen ang dahilan kung bakit lalo kang mas nagsikap makatapos, ate. Natutuwa ako kasi kahit aso't pusa kayong dalawa, naging inspiration mo pa din siya. Akala ko nga yung nangyari kay kuya ang magiging dahilan para mawasak ka ng usto. Nagkamali ako, siya pa din ang naging lakas mo para makapunta kung nasan ka man ngaun."

Bigla nalang tumulo ang luha ko sa mga sinabi ni Kimmy. Akala ko nga din ikakasira ng buhay ko yung nangyari kay Glen. Instead, naging lakas ko iyon para lumaban. At proud ako sa sarili ko dahil nakaya ko. Syempre, mas magiging masaya ako kung siya mismo ang magsasabi non sa akin.

"Siguro, ganon ko lang talaga kamahal si, Glen, Kimmy. Tsaka inisip ko nalang na pag binalikan niya ako ay magiging proud siya sa akin. Gusto kong makita na niya na may narating ako, gusto kong ipagmalaki niya ako. Gusto kong may kahinatnan yung pag poprotekta at pagsasakripisyo niya sa akin. "

Ngumiti ulit si Kimmy at pinahidan ang luha ko. "I'm pretty sure that he's so proud of you, ate. At alam kong babalik si kuya Glen."

Ngaun ko lang napagtanto na malaki na si Kimmy. Hindi na siya yung Kimmy na walang kamuwang muwang noon. Lahat nagbago na. Pero bakit ala pa din siya?

Nagtaxi ako papunta sa airline. Busy na din kasi sila Athena at Kristele. Mayroon na din silang sariling mga trabaho.

"Good morning, Julia.." Malaki ang ngiti ni Klaus habang papalapit sa akin. Pareho kasi kaming nagtatrabaho sa airline company na ito. Actually, nag- apply din yung ibang classmate namin dito. Kaso, kami lang ni Klaus ang nakuha. Masyado kasing mahigpit ang company.

"Late naba ako?" Kabang kabang sabi ko. First time kong pumasok tapos malelate pa ako? Grabe naman kasi ang traffic. Ang aga- aga ko kayang umalis sa bahay.

Klaus chuckled. " relax, you're just on time." Kumindat siya kaya umiwas ako ng tigin. Ang charms talaga ni Klaus ang ginagamit niya, e. Pati ba naman sa akin?

"Teka, Klaus. Diba sa gate 2 ako naka assigned?" Takang tanong ko. Paano hinila niya ako papunta sa ground ng parking ng gate three.

"Sabi ni ma'am Chary, dito daw muna tayo.." Nakangiti pa din si Klaus.

Nagkibit balikat nalang ako at nagpahila sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Takang tanong ko. Paano naman ay panay ang lingon niya sa paligid na parang may hinahanap.

Kalmado siyang tumingin sa akin. "Okay lang ako, Julia." Kumunot ang noo niya na tila ba nag iisip ng sasabihin." May hinihintay kasi ako."

Tumuloy lang kami sa paglalakad. Grabe! Kung alam ko lang na sa gate three kami naka assign ay doon nalang ako nagpababa.

"Klaus, san ba tayo dito?" Tirik na tirik kasi ang araw at halos maglusak na ako. Kanina pa kasi kami paikot ikot dito ay wala pa din kami sa tamang destinasyon. Napakamot ng ulo si Klaus." Sandali, maupo ka muna jan. Tatawagan ko lang si Ma'am Chary."

Lumakad palayo si Klaus sa akin habang may kung anong pinipindot sa cellphone niya.

Umupo ako sa isang bench malapit sa arrival area. Medyo wala ngang tao sa pwesto ko dahil nasa bandang dulo na ito.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Kinabahan ako bigla. Hindi ko naman alam kung bakit. Si Klaus ay tanaw ko sa malayo habang nakakunot ang noo at may kausap. Marahil ay si ms. Chary. Masaya akong nakatingin sa arrival area kung saan madaming pamilya ang sumasalubong sa mahal nila sa buhay. Napa isip tuloy ako bigla.

Kailan kaya mangyayari na ako ang maghihintay jan para sa pag-uwi mo?

Medyo matagal na si Klaus na may kausap. Nagsimula na akong mainip. Nauuhaw pa ako dahil sa taas ng sikat ng araw. Bakit ba kasi bigla nalang binago ang designation post ko? Hindi naman talaga ako dito, e. Bumaling na sa akin si Klaus na seryoso lang ang mukha. Ewan ko ba kung bakit kanina pa ako kinakabahan. May hindi kasi ako magandang nararamdaman.

Nang tumayo ako ay may isang van na tumapat sa pwesto ko. Pinag walang bahala ko nalang ito dahil nakalapit na sa akin si Klaus.

"Ano daw ang sabi?" Bungad ko sa kanya. Seryoso lang siya.

"Julia, kasi--"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang puting van sa harap namin. Natulala ako ng biglang may tatlong lalaki ang lumabas na nakatakip ang mukha nila na tipong mata lang ang nakikita. Si Klaus naman ay bahagyang nagulat pero napanatili niya ang pagiging kalamado. Nag simula akong magpanic.

"Klaus, sino sila?" Medyo napa atras ako dahil pinalibutan ako ng tatlo. Si Klaus naman ay tahimik lang sa gilid ko.

"I don't know either, Julia.." Kalmado pa din siya. Dagukan ko kaya ito ng isa? Ala ba siyang takot na nadadama?

Napalunok ako bigla ng hablutin ng isa ang kamay ko. Mabilis akong nagpumiglas at sinapak ang lalaki.

"Fuck!" Napamura ang lalaki. Yung dalawang kasama niya ay halatang nagpigil pa ng tawa. Napahinto pa nga ako kasi parang kilala ko ang boses niya.

"Klaus, tulungan mo ako." Nagpanic ng bahagya ang mukha ni Klaus pero hindi siya gumalaw.

Panay ang pumiglas ko sa dalawang lalaki na hindi naman nagsasalita. Waahhh!

"Sumama ka nalang, Julia." Salita ni Klaus kaya nalaglag ang panga ko. Grabe siya! Seryoso ba siya na pinapasama niya ako?

Wala na akong nagawa ng halos ipagtulakan ako ng dalawang lalaki sa loob. Yung isang lalaki naman na nasapak ko ay tumabi sa akin habang hawak pa din ang panga. I can't believe this is happening again and again. Walang sabi ay pinaharurot nila ang van. Bakit? Sino sila? Ano na naman ba ito? Waahh? Di kaya kukunin nila ang lamang loob ko?

"Sino ba kayo? Ala naman akong kasalanan sa inyo ah. " naiiyak na sabi ko. Bigla kasi akong kinabahan eh. Hindi, kinakabahan talaga ako. Bigla nalang akong napa-iyak. Naalala ko na naman ang nangyari sa akin four years ago.. Ano na naman ba to?

Yung katabi kong lalaki ay tinignan lang ako. Hindi siya nagsalita pero hinimas niya ang pisngi ko. Biglang humataw ang bilis ng tibok ng puso ko. Instantly, kumalma ang sistema ko. Piniringan niya ang mga mata ko. Hinayaan ko nalang siya at di na ako umalma.

Hindi na talaga siguro tayo magkikita, Glen.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.