Chapter 40
HINDI pa rin niya ma-contact ang number ni Jemima. Napapabuntunghininga na lang siya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi ang umasang hindi nag-iisip ng kung ano-ano ang asawa na ikasasama ng loob nito. Naging emotional pa naman ito mula nang mabuntis.
Agad niyang hinanap ang pakay niyang mga personalidad.
Namamalagi ngayon sa Taj Mahal Palace ang mga may-ari ng Tata Sports, ang magkapatid na Yash at Amar Tata, kaya dito rin nagpa-book si Harry. Matapos niyang mag- sign in sa hotel ay agad niyang tinawagan si Amar Tata upang ipaalam na dumating na siya.
"Can we talk later? We have something to attend to."
"Yes, sir. Just inform me when you're available." May panahon pa siya para magpahinga.
Inilibot ni Harry ang paningin. Bagama't nakarating na siya rito noon kasama ng pamilya niya, ngayon lang niya naa-appreciate ang royalty feel nito. Mula sa Saracenic Revival façade hanggang sa interior decoration nito ay tunay na kaaya-aya sa mata. Hindi kataka-taka na ang lugar na ito ay dinadayo ng mga taong may matataas na ranggo sa lipunan.
Nakaramdam siya ng panghihinayang. Sana'y kasama niya ang asawa ngayon sa makasaysayang lugar na ito. Pero hindi naman siya naparito para magbakasyon.
Pinili niya ang kuwartong nasa modern extension ng building. Ito ang area na may modern atmosphere at matatanaw ang Arabian Sea.
Lalo niyang nami-miss ang asawa habang pinagmamasdan niya ang breathtaking view mula sa bintana ng kaniyang kuwarto.
He tried to call her number again. Hindi na ito nagri-ring. 'Talk to me!'
"Aaahh!" Isinubsob niya ang mukha sa unan. Pinipigilan niya ang sariling mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa ginagawa ng asawa.
Parehong pagod ang isipan at katawan ni Harry. Minabuti niyang magtungo sa spa.
Habang nasa steam room ay si Jemima pa rin ang laman ng isipan ni Harry. Hindi pa rin nawala ang pamomroblema niya sa asawa habang naliligo na siya ng experiential rain shower. Naisip niyang hindi niya kakayanin ang katahimikan sa loob ng kaniyang luxurious room sa legendary hotel na ito. Mukhang ito ay nababagay sa kings and dignitaries at eminent personalities mula sa iba't ibang bansa, pero hindi sa tulad niyang namomroblema sa asawa.
Minabuti niyang gumala upang malibang ang kaniyang mga mata. Sumama siya sa grupo ng mga turistang naghahanda para sa kanilang heritage walk.
SA hapon na siya tinawagan ng magkapatid. Pinapasok siya ng mga ito sa isa sa themed suites ng hotel.
"We decided that we don't need a conference room for this one," panimulang lahad sa kaniya ni Amar Tata. "Our team reviewed your proposal through and through, and it's been decided."
Tila huminto ng paghinga si Harry sa anticipation sa susunod na isasaad ng kaharap. Ngunit ibinitin lang nito ang sasabihin. Tumingin muna ito sa kapatid bago siya nito tinitigan sa mukha. "Do we have a deal?"
"No."
Halos mabingi si Harry sa narinig.
"I'm sorry, Mr. Sy. Your proposal is good but we want the best."
"What do you want then? Perhaps we can curtail our document to your favor," ito agad ang naisip niyang ipang-negogiate sa mga kausap.
Malaki ang magagawa sa kumpanya nila kung magiging exclusive distributor nila ang Tata Sports sa bahaging ito ng mundo. Lalong magiging matatag ang kumpanya kung magiging ally nila ito.
"We're not closing our doors yet. We know your father, he's a good man. But this is business. What we want is security and stability."
"We are currently the top earning company in Asia, sir. How can you not trust us?"
"I can see your confidence, Mr. Sy. But your top rivals are paving their way to the top. We can talk again after you get the People's Choice Award. For now, you should iron out the malicious intrigues that are thrown at you." Disappointed by the feeling of sudden defeat, tumahimik na lang siya at tinanggap ang pagkabigo.
Habang naglalakad siya ng pasilyo ay nakaramdam siya ng panggigigil. Kahapon lang ay puro papuri at positibong mga bagay ang tinanggap niya mula sa magkapatid. Hindi niya inasahang biglang babaliktad ang ihip ng hangin sa kaniya ngayon.
Kailangan niyang makausap si Chester Singh.
BUSY ang tone ng dina-dial niyang number ni Chester. Naisip niyang baka hindi nito binasa ang mensahe niya sa email. Napabuntunghininga siya. Mukhang kailangan niyang i-stalk ang pinsan para matagpuan niya ito. Sinubukan na naman niyang tawagan ang asawa. Hindi pa rin nagri-ring ang phone nito.
Gusto niyang itapon ang cellphone dahil sa inis.
Mukhang hindi umaayon sa kagustuhan niya ang araw na ito. Napatingala siya sa langit. Kailangan niya ng mapaghuhugutan ng lakas. Sumasakit na ang ulo niya sa stress. Tumunog ang cellphone niya. Si Ivana Smith ang tumatawag.
Wala pa siya sa mood para makipagkita sa babae. Baka ito lang ang mapagbuntunan niya ng pagkainis niya sa mga pangyayari.
"Harry!" Napindot na pala niya ang receiving button.
"Hello. I will call you later."
"No, Harry. We must meet now. I'm in a hurry, I'm going to America."
"Alright."
SA kabilang dako ay hinihilot ni Jemima ang sentido. Sumakit ang ulo niya sa maghapong pagtatrabaho.
Sinilip niya ang kaniyang cellphone. Gusto niyang tawagan ang asawa pero pinipigilan niya ang sarili. Naiinis siya ngayon kay Harry kaya titikisin niya muna ito.
Sa lahat ng kakatagpuin niya sa India, bakit si Ivana Smith pa?
HUMINGA siya ng malalim. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Mahalaga ang pakay niya kay Ivana Smith.
Sa isa sa mga restaurant ng Taj Mahal Palace sila nagkita ng babae. Nauna siyang dumating kaya pinili niya ang dulong bahagi ng lugar na ito.
Her perfume is highly pleasing to the nose, ito ang unang napansin ni Harry habang papalapit sa kaniya si Ivana mula sa kaniyang likuran. "Harry!" Bumeso ito sa kaniya. "Have you ordered anything?"
"Not yet."
"Good. The chef here is my friend. I've asked him something wonderful, something worthy to remember," sabi niyang nakangiti at excited. Natahimik si Harry sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha ng babae. Hindi niya tuloy sigurado kung kakayanin niyang ilahad ang pakay niya rito. "Well, I mean,..."
"Yes, we have to celebrate this day. It's our last dinner together. It should be well-remembered," pagsang-ayon niya sa babae na ikinangiti naman nito.
Wala siyang planong bigyan ng pag-asa ang kaharap para sa muli nilang pagsasama. Ang totoo ay gusto niya itong bigyan ng proper closure kahit na hindi sila naging official na magnobyo. Gusto niyang ibigay sa babae ang katahimikan ng loob na nararapat nitong makamit.
Pinagmasdan niya ang babae. She got her bewitching beauty, as usual. Her seductive dress is sure to catch any man's attention. Her foxy body is really a come on. And her heart deserve to heal, naisip niya.
Habang kumakain sila ay halos pangiti-ngiti lang si Harry sa babae. Kinukumusta niya ang career nito, pati ang health ng babae. Hindi niya muna sinasabi ang talagang pakay niya rito. Gusto niyang matapos ang pagkain nila na nananatili sa happy mood ang babae.
Niyaya niya itong maglakad-lakad sa palibot ng hotel at pagmasdan ang panoramic view ng Arabian Sea at ng Gateway of India.
Humugot muna ng malalim na hininga ang lalaki bago niya hinarap ang kasama. "What were your thoughts when you first set your foot here?"
Tiningnan niya si Harry. "I was excited to see you," saka siya nagbalik ng tingin sa magandang tanawing umaaliw sa kaniya kanina. "But while we were eating, I somehow got the feeling of awkwardness, and I was asking myself why I am here, what's your real objective, and inside my head, I was guessing if I'm gonna walk out badly hurt,... broken." Napahawak siya sa dibdib.
Gusto niyang hawakan para aluin ang babae. Pero minabuti niyang manatili ang mga kamay niya sa loob ng kaniyang bulsa.
"When I first stepped here today, I felt its royal ambience. But when I was alone in my room, watching that beautiful scenery, I thought that I should have brought my wife."
Agad namang inalis ni Ivana ang paningin sa tanawing iyon. Hinintay niya ang anumang ilalatag ng lalaki na bomba sa kaniyang pandinig.
"I'm sorry, Ivana."
Hindi niya sigurado kung tama ba ang pagkarinig niya sa sinabi ni Harry. Baka nagkakamali lang siya. Hindi kaya nagiging too assuming na siya? Worse, baka nababaliw na siya kaya ang bagay na gusto niyang marinig ang naririnig niya ngayon.
"I hurt your feelings. I was not considerate of you. I was a jerk."
Kumpirmado na niya ngayon na nag-a-apologize nga sa kaniya si Harry. May kung anong malamig na bagay na humaplos sa kaniyang dibdib, dahilan ng kusang pagtulo ng kaniyang mga luha.
Agad niyang iniabot sa babae ang table napkin na kinuha niya kanina. Naisip niya kasing baka mapaiyak niya ito at hindi nga siya nagkamali.
Nag-aalangan man, pinahid na rin niya ang luha gamit ang napkin. Hindi pa rin niya magawang bumigkas ng salita. Naiiyak pa rin siya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Kung alam lang ng lalaking ito, sobra siyang nasaktan nang bigla na lang itong nagkaroon ng asawa. Hindi niya inasahan na papalitan siya nito ng ganoon lang. Ni hindi sila nagkatampuhan. Ni wala silang pinagtalunan. Masaya sila noon. Ibinigay niya ang lahat ng pagmamahal at atensyon sa lalaking ito pero pinalitan lang siya nang walang pasabi. Pakiramdam niya ay ginamit lang siya at itinapong parang basahan ni Harry Sy. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit nang ginawa ng lalaking ito sa kaniya.
"Pak!"
Nagulat siya sa nagawa niya. "I'm sorry, I didn't-"
"I deserve more than that," wika niya habang sapo ang pisnging sinampal nito. Lumapit pa siya sa babae. "You can try it again. It's the least I can do for you."
Gusto niyang ulitin pero nawalan siya ng lakas habang nakatingin siya sa mukha ni Harry. Hindi niya kayang muli itong saktan.
Humahangos sa paghinga ang babae habang hilam sa luha ang mga mata. "You've hurt me so badly, Harry!"
Tumango siya. "I know. I'm really sorry!"
"I wanted to kill you and your wife," wika niya sa garalgal na boses.
Niyakap niya ang babae. Hindi na niya pinigilan ang sariling aluin ito. Tinanggap niya ang mga suntok at hampas ni Ivana sa kaniyang braso at tagiliran habang umiiyak ito.
Nang mahimasmasan ang babae ay muli niya itong kinausap ng masinsinan.
"Ivana, I have a request, if it's not too much for you."
"What is it?"
"I will buy your condo unit and your car."
Natigilan si Ivana. Hindi niya makuha ang ideya ng kagustuhan ni Harry na bilhin ang properties niya.
"You're a businessman. My properties will just be liabilities to you. My car has been running for two years already. So, mind to tell me the truth?"
Wala siyang choice kundi ang ilahad ang dahilan niya. "I think that I should get those things away from you. I want you to fully recover from the pain I've caused you. I want you to forget me Ivana."
Napaisip ang babae. Matagal na nga siyang hindi umuuwi sa unit niyang iyon. Nagtutumining kasi sa isipan niya ang mapait na katotohanang iniwan siya ni Harry nang gayon na lang sa tuwing pumapasok siya bahay na iyon.
Maging ang kotse niya ay madalang na rin niyang gamitin kapag nasa Singapore siya. Puno kasi ito ng alaala ni Harry. Muli siyang napaluha. Muli niyang naramdaman ang sakit ng pag-iwan sa kaniya ni Harry matapos niyang umasa na magiging sila rin sa wakas.
"You loved that place," mahina niyang wika. Alam niya kasi na ang condominium unit na iyon ang pinakapaboritong pag-aari ni Ivana. But he still thinks na masyado itong napuno ng memories nila kaya mas makabubuting ibenta na lang ito ng babae.
Napatingin siya kay Harry. "Yes, I did. I still do." Bumuntunghininga siya. "It's true, I can still feel you there, that's why I chose the modeling stints that are based here."
Umaasa siya ngayon na pagbibigyan siya ng babae sa kaniyang request. Para naman kasi talaga ito sa babae, para makalimutan na siya nito nang tuluyan. "Give me time to decide."
Tumango-tango siya. Wala rin naman siyang balak na madaliin ito. Ang pangunahing pakay niya rito ay ang humingi ng dispensa dahil nasaktan niya ito.
Nang mapag-isa ay napatingin siya sa cellphone. Nalulungkot siya sa isipang may isang babae na naman siyang nasasaktan ngayon. Kung bibigyan lang sana siya nito ng pagkakataong makapagpaliwanag.