The Billionaire's Prize Wife

Chapter 10 Kidnapped



Nasa loob ng isang lumang garahe si Harry Sy. Nakaupo siya habang nakapiring ang mga mata at nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Basa na ang kaniyang damit ng pawis. Naririnig niya ang usapan ng kalalakihan sa paligid niya. "Contacting now, ready the camera," narinig niyang sabi ng lalaking nasa harapan niya.

Ilang saglit lang ay narinig niya ang boses ng kaniyang ama. "Harry!"

Siguradong nakikita siya ng kaniyang ama. Lalo na nang inulit pa nito ang pagtawag sa pangalan niya.

"Dad!"

"Do not try to find us, or this man will be dead. Never ever provoke us. We will not hesitate to cut him. He will suffer and die of blood loss."

"How much do you want so he can go home?" Alam niyang boses iyon ng kaniyang ama. As usual, hindi mahilig magpaligoy-ligoy si Samuel Sy. At gaya ng inaasahan niya at ng kaniyang kidnappers, mas pinahahalagahan ni Samuel Sy ang buhay kesa pera.

"I like you, old man. Very straight to the point. But I don't want to let him go this soon. I'd like to have some entertainment," wika ng kidnapper.

"What the crap are you talking about? My son is a businessman, not an actor. Let him go. How much do you want?" Halata ang pagngingitngit sa boses ng kaniyang ama.

Naaawa siya sa kaniyang ama. Ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob. Natatakot siyang baka itong kidnapping niya ang magpahamak sa kaniyang ama.

Harry coughed hardly to get the attention of the kidnapper. "Please let my old man out of this. Talk to my wife instead."

"Your wife? You have a wife? Since when did Harry Sy had a wife? I was not informed," tumawa pa ito in a sarcastic tone, and the rest of the gang echoed. "Don't waste your time, I want to go home. Contact my wife!"

NABABAHALA si Samuel Sy sa biglang pagputol ng live video connection mula sa kidnappers ni Harry. Nasapo niya ang nagsisikip niyang dibdib. "Dad!"

Agad siyang dinaluhan nina Cholo at Daniel. Binigyan siya ng kaniyang bunso ng tubig habang hinihimas ni Daniel ang kaniyang likod.

"Dad, let's talk to Jemima. She should know about this," wika ni Daniel sa ama.

"I'm calling her," sabi naman ni Cholo habang inaabot ang telepono.

"No! Don't call her. Tell her in person. She would need you there, so go to her now."

Inaalala naman ng kaniyang mga anak ang kaniyang kalagayan. "We can't leave you like this, dad. I'll stay with you," Cholo said.

"All right, I'll go," pagboboluntaryo naman ni Daniel. "Update me once the kidnappers will contact here," ang bilin niya sa kanilang bunso. Nagmadali siyang lumabas ng bahay. Tinawagan naman niya si Cohen habang pinupuntahan niya ang kaniyang hipag.

PINANLAMBUTAN ng mga tuhod si Jemima sa ibinalita ng kapatid ni Harry. Mabuti na lang at maagap siyang nadaluhan ni Daniel kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. "He's kidnapped?" Tila pagtatanong niya sa hangin.

Hindi siya makapaniwalang nakidnap ang kaniyang asawa bagama't napanood na niya ito sa news. Hindi niya akalaing maku-confirm niya agad ang katotohanan ng balitang iyon.

Ang alam niya ay tanging siya lamang ang kumakaaway kay Harry Sy. Pero ni minsan ay hindi niya ito pinagbalakan ng masama. Mabuting tao ang napangasawa niya.

Nanginig si Jemima sa isipang tila dinidinig siya ng masamang hangin. Gusto niyang parusahan si Harry Sy. Gusto niya itong gantihan sa ginawa nito sa kaniya. But not to the extent na ma-risk ang buhay nito. Ayaw din naman niyang mapahamak talaga ang lalaking kinaiinisan niya. After all, asawa na niya ito.

"Cool it down, ate," wika niya sa kaniyang hipag, pero maging siya ay pinanlalamigan na ng pawis.

Deep inside ay bumabangon sa kaniyang isipan ang kapahamakang maaaring kahinatnan ng kaniyang kuya. Mabuti sana kung tanggapin na lang agad ng kidnappers ang ransom money at agad nang pakawalan ang older brother niya. Pero gusto daw ng mga iyon ng entertainment. Ano kayang uri ng entertainment ang gusto nila? Nakailang lagok muna ng tubig si Jemima bago niya kinausap ang bayaw. Pinapayapa niya ang sarili.

"Did they demand a ransom?"

"No, not yet. The kidnapper seem to have a schemy plan." Gusto man niyang payapain ang kalooban ng kaniyang hipag ngunit hindi niya maitago ang pagkabahala sa pangyayari. "I just hope that they will release Harry soon."

"What plan? What do they want from us?" Napasapo siya ng noo. Bagama't gusto niyang kumalma pero tila hindi niya magagawa sa pagkakataong ito. Bahagi na siya ng pamilyang ito. At asawa niya ang nasa delikadong kalagayan ngayon. Of course, ayaw niyang may mangyaring masama sa kaniyang asawa lalo at naging mabait naman ito sa kaniya.

"I don't know. Perhaps we'll know today. Let' wait for their call."

Samantala, sa bahay ng mga Sy... ni-review ng mag-ama ang recorded video call kanina ng kidnappers ni Harry. Siya namang pagdating ni Cohen. Halata sa itsura nito ang pagmamadali sa pagpunta sa bahay ng mga Sy. "Sir!..."

Sinenyasan ni Samuel ang bagong dating na empleyado. Mataman nilang inoobserbahan ang bawat detalye ng naturang recorded video. Nakailang ulit din sila ng panonood sa video.

"Sir, I think I know what to do, if you'd let me."

Ipinaliwanag ni Cohen sa mag-ama ang kaniyang obserbasyon sa naturang video. "I think I know one of Harry's kidnappers. I just have to confirm it."

Sumang-ayon naman sa kaniya ang dalawa. Bumuo sila ng plano.

Si Jemima ang sunod na tinawagan ng kidnappers. "Hello?"

"We want ten million dollars from you tomorrow night. Don't inform the police nor your father-in-law. Only you can come."

"I don't have that much! I need the help of my father in law."

"It's your problem as his wife. See you tomorrow."

Pinutol na ng kausap niya ang linya. Hindi man lang siya binigyan ng chance ng kidnappers namakipag- negotiate.

Pinanindigan ng balahibo si Jemima. Wala siyang ganito kalaking pondo sa bangko. Nailagay na niya ang malaking bahagi ng pera niya sa investment. Paano niya maipo-produce ang hinihingi ng kidnappers sa maikling panahon? Hindi man payag si Jemima ay sinabi pa rin ni Daniel sa kaniyang ama ang mga narinig niya mula sa kidnappers ng kaniyang kuya.

"What's her plan?"

"As of now, dad, I don't know," ang sagot ni Daniel habang kausap ang ama sa telepono.

Saglit na nag-isip si Samuel bago nagdesisyon. "I'm waiting for Cohen. Let's wait for his report."

"Okay, dad. Are you sure we're not telling the police?"

"As of now. I hope we can resolve this soon." Ininom niya ang kaniyang gamot bago muling nagsalita, "stay by her side. She needs us."

"Yes, dad. I will."

Naaawa man si Daniel sa kaniyang hipag ay feeling helpless din naman siya. Gusto niyang may maiambag sa pagliligtas sa kaniyang kuya pero wala siyang maisip na gawin para dito.

Walang direksyong naglalakad sa loob ng kanilang sala si Jemima. Maya-maya ay natutulala. Iniisip niya kasi kung paano makakalikom ng ten million dollars na hindi siya pagdududahan ng mga tao. Ayaw niyang mag- leak ang tungkol sa ransom money, baka ikapahamak pa ito ni Harry.

"Sit down, ate." Iginiya niya ang hipag sa sofa. Sumunod naman ito sa kaniya. Ngunit napatulala ang babae nang makita ang picture frame ni Harry sa mesita.

'Kawawa naman siya. Baka binubugbog na siya doon.'

"Relax, ate. My brother is fine. I saw him when they called dad."

Napabuntunghininga ang babae. Hindi pa man sila nagkakamabutihang-loob ng kaniyang asawa ay nangyari na ito. 'Babawi ako sa 'yo. Magiging mabait na ako, kaya umuwi ka na.' Nagpapahinga ang dalawa sa sofa nang dumating sina Samuel. Agad silang nag-usap ng masinsinan.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

NANG muling tumawag ang kidnappers sa bahay ng bagong mag-asawa ay si Daniel ang sumagot. "Hello!"

"Where is Mrs. Sy? I'd like to talk to her."

"She's out of the country. Who is this?"

"Out of the country!? Why? Who is this?" sunod-sunod na tanong ng kidnapper.

"I'm Daniel, her brother-in-law."

"Where is Mrs. Sy? I demand to talk to her!" pasinghal na tanong ng kidnapper.

"She's having a vacation in the Philippines. Talk to her next year when she's back." "Next year?!"

Iyon lang at ibinaba na ni Daniel ang telepono.

NARINIG naman lahat ni Harry ang pinag-usapan ng kidnapper niya at ng kapatid niya. Nagtitigan sila ng mga kidnapper.

"Your wife is crazy. She really hates you, I guess."

Tumungo ng ulo si Harry. Ayaw na niyang marinig pa ang susunod na sasabihin ng mga kaharap. Sobrang masakit sa kaniyang ego ang ginawang ito ng kaniyang asawa. LULUGO-LUGONG pumasok si Harry sa condominium unit nilang mag-asawa ng gabing iyon. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya nang makita ang kaniyang ama na nakaupo. "Come in."

"Dad!"

"Sit down. How did you escape from the kidnappers?"

Pinanghinaan siya ng loob. Ayaw na niyang dagdagan pa ang kasinungalingan niya. "I did it all, dad," mahina niyang wika. Nahihiya siya sa kaniyang ama.

"I know. We knew."

"Sorry, I thought it could solve all my problems... I was thinking of you and mom."

Inilapit ni Samuel ang kaniyang mukha sa anak. "When I was kidnapped, your mom and I were already lovers. We had a big fight and she was giving up on me." Tumango naman si Harry sa narinig. "Yeah, there's a difference."

"Well, maybe you saw the spark in her eyes. If not, you wouldn't take risk, am I right?"

Feeling awkward man sa kanilang topic ay tumango uli si Harry. "I guess I was blinded by my interest.”

"Don't say that. Maybe the spark is not enough for now. Fetch her and do your best."

Natigilan si Harry. Kung alam na ni Jemima na peke ang kidnapping niya, ano pang mukha ang ihaharap niya sa kaniyang asawa? Lalo yatang naging mahirap ang kaniyang sitwasyon. "She doesn't know."

Nai-ESP yata siya ng kaniyang ama. Mabuti naman at hindi pala alam ni Jemima ang "kidnap me" scheme niya.

Pero may bumangong kurot sa dibdib ng lalaki. Bakit umalis ang kaniyang asawa habang nasa kamay siya ng mga kidnapper? Wala yata talagang halaga para kay Jemima ang isang Harry Sy. AYAW man niyang gawin pero natagpuan na lang ni Harry ang sarili na pumapasok sa lobby ng isang resort kung saan nag check-in ang kaniyang asawa.

Isang babaing nakasuot ng kulay kahel na two-piece swimsuit ang tuwang-tuwang nakikipaglaro ng volleyball sa kaniyang mga kaibigan ang dinatnan ni Harry sa may dalampasigan. Titig na titig siya sa kaniyang asawa habang hinahalikan ng araw ang balat nito. Bagay na bagay kay Jemima ang suot nitong panligo. Katititig kay Jemima ay tila nakalimutan na niya ang matinding hinanakit sa asawa.

Agad namang naipaalala sa kaniya ang naturang emosyon nang makita niya ang lalaking lumalapit sa asawa. Si Chester Singh.

'What is he doing here?'

Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kunot ang noong nilapitan niya ang asawa. Nang malapit na siya dito ay tinamaan siya ng bola sa ulo. Na-out balance si Harry, tiyempo namang napahawak siya sa mga balikat ng kaniyang asawa. "Sorry!" paghingi naman ng dispensa ng nakatama sa kaniya.

Ipinilig ni Harry ang ulo. Mahilo-hilo pa siya at kagagaling pa lang niya ng biyahe galing ng Singapore. Ngayon naman ay isang bola ng volleyball ang tumama sa ulo niya.

"Are you "

Hindi nakahuma ang lahat nang dumampi ang mga labi ni Harry sa mga labi ni Jemima. Hindi naman alam ni Jemima ang gagawin. Nanlaki ang mga mata ni Harry nang ma-realize niya ang pagdaiti ng kanilang mga labi. Sandali niyang pinakiramdaman ang reaction ni Jemima. Nang walang dumapong sampal sa kaniyang pisngi ay kumilos na ang kaniyang mga labi. Dinama niya ang unang halik sa labi nilang mag-asawa.

Hindi namalayan ni Jemima na napapikit siya habang hinahalikan ng kaniyang asawa. Hindi niya sigurado kung tumugon din siya. Hindi niya yata kakayanin ang kaniyang nararamdaman. Hindi siya sanay makipaghalikan sa harap ng mga tao. Hindi niya sigurado kung pinamulahan siya ng mukha o tila nababad sa suka dahil sa naging panunukso ng mga kasama.

"Grabe, halos kararating mo lang dito, sinusundo ka na agad?"

"Haba ng hair mo, day!"

Ngiti lang ang isinukli ng mag-asawa sa mga panunukso. Tanging si Chester lang ang hindi nangingiti.

Lumayo sila sa grupo. Magkahawak-kamay sina Harry at Jemima habang naghahanap sila ng medyo tagong lugar sa may dalampasigang iyon. Nang makapagtago sila sa isang puno ng niyog ay agad na bumitiw sa pagkakahawak si Jemima. "Why are you here?" paninita niya sa asawa.

"I'm fetching my wife. I'm bringing you back."

"What if I will not go with you?"

"You're my wife now. You belong to me. Why is Chester with you?"

"He wanted to come. He's a family friend, and your cousin, so why not?"

"Are you having an affair with him?"

Tinitigan niya ng masama ang lalaki. "Nothing that I do is important to you. All is fake from day one."

"Is our marriage fake?" Hindi niya sigurado kung ano ang hinihintay niyang sagot sa kaniyang tanong.

"Sadly, it's the only thing that's true."

Napahaplos sa sariling dibdib si Harry sa narinig mula sa asawa.

"But the rest are all lies! You're a master of treachery. Your kidnapping is fake. Our first marriage is fake. Now what?"

"What first marriage?" Saka lang niya naalala ang tungkol sa unang pinakasalan niya. "Was it you? The bride who got away?"

Pinamewangan lang siya ng babae. Halos hindi siya makapaniwala na ang babaing pinakasalan niya sa Singapore at sa Pilipinas ay iisa. Hindi na siya nagtataka kung paano napunta si Jemima sa Singapore nang panahong iyon. Hinabol niya ang naiinis na babae. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso.

"Hey, you kissed me back there. Were you faking it?"

"It was you who kissed me."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.