OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 23: KISSING SCENE



SORA

Matapos ang klase namin minabuti kong hanapin muna sila Dasuri. Base kasi sa kalkula ko tapos na ngayon ang audition nila. Dapat lang na alam na nila kung nakapasok ba sila o hindi sa music club.

Dala-dala ang aking mga libro, tinahak ko ang daan patungo sa music club room. Wala nang gaanong tao sa hallway, ang iba'y nagaalisan na roon. Matapos ang ilang minutong paglalakad. Napahinto ako dahil sa aking nakita. Paglabas nila ng pinto, tinawag ni Dasuri si L. joe at humarap naman ito sa kanya. Masigla siyang nilapitan ni Dasuri at saka niyakap nang mahigpit. Napahigpit ang hawak ko sa aking mga libro nang makita 'yon. Lalo na nang mapansin ko ang pamumula nang mukha ni L. joe.

Anong ibig sabihin nito? Talaga bang may gusto sya kay Dasuri?

"W-What are you doing?!" naulinigan kong usal ni L. joe. Mukhang nagulat sya sa ginawang pagyakap ng kaibigan ko. Pero kahit ganon, hindi sya gumawa ng paraan para alisin ito.

"Salamat ha, salamat kasi hindi mo ko sinukuan. Salamat at sinamahan mo ko handang sa dulo. Hindi talaga kita makakalimutan. Huhu." Mas hinigpitan pa ni Dasuri ang pagkakayakap dahilan para mapangiti si L. joe. Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya minabuti kong lapitan sila.

"Dasuri, L. joe, anong ginagawa nyo?" sabay silang napalingon sa'kin.

"Hello, Sora!" bati pa sa Akin ni Dasuri. Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Nakatitig lang ako sa posisyon nila ngayon. Mukhang nakaramdam si L. joe kaya sya na mismo ang tumulak kay Dasuri palayo.

"Congrats, I heard nakapasok daw kayo," pagbasak ko sa katahimikan. Ngumiti naman nang malapad si Dasuri nang marinig 'yon.

"Salamat! Salamat! Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit kami nagtagumpay. Diba L. joe? Mag-thank you ka rin sa kanya." Saad pa nito habang nakayakap na sa akin.

"Yeah, thanks!" tipid na usal ni L. joe. Tinanggal na ni Dasuri ang pagkakayakap sa'kin at hinarap kami. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Mukhang nagkasundo na kayo matapos ang ilang araw na pagpa-praktis?" pasimple kong tanong. Agad-agad namang umiling si Dasuri.

"Anong sabi mo? Nagpapatawa ka ba? Magkaaway parin kaya kami. Lalo ngang dumami 'yung issue namin mula nang magkasama kami ng ilang araw."

"Kung ganon, bakit naabutan ko kayong magkayakap kanina?" napatingin sa akin si L. joe nang masama. Mukhang hindi nya nagustuhan ang tinanong ko. Iniiwas ko lang tingin sa kanya.

"Thank you hug ko lang sa kanya 'yon. Saka farewell na rin. Dahil nakapasok na kami ngayon sa music club, wala na sigurong dahilan pa para........ mag-usap pa kami. Di 'ba mokong?" hinarap pa sya ni Dasuri para humingi ng kumpirmasyon. Nilingon naman sya nito habang nakakunot ang noo.

"You're so stupid."

Ipinasok nya ang kanyang kamay sa magkabilang bulsa at saka naglakad na palayo. Tinitigan lang sya ni Dasuri na may halong panghihinayang sa mga mata.

"Ang sungit talaga, kainis." Bulong pa nito.

Ako na ang nagkusang magbago sa usapan. "Oo nga pala, nandito na 'yung asawa mo. Mukhang nagsisimula na 'yung taping nila."

Muling nabuhayan ng dugo si Dasuri at masigla akong hinarap, "Talaga? Wew. Dapat ko na syang makita. Ibabalita ko sa kanya 'yung tungkol sa pagkapasok ko. Tara, puntahan na'tin sya! Dali!" hinawakan pa nya ang kamay ko para hilahin na palakad. Pinigilan ko naman sya.

"Sandali lang, pwede bang mauna kana? Dadaan pa kasi akong library." Nakangiti kong paalam rito.

Napakamot naman sya sa batok nya, "Aish. Sige na nga, basta sumunod ka ha? Sige, punta na ko 'don. Bye!" tumango lang ako bilang sagot. Nagmamadali naman syang umalis.

Nilagpasan pa nya si L. joe na huminto pa para lang titigan ang pagtakbo nya. Masama 'to. Mukhang nangyayari na ang mga bagay na hindi naman dapat.

DASURI

Pagdating ko sa isang kwarto kung saan kukuhaan ang susunod na eksena nila Kai. Nakapalibot na doon ang maraming estudyante na gustong makiisyoso sa mga nangyayari. Nandoon na rin ang mga staffs at cast ng programa. Sumingit naman ako para makalapit sa kanila.

"Oh' Mrs. Kim." Bati sa akin nung isang staff na humaharang sa mga estudyanteng lumalapit pa nang husto sa mga gamit at artista.

Nginitian ko naman sya, "Hello po, nandyan na po ba 'yung asawa ko?" masigla kong bati dito.

"Oo, mukhang kanina ka pa nga nya hinahantay. Lapitan na mo sya kung gusto mo." Iniusod nya 'yung isang railings para may madaan ako.

"Pwede po ba?" paninigurado ko pa.

"Oo naman po,"

"Salamat. Hihi."

Nilagpasan ko 'yung railings at masayang pumasok roon. Narinig ko naman ang bulong-bulungan ng mga estudyante. Yung iba naiingit, yung iba naman tinutuligsa 'yung pagkakaroon ko raw ng special treatment. Tss. Paki ba nila.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Hindi ko na lang sila pinansin at nagdire-diretsyo sa loob. Excited na kong i-kwento kay hubby ang tungkol sa magandang balita. I'm sure magiging sobrang proud sya para sa'kin. Ayiiee. Baka may libre pang hug. Ahihi.

Pagkapasok ko sa loob, nakita ko agad si Kai. Nakatalikod sya sa'kin dahil kausap nya si Hyena. Mukhang may masinsinan silang pinag-uusapan. Yayakapin ko sana sya sa likod para supresahin nang bigla kong mapahinto sa aking narinig. Para kong naistatwa pagkatapos 'non.

"Ano ba 'yung gusto mong pag-usapan na'tin?" tanong ni Kai.

"I just want to clear things para naman hindi tayo magkailangan mamaya sa kissing scene."

"Hindi na kailangan, malinaw na naman ang lahat sa atin."

"Really? Pero sa tingin ko meron ka pang hindi alam," napansin ko ang pag ngiti ni Hyena. Ano ba 'yung tinutukoy nya?

"Matapos kasi kitang halikan kahapon meron akong narealized na isang bagay. I like you Kai, I really really do. Wala kong pakialam kung kasal kana sa babaeng 'yon. Nabalitaan kong nagdivorce na kayo dati. Kung nangyari na sya nang isang beses hindi malabong maulit ito sa pangalawang pagkakataon."

"Kaya maghihintay ako, hihintayin kong dumating muli ang pagkakataong iyon. Kung hindi naman, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mangyari 'yon. Mark my words, Mrs. Kim." Nagulat ako nang marinig ang sinabi ni Hyena. Alam nyang nandito ko? Pero paano?

Napalingon naman si Kai sa likod nya at bakas sa mukha nito ang pagkabigla nang makita ko. Hindi ko alam kung paano ba kumilos. Masyado kong naguguluhan sa mga nangyayari. Si Hyena gusto nya si Kai? Narealized nya 'yon nung hinalikan nya ito? Pero paano? Hindi pa naman kinukuhaan 'yung kissing scene nila diba?

"Dasuri? Anong ginagawa mo rito?!" nagugulumihanan nitong tanong. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Magsasalita pa lang sana si Kai nang sumigaw na ang direk nila. "Magsisimula na tayo, Kai, Hyena, position na." Napansin ko pa ang pag ngisi ni Hyena bago umalis sa pwesto nya. Napailing naman si Kai. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil 'to. "Don't mind her, forget what she said."

Paano nya nasasabi 'yon nang ganon kadali? Paano ko naman makakalimutan ang mga sinabi nya kung sinampal na nya sa'kin ang kagustuhan nyang agawin sa'kin ang asawa ko? Hindi pa ko nahihibang para gawin 'yon. "Kai," tawag ulit sa kanya ni Direk.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Nandyan na po," usal nito. Nilingon nya ulit ako bago magsalita, "Maguusap tayo mamaya." Sabay bitaw sa kamay ko.

Agad-agad ko syang pinigilan sabay iling, "Hindi, ayoko."

Napatitig naman sya sa akin habang nakakunot ang mga noo. "Dasuri," tawag nito sa pangalan ko. Pero hindi, hindi 'yon nakakatulong. Hinarap ko sya at tinitigan sa mga mata. "H'wag mo na 'tong ituloy. H'wag mo syang hahalikan." Nagugulumihanan kong pahayag.

Hindi ako papayag na halikan nya ang babaeng 'yon! Ayoko!

Huminga ito nang malalim at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Pilit nyang pinagtama ang aming mga mata, "Look Dasuri, kung ano man 'yung narinig mo kanina. Please lang, h'wag mo nang palakihin pa. Nagusap na naman tayo about this di 'ba? Iba si Hyena, iba ka, ikaw ang asawa ko kaya wala kang dapat ikabahala. Ginagawa ko lang 'to para sa trabaho. I am yours already. So please, let me do this." He pleaded.

Hinalikan pa nya ko sa noo bago ako iwanan para puntahan ang babaeng 'yon. Nanatili naman ako sa pwesto ko habang nakatulala. Pakiramdam ko sinampal ako nang sampung beses sa ginawa nya.

Sapat bang dahilan 'yon para mapanatag ako? Sapat ba 'yon para manatili s'ya tabi ko? Gusto ko syang paniwalaan, gusto kong panghawakan ang mga salita nya. Kaso natatakot ako e. Natatakot akong kapag ginawa ko'yon, binibigyan ko na rin si Hyena nang pagkakataong agawin sa akin ang asawa ko.

Ayoko! Hindi ako papayag!

Nilingon ko si Kai na nakalapat ang dalawang kamay sa mesang pinagkakagitnaan nila ni Hyena. Nakatitig ito sa mga mata nang babaeng 'yon gaya nang paraan ng pagtitig na ibinibigay nya sa akin sa tuwing pinagmamasdan nya ang mukha ko. Ang sakit pa lang malaman na hindi na lang pala ako 'yung nagiisang babaeng kaya nyang titigan nang ganyan.

Akala ko kasi ako lang!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't balak silang lapitan. Ngunit isang kamay ang biglang humablot sa braso ko. Ginamit n'ya iyong way upang hatakin ako papalapit sa kanya. Ikinulong ako nito sa kanyang mga braso upang hindi ko makita ang paghalik ni Kai sa ibang babae.

"Tahan na, Di ako sanay na nakikita kang umiiyak." Bulong nito sa akin na lalong nagpalakas ng mga hikbi ko.

Sabi nya magkaiba kami, na ako lang ang mahal nya. Pero sa ginawa nya ngayon dapat pa ba kong maniwala? Ang sakit talagang maging tanga.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.