Melancholic Wife

Chapter k a b a n a t a 37



Farris' POV

Ilang beses akong bumabalik sa Saint Jude Hospital para lang tingnan ang kalagayan ng Abuela ni Jenissa. I disguised behind my grey cop and black mask. Pinalalim ko pa ang boses ko para lang hindi nila ako makilala. Kahit na alam kong magiging ka-boses ko si Jarris ay ginawa ko pa rin iyon para hindi ako makilala ni Jen.

Nang magkabanggaan kami malapit sa entrance ay iba ang tingin ko sa kaniya noon. I saw worries in her eyes.

Hindi ko inisip na aabot pala sa ganito si Jen. Hindi ko siya masisisi kung bakit napuno siya ng galit at puro paghihiganti ang layon niya.

She took my company. Nadala ako ng aking emosyon kanina kaya ko siya nasakal. Now, I am blaming myself because I was unable to control my anger. Nag-sisisi ako sa ginawa ko kanina. Sana humingi na lang ako ng tawad sa kaniya kahit na hindi niya ako patatawarin.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng BGC. Humihinga ako nang malalim bago at pagkatapos kong lagukin ang bawat laman ng lata ng alak.

Napatayo ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Humarap ako kay Jarris. Nakita ko kung gaano siya ka-frustrated.

"You are so useless, Farris! You can't even protect BGC against Jenissa!" sigaw niya sa akin.

Kinuwelyo niya ako at inangat niya ako mula sa lupa.

Marahas niya akong tinapon sa papag. Tumayo ako na parang walang nangyari.

"Sa una ay nagalit ako sa sarili ko, Jarris, bakit hinayaan ko si Jen na kunin ang kompanya sa akin! But you know what? Naisip ko na mas mabuti na mapasakaniya ang kompanya kay sa mapunta ito sa kamay mo," sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at agad niya akong sinuntok sa mukha ko. Nakita ko paano tumalsik ang dugo mula sa labi ko patungo sa papag. Ngumiti ako at tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.

"You can't do this to me, Farris! Nangako ka sa akin na magiging puppet kita!" sigaw ni Jarris.

"I am tired being your puppet, Jarris. Hindi ko na hahayaan pa na magiging balakid ka para lang makuha ko ang buhay na gusto ko. I want a peaceful life but I am certain that I will never have that while I am letting you control me," sabi ko sa kaniya.

Ilang taon akong nagpaalipin kay Jarris. Ngayon ay hindi na ako matatakot na kontrahin siya. Sumatutal ay wala na sa akin ang kompanya na gustung-gusto niyang makuha.

"You are a useless dang, Farris! Sana kasi ay ikaw na lang ang naaksidente noon nang sa ganoon ay ako na ang namahala sa BGC! It could be better if it was me, Farris!" Lumapit ako sa kaniya at paulit-ulit ko siyang tinulak.

"Alam mo ba na masyadong proud si Daddy sa akin? I proved myself that I deserve to be the chosen heir, Jarris! Nakikita ko kay Daddy na natutuwa siya at hindi siya nagsisisi sa decision niya! Sabi pa niya ay kung hindi dahil sa akin ay maaga nang nawala ang BGC sa kaniya! Thanks to his unplanned heir because BGC lived long," sabi ko sa kaniya.

Nang madikit na siya sa pader na hanggang baiwang lang ay naramdaman ko kung paano niya pinatigas ang katawan niya.

"That happened because you stole everything from me, Farris! Sinadya mo akong ihulog noon!"

"Ang tatanda na natin but you are still living to the world that is so old! Ilang beses na rin kitang sinabihan na mamuhay ka na lang sa abroad pero hindi ka nakinig sa akin. Gahaman ka, Jarris! You are evil! Dinadamay mo pa ako sa kademonyohan mo!" sabi ko sa kaniya.

Umatras ako at tumalikod ako sa kaniya. Lumakad na ako pero narinig ko paano niya kinasa ang kaniyang baril.

Lihim kong hinugot ang baril sa aking baiwang at agad ko rin itong tinutok sentro sa gitna ng kaniyang noo.

Palagi na akong may baril sa baiwang matapos niya akong tinutukan noon. Wala na akong pakialam kung kapatid ko siya. Siya nga ay hindi niya ako kayang iturin na kapatid. Huwag na siyang aasa pa na pagbibigyan ko pa siya dahil tapos na ako sa pakikipag-usap sa kaniya nang maayos.

"Alam mo na mas mabilis ang hintuturo ko sa pagkalabit ng dila nitong baril ko, Farris," paalala niya sa akin.

Inipon ko ang laway ko na may halong dugo sa loob ng bibig ko. Dinura ko ito sa kaniyang baril.

"Ano'ng gusto mo, Jarris? Mag-uunahan ba tayo sa pagkalabit? Ang mahuhuli ay siyang mamamatay?"

Naningkit ang mga mata ni Jarris dahil sa galit niya.

"Humanda ka na lang, Farris. Inagaw mo ang buhay na dapat ay sa akin. I am the real heir but you ruined it," aniya. "I will be back and make you pay for this!"

"Matagal na akong nakahanda sa ka-demonyohan mo, Jarris! Maging sa pagtulog ko ay hinahanda ko ang sarilili ko dahil alam ko na posibleng dadalaw ang kakambal kong magiging sanhi ng bangungot ko sa pagtulog!" Binaba ko ang baril ko nang umalis si Jarris.

Bumaba ako at agad na akong pumunta sa restroom para ayusin ang aking sarili. Mabuti na lang dahil maliit lang ang pasa na natamo ko mula sa malalakas na suntok ni Jarris. Parang nagkakalyo na rin kasi ang mukha ko dahil sa mga sapak niya at ni Daddy.

Kinaumagahan ay bumalik ako sa BGC. Pinatawag ko ang mga press na kakilala ko upang pormal na ianunsiyo na isasara na ang BGC.

The flashes of the cameras brushed my face. Nakita ko rin na naka-upo sa unahan si Jenissa pero hindi siya nakatitig sa akin.

Lumingon ako kay Aki. Mula pa kagabi ay hindi niya ako pinapansin. Sinabi ko sa kaniya ang rason pero hindi siya nagsalita. Narinig ko rin siyang umiyak pero hinayaan ko na lang siya at baka maging simula pa ito upang mag-away kami. "Mister Bennett, sigurado na po ba kayo sa inyong desisyon?"

I cleared my throat. It is so hard for me to make a smile but still, I faked one.

"Kahit ako ay hindi makapaniwala na ang isang matayog at kilalang kompanya ay basta-basta na lang mawawala sa larangang ito. I am sorry but my decision is final," tugon ko.

"Mister Bennett, paano naman ang inyong mga impleyado. There are thousands of people that will lose their job. Hindi ba kayo naaawa sa pamilyang bubuhayin nila?"

"I am Farris Bennett and I know what I am doing. Hindi porket pinasara ko ang kompanya ay hahayaan ko ang mga taong nagtatrabaho para sa akin. May matatanggap silang pera mula sa akin at hindi pa kabilang ang benefits na makukuha nila bilang empleyado ng BGC."

"Mister Bennett, ano po ang masasabi niyo sa usap-usapang ginamit niyo sa kampanya ang mga perang nawala sa BGC?"

I swallowed.

"That is none of their business. Kung totoo man iyon ay hindi ko ito pinagsisisihan dahil alam ko na marami akong natulungan."

"How about this, Mister Bennett? Sinasabi po ng iba na baka may kinalaman kayo sa pagkamatay ng dati niyong Misis kaya naman po ay binabalikan na kayo ng karma. Ano po ang itutugon niyo sa mga taong ito?"

Dumako ang titig ko kay Jenissa. Wala siyang kibo at nakatulala. Malalim ang kaniyang iniisip. She is physically here but mentally away.

"Lahat ng kompanya ay aabot at aabot sa ganito. Hindi lang naman siguro ako ang nagpasara ng kompanya, Miss Reporter. Alam ko na marami pa ang mga tulad ko na pipiliing isara ang kompanya kay sa panatilihin ito at malulugi lamang sa pag-finance. Karma? Well, kung may guilt man ako sa pagkamatay ni Jenissa ay ako lang ang magdurusa at hindi madadamay ang iba," sabi ko na nakatitig kay Jenissa na blangkong nakatanaw sa malayo.

Nagulat ang mga tao nang tumayo si Aki.

"Baby!?" bulong kong pagtawag sa kaniya.

Dumaan siya sa aking likod kaya naman ay nagkaroon ako nang pagkakataon para abutin ang pulso niya.

"Hayaan mo ako, Farris. Kung hindi mo kayang trabahuin ang babaeng ito puwes hayaan mo ako at bibigyan ko lang siya ng leksyon," sabi niya.

Humarap ako sa kaniya. Tumayo ako upang harangan siya.

"Stop this, Aki. Maraming tao ang makakapanood sa atin kapag ginawa mo ang bagay na iyan."

Pumiglas siya at masama siyang nakatitig sa akin.

"Aalis ka o susuntukin ko ang bata sa sinapupunan ko? Mamili ka lang ng maayos, Farris," walang emosyon niyang sabi.

I sighed out of frustration. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinatingin siya sa akin.

"Huwag mong idamay ang bata, Aki. Please," bulong ko sa kaniya.

"Then, get out of my way," sabi niya.

She is about to punch her tummy, that's why I stepped aside.

Nagbulungan ang mga reporter na nasa loob ng Conference Room.

Isang malakas na sampal ang ang ginawad niya kay Jenissa.

"Off your cameras," umuugong na sigaw ko.

Lumapit ako sa kanilang gawi. Tumayo si Jenissa. Halatang nagulat siya sa sampal ni Aki.

"Ito! Itong babaeng ito ang may kasalanan kung bakit nawala sa amin ng asawa ko ang BGC!" sigaw ni Aki.

"Aki, stop," awat ko sa kaniya.

Pumiglas siya at agad niya akong tinulak. Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa nangyari. People are murmuring about the scene Aki created.

"Reporters! Ireport niyo na ninakaw ni Albana Armano ang mga investors namin para makuha niya ang pinakamalaking parte sa aming kompanya! Nang nagtagumpay siya ay agad niyang pinaalis ang asawa ko sa posisyon nito. This woman is a thief-"

Napatulala si Aki nang sinampal siya ni Jenissa. Natahimik din ang mga tao nang makita ang ginawa ni Jenissa.

"Subukan mo pa akong tawaging magnanakaw, Jackielou. I dare you! Isa pang 'thief' na mula sa iyo at makikita mo kung ano ang hinahanap mo!"

Nanatiling nakahawak si Aki sa kaniyang pisngi na salitang sinampal ni Jenissa. Wala akong nagawa. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang ipagtatanggol ko sa kanilang dalawa. Nalilito ako kung sino sa kanila ang papanigan ko.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tumitig si Jenissa sa akin. Lumuha ang kaniyang kabilang mata dahil sa malakas na sampal ni Aki sa kaniya kanina.

"Awatin mo ang asawa mo kung ayaw niyang mapahiya sa loob ng silid na ito," sabi ni Jenissa.

Inabot ko ang kamay ni Aki at hinila ko siya papunta sa aking gawi.

"Let me go, Farris!" sigaw niya sa akin.

Natahimik ako nang sigawan niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at kumati ang mga kamay ko. Para bang sinasabihan ako ng utak ko na saktan ko si Aki dahil sinigawan niya ako. I calmed myself through breathing deeply. Lumapit siyang muli kay Jenissa at akmang sasampalin niya ito. Naging mabilis ang pangyayari. Sinalo ni Jenissa ang kamay ni Aki at malakas niya itong tinulak kaya naman ay natilapon si Aki sa aking gawi. Mabuti na lang dahil nasalo ko siya. Kung hindi ko siya nasalo ay baka napuruhan na ang kaniyang puwet at maaari itong sanhi ng pagkalaglag ng bata sa sinapupunan niya.

"What's happening here? Hindi ko inakala na ito pala ang ugali ni Jackielou."

"Mabuti nga sa kaniya. Naturuan na rin siya ng leksyon."

Walang sinuman ang nakagalaw sa ginawa ni Jenissa. Hinablot niya ang kaniyang baril mula sa kaniyang bag at agad niya itong tinutok kay Jackielou.

"Nagtimpi ako sa ugali mo noon, Jackielou. But not this time and anymore! Baka nakalimutan mo ang ginawa mo sa amin ni Rev? Pinahabol mo kami sa mga tauhan mo at pinagbabaril ang sasakyan namin!"

Maging ako ay nagulat sa ginawa ni Aki. Hindi ko alam ang bagay na iyon. Ni hindi niya nga ako sinabihan tungkol sa plano niyang iyon.

Tumayo si Aki. Tumingin siya sa paligid.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng babaeng ito! Baliw siya! Nababaliw na siya!"

Tinaas ni Jenissa ang hamay niyang may hawak na baril at kinalabit niya ito ng ilang beses.

"Aaaah!" halos sabay na sigaw ng mga tao.

Napayuko kami maliban kay Jenissa na nagpaputok ng baril. Nakita ko ang takot sa mga mata ng mga taong naririto sa loob ng Conference Room. Ramdam ko rin ang panginginig ni Aki nang humawak siya sa akin. Binalik ni Jenissa sa gawi namin ni Aki ang pagtutok ng baril. Hindi ko siya nakitaan ng pagdadalawang-isip sa kaniyang ginagawa.

"Sino sa atin ang baliw, Jakie? Ako, kaya kong harapin ang mga desisyong ginawa ko sa buhay kahit na alam kong maaagrabyado ako. Hindi ka na bata para mag-kunwari pa na hindi mo nalalaman kung ano ang mga nangyari sa paligid mo. Ang tanda-tanda mo na pero ang OA OA mo!"

"You are crazy!"

Lumapit si Jenissa sa aming gawi. Yumuko siya at tinutok niya sa ilalim ng leeg ni Aki ang baril. Nakisabay sa pagtayo si Aki kay Jenissa.

"Bukod sa maniningil ka at baliw ako, ano pa ang mga linyang alam mo?"

Malakas niyang tinulak si Aki.

She was so simple before. Her eyes are full of frights. Hindi siya halos makatitig sa aking mga mata noon. Ang Jenissa na nakatayo sa harapan ko ngayon ay iba na. Marahas at walang kinatatakutan.

Ako ang gumawa ng demonyo sa loob niya. Ako ang dahilan kung bakit siya naging ganito. It was all because of me.

"Ninakaw mo ang kompanyang ito, Albana! You are a dirty gamer!" hindi paawat na sabi ni Aki.

Napapikit na lang ako nang muling nagpaputok si Jenissa.

"Iba ang ninakaw sa binili, Jackielou. Binili ko ang kompanyang ito kaya akin na ito! Wala akong ninanakaw," sabi ni Jenissa.

Nakasulyap lang ako habang nilalamon ng distansiya ang katawan ni Jenissa.

Walang gustong umimik kahit na nakaalis na si Jenissa.

Tumayo ako at hinila ko palabas ng Conference Room si Aki.

"Let go of me, Farris!" sabi niya sa akin.

Hindi ako nagsalita. Dinala ko siya sa elevator at agad na pinindot ang button papunta sa basement.

Patuloy lang ako sa pagkaladkad sa kaniya hanggang sa makalabas na kami mula sa elevator. Dinala ko siya sa sasakyan. Binuksan ko ang pintuan at sapilitan ko siyang pinapasok sa loob.

Pumasok na rin ako. Agad kong pinaandar ang makina at ilang saglit lang ang lumipas ay agad na akong nagmaneho.

"Stop the car! I will find that woman and sue her!"

Binigla ko ang pagpreno kaya ay nagulat si Aki. Gumulo ang buhok niya dahil sa pagpreno ko.

"And what? Ano ang gagawin mo kapag nakita mo siya? Makikipag-away ka? You are always a loser when she fight back, Aki!"

Sinampal niya ako kaya ay napalingon ako sa kabilang banda.

"Hindi ako magpapatalo sa kaniya! Kaya ko siyang talunin pero humahatang ka at palagi mo na lang siyang pinagtatanggol!" nakaturo niyang sabi. "Alam mo ba kung bakit nawala ang BGC sa iyo? Because you are useless! Hindi mo ito inalagaan ng maayos! Isang hamak na babae lang ang nakakuha nito sa iyo! Sa simula pa lang ay binalaan na kita tungkol sa kaniya! Ahas siya! Ahas siya! Nag-papasok ka ng hayop sa kompanya mo, Farris!"

Uminit ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ko kontrolado ang kamay ko kaya ay bigla nitong hinatak ang braso ni Aki.

"Huwag mong isisi sa akin ang bagay na iyan, Aki! BGC won't slip out of my hand if you did not interfere and kill Jenissa! Ako ang bumabayad ng mga blackmailer mo, Aki! Halos ilang milyon na ang nawala sa akin dahil sa ginawa mong iyon!" sabi ko sa kaniya.

Tumitig siya sa mga mata ko.

"Baliw ka ba? Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi sa akin na dapat mawala sa landas natin ang babaeng iyon? You promised me to clean that mess pero wala kang ginawa. Mabuti na lang dahil pinatumba ko na siya." Nakipagtitigan siya sa akin. "Huwag kang magmalinis, Farris! At sandali nga lang, bakit parang ako lang ang dinidiin mo sa nangyari? Baka nakalimutan mo, Farris, na ikaw rin mismo ang dahilan kung bakit ko pinatay si Jenissa. Actually, hindi lang ako ang killer dahil pati ikaw ay sangkot sa nangyari," sabi niya. "Dalawa tayong pumatay sa kaniya! Kung mamamatay tao ako ay mamamatay tao ka rin!" dagdag niya.

"Sinasabi ko lang sa iyo na wawalain natin si Jenissa pero hindi sa ganoong paraan," sabi ko sa kaniya.

Pumiglas siya at nakita ko na nasasaktan siya. Naisip ko bigla ang bata sa sinapupunan niya at baka mapaano ito. Ayaw kong mawala sa akin ang anak ko. Kahit na galit ako sa nanay niya ay hindi ko siya dapat na idamay dahil inosente siya. Pinakawalan ko siya alang-alang sa anak ko.

"Are you telling me now that you loved her? Tama ba ako, Farris? Sinasabi mo ba na minahal mo siya noong naging asawa mo siya!?"

"Oo! Oo! Oo! Minahal ko si Jenissa dahil hindi niya ako kailanman pinilit na makuha agad ang mana ko kay Daddy! Minahal ko si Jenissa dahil nanatili siya sa tabi ko kahit na pinahihirapan ko s-siya!" Pumiyok ako sa bandang huling mga salitang sinambit ko.

Tama! Mahal ko si Jenissa! Ayaw ko na maging alipin pa ng kahit na sino. Hindi na ako magpapapigil pa sa iba.

"W-What?"

"Oo, Aki! Minahal ko si Jenissa! Ano? Kontento ka na ba sa mga narinig mo? H-Hindi ko lang siya minahal, Aki, kasi hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin siya!"

Nakita ko na lumuha si Aki dahil sa sinabi ko.

Napatitig ako sa salamin at nakita na umiiling ang sarili kong repleksiyon. Sinasabi nito sa akin na hindi iyon ang dapat kong sabihin. Hindi ko dapat saktan si Aki dahil siya ang totoo kong mahal. Yumakap sa akin si Aki.

"No! D-Don't say that, Farris! Ako lang ang mahal mo! Dapat ako lang, Farris! H-Hindi mo siya mahal!"

Bigla akong nakaramdam na para bang sinasakal ako. Sumakit ang ulo ko dahil galit na nakatitig sa akin ang repleksiyon.

Pinipilit niya akong mag-salita at yakapin si Aki. Taliwas ang gusto ko sa ginawa ng mga kamay ko. Bigla kong niyapos at niyakap si Aki kahit na hindi ko naman ito kagustuhan.

Halos mamugto ang ugat ko dahil pinipigilan ko ang sarili kong magsalita. Gayunpaman ay napilitan akong ibuka ang aking bibig upang bumitaw ng mga linyang hindi ko gustong sabihin. "Sorry! Nabigla lang a-ako, Aki! Sorry! T-That was because of my anger! H-Hindi ko siya mahal! I-Ikaw lang ang mahal ko, Aki! I-Ikaw lang!" nagpipigil kong sabi.

"Huwag mo na akong sigawan, Farris. Kawawa kami ni baby. Hindi kami puwedeng masaktan," aniya.

Kung nakipaglaban pa ako sa repleksiyon ko ay tuluyan na siguro akong nalagutan ng hininga.

Ilang minuto pa bago ako nabalik sa katinuan ko. Nang nahimasmasan ako ay nagmaneho na ako pauwi sa bahay.

Wala kaming imikan ni Aki. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi pero alam ko sa puso ko na rito na tumigil ang pagmamahal ko sa kaniya.

Tiyak na akong si Jenissa ang mahal ko at gagawin ko ang lahat para makasama siyang muli. Kahit na ang mundo ang magiging kalaban ko ay makikituos pa rin ako alang-alang kay Jenissa.

Ang bata na lang ang iniisip ko pero hindi na si Aki. Obligasyon na lang ang mayroon ako kay Aki at iyon ang magiging anak ko sa kaniya.

I have to see my doctor in order for me to totally get rid of my other self. Hindi ko hahayaan na pipigilin pa ako ng isang katauhan ko na mahalin si Jenissa. Desidido na akong gawin ang plano ng doktor ko para matapos na ang lahat.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.