Chapter 7: Pagkatao ni Blue
"HEY!" Masayang bati ni Yosef kay Blue nang mamataan ito. Ilang gabi na rin siyang tumatambay doon at nagbabakasakali na makita muli ang babaing gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang linggo. "Miss me?" Nakangiti ngunit matamlay ang mukha ng dalaga.
"What's wrong?" May pag-aalalang tanong ni Yosef sa dalaga. Nakasuot ito ng makapal na Jacket at may saklob na nakasuot ngayon sa ulo nito.
"Mapagbigyan mo ba ako sa hihilingin ko kung sakali?" Malungkot na tanong ng dalaga za binata.
"Bakit ganyan ka kung magsalita? Para ka naman namamaalam." Biro ng binata pero nakaramdam siya ng kaba. Naiisip pa lang niya ay nalulungkot na siya.
"I'm dying!"
Maiksi at mahinang salita pero parang bombang tumama sa pandinig ng binata.
"Huwag ka naman magbiro nang ganyan-"
"I'm serious!" putol nito sa iba pang sasabihin sana ng binata.
Awang ang bibig at hindi makapaniwalang napatitig su Yosef sa mukha ng dalaga.
"Mahaba na ang limang buwan na taning ng doctor sa akin." Patuloy nito nang hindi na nakapagsalita si Yosef.
"Why? I mean, how?" tuliro ang isip ng binata, hindi alam kung ano ang dapat itanong sa dalaga.
"I have a brain cancer," mapait na ngumiti ang dalaga sa kaharap.
"Pero yong huli nating pagkikita nakaraang linggo ay ang ganda pa ng kalusugan mo? hindi pa rin makapaniwala ang binata sa naririnig at sa nakikita ngayon. Mukhang bigla na naman bumagsak ang katawan ng dalaga. "She's my twin sister."
"What? Pinaglalaruan mo ba ako? Ano ang motibo mo sa pakipaglapit sa akin?" iba na ngayon ang tinatakbo ng isip ng binata.
"I'm sorry, I like you from the very first time nang makita kita. Believe me or not, wala akong balak na masama sa iyo. Masaya akong lilisan sa mundong ito dahil sa iyo kung mapagbigyan mo ang aking kahilingan." Para namang natauhan si Yosef sa narinig na paliwanag ng dalaga. Nakalimutan niya na may sakit ito.
"I'm sorry kung nag-isip ako ng hindi maganda sa iyo. Aaminin kong masaya ako na kausap ka at nakakasama kahit hindi ko alam ang tunay mong pagkatao o pangalan."
"My name is Devine Marie, ang nakausap mo noong nakaraan ay ang aking kakambal. Tulad ng sabi ko, may intensyon ako sa pakipaglapit sa iyo at iyon ay para sa aking mahal na kapatid." Nalungkot ang dalaga sa pagkaalala sa kakambal. Pamilyar may Yosef ang pangalan ng dalaga ngunit hindi na lamang pinagtuuan ng pansin iyo.
"Kaya pala iba ang ugali niya noong mag-usap kami. Mas mabait ka kaysa kanya." Nakangiti na ngayon si Yosef pagkaalala sa katarayan ng kapatid nito.
"Naku, diyan ka nagkamali," umiiling na kontra nito sa pagkakilala sa kanyang kapatid. "Mas mabait siya keysa sa akin. Kaya ganoon ang pinakitang ugali sa iyo dahil ayaw ka niya para sa akin."
"Really? Bakit naman ayaw niya ako para sa iyo?" naaliw na naman ang binata sa pakipagkwentohan dito. Nakalimutan na ang sakit ng dalaga.
"Arogante ka daw at hindi kuntinto sa isang babae, mapaglaro ng damdamin at hindi maginoo."
Napakamot ng batok si Yosef, hindi niya maipagkaila na totoo ang impression sa kanya ng kapatid nito. "Pero maginoo naman ako lalo na sa kama!" kontra ng kanyang isip at hindi maisatinig. "Mukhang maging siya ay stalker ko rin katulad mo?" Tinukod ng binata ang sariling baba sa kamay na nakapatong sa lamesa.
"Parang ganoon na nga dahil ang alam niya ay mahal kita ng sobra at gusto niyang malaman kung nararapat ka ba sa akin o hindi." Tumawa ng pagak ang dalaga.
"Alam ba niya na may sakit ka?" Bumalik ang kaseryosohan sa mukha ni Yosef.
"No," mahina ang tinig na umiiling ng marahan. "Ayaw ko siyang makita na nasasaktan. Ayaw ko rin na makita niya ako kapag dumadaing sa sakit." Nakayuko ang ulo na sagot ni Marie.
Hindi alam ni Yosef kung paano e-comfort ang dalaga. Ramdam niya ang bigat ng kalooban na dinadala nito.
"Gusto ko masiguro na masaya siya at may taong magmamahal sa kanya, na makakasama niya hanggang sa pagtanda bago ako mawala sa mundong ito." Lumuluha na tumingin si Marie sa kaharap at nakikiusap ang mga titig dito. "Pero hindi ako ang tao na dapat mo nilapitan for her. Tama siya na isa akong arogante at babaero." Nabasa na ni Yosef ang nasa isip ng kaibigan kung bakit ito nakipaglapit sa kanya.
"Alam ko na mabuti kang tao at magbabago ka rin sa pagiging babaero kapag lumagay na sa tahimik na buhay hindi ba?" umaasa na tanong ni Marie.
"Yes, kung mag-asawa man ako ay siguradohin ko na mahal ko siya at ayaw ko ng broken family kung sakali. Kaya nga nagpapakasawa ako sa buhay ko ngayon dahil hindi ko pa nahanap ang magpapatino sa akin." Pakatotoo na sagot nito sa dalaga.
"Maari mo bang e-consider ang aking kapatid sa choices mo? Ayaw ko siyang mamuhay mag-isa hanggang sa pagtanda. Sino ang mag-aalaga sa kanya kung wala na ako?" malungkot na wika ni Marie.
"Wala ba kakayahan ang kapatid mo mamuhay mag-isa at ganyan na lang ang pag-aalala mo sa kanya?" Napakamot sa batok si Yosef at naiipit siya ngayon sa sitwasyon.
"Lumabas lamang siya ng Kumbento dahil sa mga excuses na ginawa ko."
Napatanga si Yosef, hindi makapaniwala na sa ganda niyon ay magmamadre. Naisip na sayang nga kung matuloy ito sa pagka Madre.
"Paano iyan, ayaw niya ako para sa iyo, para sa kanya pa kaya?"
Napangiti si Marie sa binata, sa hitsura nito ngayon ay mukhang nanghihinayang ito na maging Madre ang kapatid.
"Ipangako mo na hindi mo siya pababayaan at bantayan mo siya para sa akin please!" Hinawakan ni Marie ang kamay ng binata na nakapatong sa taas ng lamesa.
Kinilabutan si Yosef nang maramdaman ang kamay ng kaharap dahil ang lamig. Hindi nga maipagkaila na may sakit ito at malapit nang pumanaw.
"Parating siya ngayon upang makilala mo. Patawarin mo ako dahil marami akong ginawa gamit ang katauhan niya upang mapalapit sa iyo at mapaglapit ko kayong dalawa."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nagugulohang tanong ng huli, "ginugulat mo naman ako sa kalagayan mo maging sa katauhan ng kapatid mo."
"Hindi niya ako maaring makita ngayon dahil mahalata niyang may sakit ako. Ito ang numero ko, mag-usap tayo pagkatapos mo malaman ang tungkol sa kanyang tunay na personalidad." Matalinghagang bilin ng dalaga at inabot sa kanya ang kapirasong papel.
"Wala siyang alam sa ginawa kong ito kaya sana huwag mo siyang husgahan. Hindi niya rin alam na narito ka ngayon. Kung may kailangan kang itanong tawagan mo lang ako." Dugtong pa nito at nagmamadaling umalis na. Hindi pa nakabawi si Yosef sa mahabang bilin ng babae ay naulanigan na niya ang boses ng babae na nagtatanong sa suki nilang bartender. Kahit hindi pa niya ito lingonin ay alam niya na ito na ang kakambal ni Blue. "Sir may naghahanap kay Miss Blue, sasabihin ko ba na kakaalis lang niya?" Bulong ng Bartender kay Yosef nang palihim itong lumapit sa kanya. Naibilin umano dito ni Blue na kapag may naghanap dito ay itanong muna sa kanya. "Where is she?"
"Nasa kabilang table, Sir, pinaupo ko muna roon." Turo ng bartender sa babaing nakatalikod mula sa kinauupoan niya.
Kunot ang noo na nakatingin sa babaing nakatalikod. Tumayo ito na tila naiinip. Nakapantalon jeans ito na hindi gaano hapit sa binti at may kaluwagan ang t-shirt. Masasabi niyang hindi nga liberated ang babae manamit. Ramdam ni Joy na may nakatingin sa kanya kung kaya napalingon siya. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagkagulat nang magtagpo ang kanilang mga mata. Salubong ang kilay at nanliit ang mga mata ni Joy nang makilala si Yosef. Samantalang si yosef ay napamulagat ang mga mata at hindi makapaniwala nang makilala si Joy.
"Darn! Ano itong ginawa mo sa akin, Blue?" napamura sa isip ang binata. "Kaya pala pamilyar ang boses niya sa akin nang gabing iyon? At si Mark? Ah fuck!" Napahilot sa sintido ng noo si Yosef at hindi na namalayang nakalapit na sa kanya ang dalaga.
"May kasama ka bang babae dito?" tanong ni Joy sa amo, alam niyang ito lang ang kinakatagpo ng kapatid sa lugar na iyon. Nakaramdam na naman siya ng tampo sa kapatid dahil hindi siya sinipot. Kausap niya ito kanina at gustong doon sila magkita na alam naman nito na ayaw niya sa lugar na ito pumunta muli.
"Sinong babae?" maang maangan na balik tanong ni Yosef dito. Kailangan niya pagtakpan muna ang kapatid nito ngayon. Mamaya na niya uusigin si Blue sa paglagay sa kanya sa alanganing sitwasyon.
Nang-aarok na tingin ang ipinukol ni Joy sa binata. Hindi naman ito umiwas ng tingin at nakipaglaban pa ng titig sa kanya kung kaya naisip na wala nga yata itong alam sa pagpunta niya roon. "Bakit ka ganyan kung makatingin?" pinalaki pa ni Yosef ang mga mata.
"Eh ikaw, bakit nanlalaki iyang mga mata mo at butas ng ilong? Nagsisinungaling ka noh?" Tinanggal pa ni Joy ang suot na eyeglass at pinaningkitan ng mga mata ang binata.
Para naman nalulon ni Yosef ang sariling dila nang matitigan ang mga mata ng dalaga na walang suot o nakatabing na makapal na antipara. Kung noon pa ito walang suot na salamin ay tiyak na napansin na niya ang pagkahawig nito kay Blue. "Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Pagsusungit ng huli upang maitago ang tunay na saloobin.
"Bingi ka na ba ngayon?" Nakasimangot na sinuot muli ang salamin sa mata.
"Ikaw, kahit kailan ay istorbo! Ano ba ang ginagawa ng isang tulad mo na manang sa lugar na ito? Umuwi ka na at hindi ka bagay dito." Naging arogante na naman ito nang hindi sinasadya. Gusto lamang niyang makaiwas ngayon sa mga tanong ng dalaga dahil maging siya ay nangangapa pa sa sitwasyon.
Parang gusto niya itong habulin at humingi ng sorry nang tumalikod na ang dalaga at bakas sa mukha nito ang lungkot at sama ng loob. Alam niya na malungkot ito dahil hindi nakita ang kapatid at dumagdag pa siya.