Chapter 22: Resignation letter
"GOSH lalong gaganahan sa pagpasok ng trabaho ang karamihan ngayon dahil si Sir Mark Philip na ang mamahala dito!"
Dinig ni Marie na tili ng isang employee sa hotel. Break time nila at kanya-kanyang umpokan sa lamesa ang bawat grupo. Sa kanyang pwesto ay tanging si Mhai lang ang kanyang kasalo sa pagkain. Marami ang gustong manligaw sa kanya sa unang araw pa lang ng pasok niya doon ngunit wala siyang natipuhan sa mga ito.
"Dinig mo iyon? Tama nga ang narinig ko kahapon na chismis na si Sir Mark ang maging big boss na natin dito." Niyugyog pa nito ang balikat ni Marie dahil tila ito nahipan ng hangin at tulalang nakatingin sa kanya.
"Kailangan ko na yatang tapusin ang bakasyon ko dito," ani ni Marie at napakurap sa harap ng kaibigan.
"Huh, bakit naman?" Nakalabi na tanong ni Mhai. Alam niya na nagbabakasyon lamang ang kaibigan doon at sinubukan ang magtrabaho bilang paglilibang sa sarili.
"Naisip ko lang na kailangan ko nang bumalik para maalalayan ang aking kapatid sa kanyang pagbubuntis." Pagsisinungaling nito sa kaibigan.
Hindi na naintindihan ni Marie ang iba pang sinasabi ni Mhai nang marinig muli ang sinabi ng babae mula sa kabilang table
"Totoo bang nakita mo si Sir Mark kanina?"
Naging matalas ang taenga ni Marie sa pakikinig sa pinag-uusapan ng mga chismosa.
"Oo, grabe ang pogi talaga at ang sarap siguro niyang makatabi sa kama!" Kinikilig na sagot ng isa.
Napalunok ng sariling laway si Marie sa narinig. Biglang pumasok sa isip ang nangyari sa kanila ng binata, isang taon na ang nakaraan.
"Hoy, bakit ka namumula?" Puna ni Mhai sa kaibigan nang mapansin ang pag-blush ng makinis na pisngi nito.
"Huh? Ahm maanghang pala itong kinakain ko. Mauna na ako ha, hindi ko gusto ang lasa ng pagkain." Pagdadahilan niya sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit tila biglang uminit ang kanyang pakiramdam at kumabog ang dibdib nang maalala ang gabing iyon.
"Hindi naman maanghang ah?" may pagtatakang naibulong ni Mhai nang matikman ang pagkaing naiwan ng kaibigan.
"Ano na ang gagawin ko? Baka mamukhaan niya ako at maalala ang gabing iyon? Baka isipin niya na napakababa kong babae." nanlulumo na tanong ni Marie sa sarili.
"Malabo na makilala ka niyon o matandaan ang mukha mo dahil ang tagal na nangyari iyon. Isa pa ay lasing siya ng gabing iyon at ibang-iba ang mukha mo noon dahil sa kapal ng iyong make-up." Sagot ng isang bahagi ng kanyang isipan. "Ano ba ang pinag-alala mo kung maging mababa ang tingin niya sa iyo? Marami na ang nakipag-one night affair sa panahon ngayon." Sagot ng kontrabidang isip.
"Hoy! Virgin tayo nang makuha niya, huwag sobrang liberated ang utak!" galit na tugon ng kanyang kunsensya.
"Sus, nagbago na nga pananaw sa buhay hindi ba?"
"Ayst! Ang gulo ninyong kausap!" Naisatinig ni Marie ang laman ng isipan. Feeling niya ay may sumasapi sa kanyan ngayon at nakipag debati sa sariling isip.
"Alin ang magulo?" Naitanong ni Tom na nakatayo sa front desk kasama si Mariam. Nag-uusap sila habang naglalakad at napatigil sandali sa reception area nang mapansin si Marie.
"Nariyan pala kayo, Sir!" nakaramdam siya ng hiya sa kaharap lalo na at nakataas ang kilay ng kanyang Supervisor.
"May iba ka bang kasama dito na hindi namin nakikita?" Mariam ask her in sarcastic tone.
"Wala po, ma'am, pasensya na may iniisip lang." Nakayuko ang ulo na sagot niya dito.
"Nalipasan ka na yata ng gutom kung kaya nagha-hallucinate ka na riyan." Napapailing na dugtong pa ni Mariam.
"Hindi ka ba kumain?" tanong ni Tom dito dahil thirty minutes pa ang nalalabi bago matapos ang break time ng mga empleyado.
"Tapos na po, Sir," magalang na sagot ni Marie.
"Let's go, Tom, baka naroon na si Sir Mark sa kanyang opisina." Tawag ni Mariam dito at nagpatiuna na sa paglalakad.
"We'll talk later," bilin ni Tom bago iniwan ang dalaga na halata niyang problemado.
Kinabukasan ay pumasok si Marie upang ibigay ang resignation letter.
"Why?" Nagtatakang tanong ni Tom nang iabot ni Marie ang papel. Hindi na niya ito nakausap kahapon dahil halos maghapon nila kasama ang batang may-ari ng naturang hotel. "May importante kasi akong aasikasuhin, alam mo naman na nagbabakasyon lang ako dito."
"Yeah I know that, pero bakit ang bilis naman yata? Ini-expect ko na aabot ka dito ng mahigit dalawang buwan." Nanghihinayang na tanong ni Tom.
Magaling ang dalaga humarap sa mga guest, at napansin din niyang maraming kalalakihan na naka-check-in sa kabilang hotel ang nagsilipatan sa kanila dahil kay Marie.
"Pasensya na, biglaan kasi. Salamat nang marami at nagkaroon ako ng experience sa work dito dahil sa iyo."
"Walang anuman, ipasa ko muna ito sa taas upang maaprobahan."
Naghintay si Marie sa pagbabalik ni Tom, hindi na niya hintayin na magkrus muli ang landas nila ng lalaking iniiwasan.
"Mami-miss kita, sana makabalik ka dito kahit isang bakasyonista at magkita tayong muli." Malungkot na paalam ni Mhai sa kaibigan. Ito pa lang ang napagsabihan niya tungkol sa kanyang pag-alis.
"Kung makabalik man ako dito ay tiyak na kasama ko na ang aking kapatid at pamangkin." Nakangiti na tugon niya sa kaibigan. Maging siya ay nalungkot sa biglaang pag-alis doon. Kung hindi lamang dahil sa lalaking iniiwasan ay gusto niyang tumagal doon dahil nagustohan na rin niya ang kanyang trabaho.
"Pinatatawag ka sa opisina upang pumirma." Tawag ni Tom sa dalaga, hindi niya sinabi kung sino ang madatnan ng huli doon at gusto itong makausap.
"Salamat!" ani Marie at tumuloy na sa huling palapag ng kotel kung saan naroon ang opisina nang may hawak umano ng kanyang resignation letter. "Come in!"
Biglang kumabog ang dibdib ni Marie nang marinig ang baritonong tinig ng isang lalaki sa loob. Nag-aalinlangan pa siya kung tutuloy ba o hindi na. "I said come in!"
Bakas na sa boses nito ang pagkainip nang hindi pa rin niya binubuksan ang pinto upang pumasok.
"Bakit ang tagal mong pumasok!" Salubong ang kilay ng binata na nakatingin sa dalaga na alumpihit sa paghakbang.
"Ahm, Sir," hindi alam ni Marie kung ano ang dapat isagot dito lalo na at ang mga tingin nito ay nang-aarok. Tulad pa rin ng dati ang ugali nito na seryuso at may pagkasungit.
"Bakit ka magre-resign?" tanong niyang muli sa dalaga.
"Personal reason po, Sir," nakayuko ang ulo na sagot ni Marie. Kahit naka disguise siya ay kinakabahan pa rin siya na baka makilala nito.
"Iyan ba talaga ang dahilan mo?" Makahulogang tanong nito muli. Wala na siyang choice kundi ang huwag na magpanggap na hindi pa ito nakikilala. Ito na lang ang paraan niya upang manatali roon ang dalaga.
"May alam ka pa ba na iba, Sir?" Nakaramdam na siya ng inis sa binata. Kanina lang ay napakaseryoso nito. Ngayon naman ay pinahahalata na sa kanya na alam nito ang totoong dahilan niya.
"Stop playing hard, Miss Hong Kong!" Nakangisi na turan ni Mark at pinukol ang dalaga ng nakakapasong tingin.
Namula ang buong mukha ni Marie hindi dahil sa nakaramdam ng hiya. Dumoble ang naramdamang inis sa binata ngayon. Mukhang unang araw pa lang nitong pagkakita sa kanya dito ay kilala na siya nito.
"Huwag kang mag-assume, sir, bakit mo naman naisip na ikaw ang dahilan ng aking pag-resign?" nang-uuyam na tugon ni Marie.
"Hindi nga ba?" Hindi na napalis ang kakaibang ngiti sa labi nito. "Sa pagkakaalam ko ay gumamit ka pa ng ibang pangalan noon nang pinatignan ko ang record mo sa hotel na iyon. Nakunsensya pa ako sa nangyari sa atin na hindi ko naman dapat pala maramdaman dahil mukhang planado mo ang lahat sa hindi ko malamang dahilan?"
Kinabahan si Marie nang tumayo ang lalaki at humakbang palapit sa kanya. May nagbabadyang banta sa mga salita at kilos nito ngayon.
"Akalain mo na dito lang pala kita muling makita?"
"Lasing ako nang gabing iyon at hindi ko na tanda ang nangyari." Taas noo na tanggi ni Marie dito at tinapangan ang aura ng mukha. "Lasing ka rin ba nang magpa-book sa hotel na iyon gamit ang ibang pangalan?" emotionless na tanong ni Mark sa dalaga.
"It's none of your business, past is past kaya kalimutan na natin iyon dahil walang katuturan para sa akin ang nakaraan."
"Well, wala naman akong pakialam na sa nangyari noon dahil hindi lang ikaw ang nakakagawa ng ganoon at naka-one night stand ko. Pinagkaiba nga lang ay virgin ka nang makuha ko." Lapat ang ngipin na wika nito dahil nasagi ang ego ng kanyang pagkalalaki. Galit siya sa isipin na baliwala lang din dito ang pagkawala ng kanilang anak na hindi manlang nasilayan ang mundo.
"Pirmahan mo man o hindi ang papel na iyan ay tuloy na ang aking pag-alis dito." Umiwas siya ng tingin sa binata. Ayaw man niyang aminin ay nasaktan siya sa narinig.
"Kailangan mong manatili dito within 15 days hanggang sa makahanap ng iyong kapalit." Bumalik na ito sa pag-upo at hindi manlang inalok ang dalaga na umupo. "Pero-"
"No more but or else makasuhan ka ng kompanya ko. Nasa kontrata ang mga kondisyon na iyong pinirmahan bilang pagsang-ayon bilang empleyado dito." Pinalidad at seryoso na putol nito sa iba pang sasabihin ng dalaga. Wala na ngang nagawa si Marie kundi ang manatili doon sa trabaho ng fifteen days pa.
"By the way, lalo kang gumanda at nagkalaman ngayon."
Napatigil siya sa pagbukas ng pinto nang marinig ang papuri ng binata. Ayon naman ang kanyang dibdib, bumilis ang tibok ng puso niyang natutulog.
"Thank you pero hindi na magbabago pa ang aking isip." Hindi lumilingon na tugon niya sa papuri ng lalaki.
"We'll see!" nakangising wika ni Mark at hindi na narinig ni Marie dahil nakasara na ang pinto.