Flaws and All

Chapter 11- Chase Me



I woke up with him holding my hand. Nang makitang gising na ako ay napangiti ito. May hawak itong puting tshirt at jogging pants

"Practice mo na? Anong oras na ba?" bumangon na ako at nagunat, umupo sya sa tabi ko at bahagyang yumakap sakin.

"It feels so right to hug you before the game" my heart swells in happiness, napayakap nalang rin ako sakanya at sininghot ang muscle tee nya. "Go and change, my pactice starts in ten minutes."

Naiilang ako ngayon habang suot ang shirt nya, black shirt iyon na may nakasulat na "O'brien 25" sa likod.

Maraming napapatingin sa akin lalo na sa suot ko. Todo takip tuloy ako ng bag sa aking damit.

Sumenyas ng sub si Zarette ng makita ako, patakbo syang lumapit sa akin at giniya ako sa bench nila.

"Okay ba tong shirt ko? Tinitignan nila eh, hindinko yata bagay" sabi ko, he ruffled my hair and smiled at me.

"They are just checking out if my surname suits on you" nakangiti nyang sagot.

"Talaga? Bakit naman nila gagawin yun?"

"They are just jealous of you, sayo lang bagay apelyido ko" mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid, lalo na sa mga nakaupo malapit sa amin. "Balik ka na don, play ka na" umupo lang sya sa tabi ko at uminom ng tubig.

"Mamaya kapag may nag sub" tumango lang ako sakanya.

"Ang galing galing mo talaga maglaro! Halos mapaos na ako sa sobrang intense, alam mo yun? Wala kang mintis eh, bawat punta sayo ng bola napapalo mo agad"

Natawa nalang sya bago ako pinagbuksan ng pinto. Ikinabit nya ang seatbelt ko at umikot sa drivers seat pagkatapos.

"Kelan ang game nyo?" tanong ko habang nasa byahe kami.

"A week after the prom, pero basketball game yun" sagot nya habang pinipisil ang kamay ko. Medyo basa pa ang buhok nya mula sa pawis nagpalit lang kasi sya ng tshirt at di na nagpunta pa sa shower room. Inilabas ko ang panyo ko at marahang pinunasan ang buhok nyang basa ng pawis, medyo iniwas ko rin ang aircon sa direksyon nya pansamantala.

Hinuli nya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Thank you" pasasalamat nya. "You can kiss me instead" and he winked at me. Kinurot ko lang ang pisngi nya at inirapan sya.

"What? Pagod ako, syempre energy booster" natatawa nyang sabi.

"Tsansing ka masyado" humalakhak sya at pinisik ang kamay ko.

"Tsansing? Pang pangit lang yun"

"So pag gwapo thankful pa ako?" tumango naman sya at humalakhak. "Conceited ka masyado!" sabay hampas ko sakanya.

Huminto na kami sa tapat ng aming gate, hinarap nya ako at pinaliguwn ng maliliit na halik ang kamay ko. All of the butterflies in my stomach break loose.

"I should talk to your mom, to ask her permission" kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Para saan ang permission? Para sabihing liligawan nya ako? Seryoso na talaga sya? Sakin?

"Seryoso ka na ba? I mean... Ako talaga?" he scooted towards me, inayos ang mga takas na buhok ko at inipit iyon sa tenga ko.

"Do you think I will waste my time pursuing you if I'm not serious? You know I won't." lumunok ako at huminga ng malalim.

"Alam ko naman, pero kasi I need assurance. Para sigurado lang, I don't want to be played around" hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"I can give you that assurance, do you want to get married then?" his eyes speaks volumes of emotion.

He seemed so calm but he's dead serious.

"Ano ka ba? Assurance lang hinihingi ko kasal naman ang inaalok mo" kinakabahan kong sabi.

"It's the best assurance that I can offer. Matagal na akong seryoso, I tried dating girls to forget you but I will always come running my way towards you. Hanggang sa ayaw ko nang i-deny, hanggang sa eto na ako sa harap mo.... "... I don't care if you would believe me or not, basta hayaan mo nalang akong iparamdam kung ano yung sinasabi nito." inilagay nya ang kamay ko sa kanyang dibdib, I can feel his heart beating.

I sighed "Okay, I think that's enough. Ang corny mo na" pinitik nya lang ang ilong bago nya ito hinalikan.

Nagulat ako ng bumaba rin sya sa kotse nya, pinanlakihan ko sya ng mata pero inakay nya lang ako papasok.

Heto ako ngayon sa harap ng seryosong si Zarette at ni Daddy. Pareho silang nakadekwatro, si Daddy nakahawak ng iPad habang nago-audit habang si Zarette naman ay nakamasid sa akin. Tumikhim sya at hinarap si Dad.

"Ano na nga ba yung sasabihin mo, hijo?" tanong ng aking ama, napainom ako ng tubig dahil damang dama ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Habang si Zarette prente parin sa pagkakaupo, kung ano ba kasing pumasok sa isip nito.

"Can I talk to you in private, sir?" tumingin sya sakin, tingin na parang sinasabi sakin na umalis na ako. Sumimangot ako at padabog na umakyat sa kwarto. Naligo na ako at humiga sa kama. Ano kayang pinaguusapan nila? Buhay pa kaya si Zarette?

Hindi naman sya pipisikalin ni Daddy eh, pero.... Ano ba!? Ano kayang nangyayari sa baba? Pwede kaya akong sumilip?

For sure titigil sila kapag nakita ako ano!

I shrieked when my door opened at diretsong pumasok si Zarette.

"I just wanna say goodnight" tumabi sya sa akin at inayos ang kumot ko

"Anong pinagusapan nyo?" tanong ko.

"Usapang lalaki. Just leave it to me" namayani ang katahimikan sa amin dalawa, I yawned at napangiti sya.

"I'm allowed to sleep here. Do you want me to?" tumango ako. "I'll just get things in my car" paalam nya. Hinila ko ang kamay nya at umupo sa kama.

"Sama ako" he sighed at inalalayan akong tumayo.

I want him around. Ngayong araw na to parang hindi sapat ang maghapon na magkasama kami. I just want more time with him. Gusto ko ng tuluyang mahulog. Without any inhibitions. Sabi nya nga, let things be. So we will let it be. Bahala na si batman. "Hindi mo talaga sasabihin sakin?" nagpapatuyo sya ng buhok, kakalabas nya lang sa banyo at katatapos maligo.

"Nanghingi lang ako ng basbas" ngumuso ako at hinila sya paupo sa kama ko.

"Basbas saan? Sa panliligaw?"

"Bakit sa tingin mo nililigawan kita para maging girlfriend lang? It's more than that, Madox. " nanlaki ang mata ko at hinampas sya.

"Ano ka ba? Seventeen palang ako, eighteen ka tapos yan na yung hinihingi mo sa daddy ko!"

"Tss, I will wait till our legal age, I will wait till you're ready. Hindi ko sinabing ngayon, well kung ready ka na then why not? Lie down." aniya, humiga na ako at inayos ang kumot ko. Tumabi sya sa akin, I placed my head on his arms. Ginawa kong unan ang kanyang braso.

"Madox" tawag nya sa akin. Nakapikit na ako at handa ng matulog.

This feels so right. Parang dito ako dapat, maging lamok ay hindi ako lalapitan dahil nasa bisig nya ako.

He's my protector. Always been my protector.

"I'm crazy for you. I just want to let you know. Sleep now" yumakap lang ako sakanya at nagpatianod na sa antok.

I woke with someone snoring at my back, may nakapulupot ring braso sa aking bewang. Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita ang payapang natutulog na si Zarette.

I snuggled closer to the crook of his neck, humigpit rin ang yakap nya at humalik sa aking ulo.

Wala pang araw, ibig sabihin ay maaga pa. Malamig rin dahil buwan pa lamang ng pebrero, ngunit kapag tanghali ay ramdam na ang init.

Pumikit ulit ako at natulog. It's a saturday, wala ng pasok.

Isa pa, I have Zarette beside me. It feels like I'm in heaven habang nasa yakap nya ako. He's driving me crazy.

Nagising ako na may humahaplos sa buhok ko. He planted a soft kiss on my forehead nang tuluyan na akong magbukas ng mata.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Good morning" bati nya.

Marahan akong nagunat bago tumayo. "Kanina ka pa gising?" tanong ko, bumangon narin sya at nagunat. I looked away pero pasimple akong nakatingin sa muscle nya.

"I should sleep here more often. Your daddy approved so I have no worries" hinampas ko sya ng unan bago tumayo sa kama.

Ayoko magsalita dahil baka polluted air ang maibuga ko sakanya, his breath smells so fresh though. Ano kayang toothpaste nya?

Nagbrush muna ako bago bumalik sa kwarto, he's hugging my pillow habang nanunuod ng cartoons.

"Breakfast na tayo? Anong gusto mo for breakfast?" he bit his lips and pulled me to a hug.

"Can I order you for breakfast?" he chuckled when I slapped his arm.

"Seryoso kasi. Ang clingy mo na" paninita ko sakanya. He brushed a kiss on my head and hugged me tighter.

"Girls like clingy boys" sabi nya

"Ayoko sa clingy." pangaasar ko, ipinatong nya ang ulo nya sa aking balikat bago sininghot ang leeg ko. Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa ginawa nya, parang natigil na lang ako bigla. "Wala kang kawala. I love you so let things be" my heart pounded upon hearing those three magical words.

Ely! Nakit mo ba si Zarette?" kanina ko pa hinahagilap si Zarette, lunch na kasi at dalawang oras pa ang vacant. Nangako kasi sya na maglalunch kami together.

"Kanina nasa office sya, hindi ko lang alam. Medyo busy eh, puntahan mo nalang" tumango lang ako saka sya nagpaalam.

Masyado na syang busy this week. Next monday kasi ay Prom na namin.

"May dala kaya syang food? May kasama kaya sya sa office?" tanong ko sa sarili ko, anong oras na kasi at baka gutom na ang isang iyon.

"Hindi ko naman sya pwedeng bilhan ng pagkain" napasimangot nalang ako at nagtungo sa tambayan naming kubo.

"Hindi rin sumasagot sa texts." bulong ko sa sarili ko.

Hay, paranoid na ako. Sino bang hindi? Sa gwapo nyang yun habulin yun ng mga babae. Isa pa halos lahat ng babae sa campus gusto yun. At ano naman ang laban ko sa mga babaeng yun?

Yung taba ko? Bilbil?

Ang tagal ko kasing sumexy! Pero mula seventy five ay sixty five na lamang ako. Pero kahit na! Ang laki parin ng katawan ko!

"Puntahan ko kaya sa office?... Baka isipin nya possessive ako masyado? O baka marami lang ginagawa kaya di nakakapag reply? Hays!" Napatigil ako sa pagiisip ng may marinig akong hagikgikan na palapit na ng palapit. Luminga linga ako at nagsisi na ginawa ko iyon. Napatigil rin sya ng makita ako dito sa kubo. Agad akong tumayo at yumuko sa harap nila.

"Sorry po chairman" pagkasabi non ay saka ako tumakbo.

Hindi ko alam kung bakit ako nagsorry. Siguro dahil nanginvade ako ng lugar na dapat sakanya lang? Hay, ang sira ko naman.

He's with another girl, someone sexier and more beautiful than me. Akala ko ba ako lang ang nadala nya sa kubong iyon? O baka naman sinabi nya lang yun para maflatter ako? Hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Basta gusto ko makarating sa rooftop, sariwa ang hangin doon at tahimik. Gusto ko muna magisa.

Buti nalang nakapants ako ngayon hindi ako nahassle sa pagtakbo.

"Sana pala bumili ako ng pagkain." bulong ko sa sarili ko. Tinitigan ko lang ang cellphone kong tumutunog.

Zacchaeus Everette calling...

"Aish! Bakit sya tatawag e may kasama syang iba? Ang tanga naman! Mamaya yun pala talaga yung girlfriend nya e di nahuli sya!" napahampas nalang ako sa table na nasa harap ko. "Nagassume ka naman kasi na seryoso sya sayo? Gaga ka rin eh" paninita ko sa sarili ko.

"Eh syempre ngayon ka lang naman nakaramdam ng ganon! Ngayon ka lang naman pinakilig ng ganun, and dahil naive ako nadala ako. Valid naman reason ko ah?" sabi ko rin sa sarili ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Pinatay ko na ng tuluyan ang cellphone ko ng paulit ulit parin ang pagtawag nya. Bahala na.

"Bakit ba hindi ko naisip na magdala ng pagkain? Hindi pa ako naglalunch!" nakatatlumpong minuto na rin ako dito sa rooftop.

Mabuti nalang walang araw ngayon, sakto lang ang hangin.

And now I can't stop thinking of her, ang ganda nya. Her skin looks so soft, ang mata nya maganda rin, her lips are pinkish. Yung tawa nya parang ang classy. Everything about her is the opposite of me. Tawa nya palang talo na ako.

Nabiktima na naman ako! Una si Daevon tapos siya! Kung bakit ba kasi ang bilis kiligin ng mga babae.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago yumuko sa round table. Iidlip lang muna ako.

Ang idlip ay naging malalim na tulog. Nagising na lang ako dahil sa malamig na hangin at sa ambon na pumapatak sa aking balat.

"Wrong timing! Wala akong payong!" sabi ko sa sarili ko, kasabay ng pagtunog ng tyan ko. "Gutom na ako!"

Nagayos muna ako, nagsuklay, nagpolbo at lip tint. Pagkatapos magayos ng gamit ay napagdesisyunan ko ng bumaba.

"I've heard may bagong foreign student na dinedate si Chairman" rinig kong sabi ng isang babae.

Binagalan ko ang paglalakad ko at nakinig sa usapan nila.

"Talaga? So maliit na naman yung chance natin para maging girlfriend nya! Maganda ba yung babae?" tumango naman ang katabi nya.

"Aasa pa ba tayo? Si Chairman yun ano! Cannot be reached!" humalakhak silang dalawa at naghampasan.

Para akong nasampal ng reyalidad, si Chairman nga pala sya. Cannot be reached.

Mapait na napangiti nalang ako sa sarili ko. Mabilis na akong naglakad para pumunta sa cafeteria. Napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Huy! Lukot mukha mo ah? Mag isa mo lang?" tanong sa akin ni Aveline, tumango ako at dumiretso na sa ref para kumuha ng soda, na after two months ay maiinom ko ulit.

"Nasan si Chairman?" nagkibit balikat lang ako sakanya. "Ate, lasagna po" order ko na agad ring inabot ni Ate pagkatapos ng dalawang minuto.

"LQ kayo? Away? War?" pangungulit nya ulit sakin pagkatapos nya mag order.

Alas tres na, dalawang oras rin pala akong nakatulog. Umupo lang kami sa isang round table na pangdalawahan, inilapag ang kanyang cellphone stand at nilagay doon ang cellphone nya. "Favorite K-drama ko yan as of the moment, Goblin ang title. Kita mo ba? Hawig ko si Eun Tak" aniya at todo ngisi. Tumitig ako sa tinuro nyang babae at napatango, medyo hawig nya nga ito. "Manuod ka rin. Gusto mo hiramin mo tong flashdrive ko tapos mag copy ka nalang" tumango nalang ulit ako sakanya. Mukha ngang maganda ang Goblin na sinasabi nya. "Waah! Nakakakilabot!" sabi ko ng ituro ni Eun Tak ang sword na nasa katawan ni Goblin! I will watch this after work out.

Sa bahay nalang siguro ako magwowork out, may threadmill naman na doon.

"Paano ba yan? Pasok na ako, eto yung flashdrive. Accept mo friend request ko ha? Chat tayo!" she waved at me bago tumakbo paalis. Bitin yung goblin!

Nataranta ako nang matanaw na palapit si Zarette, pabagsak kong nilapag ang bottled water ko at tumakbo sa back door ng cafeteria.

I reached for my phone and dialled our drivers number, nabigla nalang ako nang may tumabig sa cellphone ko.

Lumipad ito sa ere at nasalo ni Zarette. Napahugot ako ng malalim na hininga at hinila ang cellphone ko sa kanya.

"I've been looking for you, I've been trying to call you" inis nyang sabi. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at tinuloy ang pagtawag sa driver namin, magpapasundo na ako. Katulad nang kanina ay hinampas nya ito pataas at sinalo ito pagkatapos.

"Akin na yan! Nakakainis." hablot ko ulit ng cellphone sakanya, binulsa ko na iyon at naglakad ng mabilis.

"Madox. It's not what you think"

"Bakit? Do you think you know what I'm thinking?" tanong ko sakanya, natahimik lang sya. Kahit anong bilis ng lakad ko ay nahahabulan nya sa laki ng hakbang nya.

"Let me drive you home " hinawakan nya ang siko ko na agad ko ring iniwas. "Uuwi na ako. Marami namang taxi dyan." I started running without looking back. You want the chase? Chase me then.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.