Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 27:Wedding Speech



"Anong ingay ang meron sa labas?", bumalikwas ng bangon si Letty. Hindi naman siya nahirapan dahil sa kanyan pagdapa. Sanay na siya sa ganong pwesto.

Akala ko naman ako lang ang nakakarinig ng mga tunog ng instrumento. Yun pala ay pati siya. I just missed the sound of my guitar. Mas lalo akong nalungkot ng maalala si Aria. I don't know if she's okay or not. She don't even text me kahit sa messenger ay wala manlang paramdam.

Kasabay ng pagbaba ni Letty sa hawak nitong cellphone ay ganon din ang ginawa ko. Sa pagbwelo ko ng tayo ay nabuksan niya na ang bintana.

Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana

Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana

Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi

'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil...

Kinusot ko ang mga mata ko pero hindi ako nagkakamali. It's Cade with Cazue and Abel. Pare-parehas sila ng suot na pangbukid. Ang kanyang mga alipores ay parehas na tumutugtog. He's staring at me that sent shiver to my spine. Hindi ko maiwasan na lihim na ngumiti.

Kahit na wala akong pera

Kahit na butas aking bulsa

Kahit pa maong ko'y kupas na

At kahit na marami d'yang iba

Tinutusok ako ni Letty sa tagiliran.

Kaya siguro hindi siya nag re-reply mula kanina ay dahil dito.

"Sana ako rin", ngumuso si Letty sa sarili niyang sinabi habang pinagmamasdan ang tatlong lalaki sa labas.

Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)

Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)

Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)

Para bang pinaghandaan nila ng matagal itong ginagawa nila ngayon. Magkakamatch kasi ang aksyon nila sa kanta. Natutuwa ako sa kanila lalo na kay Cade.

Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago

At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo

Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)

Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)

Na umaasa hanggang ngayon

Nasaliw na rin kami ni Letty sa kanta at pati si Manang Evy na kakapasok lang sa kwarto ay nakangiti. Nagkatinginan pa kami sandali at sumenyas siyang anong meron. Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot.

"Dalaga ka na nga talaga", lumapit siya sa akin saka hinalikan ako sa noo.

"Mabait yan si Cade. Kilala ko ang batang yan noon pa", nakangiti nitong sinabi at tumango-tango naman si Letty.

Hindi mo namang kailangan ang sagutin

Ang aking hinihiling

Nais na maparating

Na 'di na muli pang dadaloy ang luha

Pupunasan nang kusa

'Di kailangang manghula

Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala

Upang makasama ka

Kapag nakikita ka

Lagi kang aalalayan kahit ano man ang 'yong

Mga ibinubulong

Malalim pa sa balon

Ito lamang ang...

Halos magpigil ako ng tawa dahil sa pagrap ni Cade. Paano ba naman muntikan pa siyang maubusan ng hininga kundi lang siya sa saluhin ng kapatid niya.

Kay Spider-Man o kay Batman

Kay Superman o Wolverine

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Kahit 'di maintindihan

Baka sakaling pansinin

"Ang astig din naman pala ni Cazue", natatawang sinabi ni Letty.

"Si Cazue yung tipo ng kapatid na gusto ko", maikli kong sabi kay Letty kaya't napatigil siya.

"Kapatid?", natatawa niyang tanong.

"Don't get me wrong! Ang ibig kong sabihin yung ano! Okay. Fine! Nevermind", umiiling-iling siya sa sinabi ko.

Siguro ang iniisip niya ay maging kapatid ko si Cazue sa pamamagitan ni Cade. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin pero pwede rin naman. Kaso ibang bagay naman iyon and we'll get there soon. Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)

Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)

Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)

Tumigil si Letty sa saliw ng sayaw maging si Manang Evy ay lumabas na ng kwarto. Matapos niyang iwan ang gatas sa maliit na mesa. Namiss ko ang timpla niya ng gatas. Doon kasi sa Laguna ang mga kasambahay ko niisa sa kanila ay walang makatama sa panlasang gusto ko. Si Manang Evy lang talaga ang nag iisang alam ang gusto ko.

Noong nandito pa ko kada gabi ay tinitimplahan niya ko ng gatas lalo na kapag hindi ako makatulog o hindi kaya naman ay pagod ako dahil sa school programs. Madalas din kasi akong sumali sa mga pageants noon. Pero hindi ko natipuhan sumali sa mga pang barangay. Tama ng sa school ako. It's not really my passion. Pakikisama ko lang din iyon sa mga dati kong kaibigan na mahilig sa mga ganong bagay.

"Hindi tinapos yung kanta. Tulugan na", malamyang sinabi nito pero pinigilan ko siya sa pagsara nito ng bintana.

Pumasok sila sa bakuran para lumapit. Napansin ko ang pagsenyas ni Abel kay Cazue.

Uso pa ba ang harana

Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba

Lumapit si Cade sa akin at nakangiting binigay ang iilang pulang rosas na hawak nito. Kung kanina ay pigil pa ang kiliti dito sa puso ko pero ngayon ay halos pang abot ang paghinga ko. Mayron pang dalang mga rosas

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Suot nama'y maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Naka-porma naka-barong

Sa awiting daig pa ang minus one

At sing-along

"Piper, pakiramdam ko ang ganap ko lang sa mundo ay taga kilig sa kaibigan kong maganda ang buhay pag ibig", ang mga mata niya't bahagyang lumungkot habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na hawak ko. "Hindi naman siguro sa ganon. Darating din yung sayo saka hindi pa kami", tinapik ko ang likod niya.

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa'yo

Napagtantong tapos na ang kanilang kanta dahil lumapit muli sa akin si Cade at inabot ang kamay ko. Binitawan na rin nila Abel at Cade ang mga hawak nilang instrumento.

"Liyag, hindi kita minamadali. Makakapaghintay naman ako. Tanggap ko kung may iba pang gustong bumihag sa puso mo. Tanggap kong may kalaban ako. Handa akong makipagsukatan ng pag ibig para sayo" Halos matuyo ang laway ko sa kanya. Ni isang salita ay wala akong nasabi tanging nakakabinging tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"Hindi man ako kasing yaman nila na kaya kang dalhin kahit saan. Pero mas mayaman ako sa tunay na pagmamahal at ibubuhos ko yon sayo. Hindi ako mag aalinlangan na piliin ka araw-araw. Iintindihin kita. Mamahalin kita. Aayusin natin ang mga bagay. Hindi man tayo pareho sa maraming bagay pero sisiguraduhin kong masasabayan kita sa mga gusto mo. Susuportahan kita kagaya ng noon ko pang ginagawa. Ang ikakasaya mo ay ikakasaya ko din. Dadamayan kita sa lungkot. Ako ang magiging sandigan mo", halos maiyak ako sa sinabi niya. Sobrang lalim ng tama nito sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang sinseridad. Kung paanong tinignan niya ko ng diretso habang binibigkas ang mga salitang iyon. Sa dami ng nanligaw sa akin ay wala pang nakakapagsabi ng ganong bagay kundi siya lang. Madalas ay nakakatanggap ako ng mga mamahaling bagay katulad ng kwintas pero ang pinaparamdam ni Cade at ang sinabi niya ay mas malalim pang bagay.

"Akala ko wedding vow na yon, pre. Suitor speech lang pala. Ang haba.", nanlisik ang mga mata ni Letty sa kapatid niya.

"Kuya may mga pagkakataon na pwede ka namang magsalita pero wag ngayon. Panira ka", natawa na lang kaming apat sa sinabi nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.