Chapter 29 Callius Revenge
"Zeindy POV"
"AKO!" sawakas nakita na din kita ulit.
"Harangan ang pintuan" agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Cassius pero bago pa ako makalapit sakanya nahuli na'ko ng mga tauhan ng kapatid niya.
"Cassius" tawag ko sakanya, nagmamadali siyang lumapit sakin.
"Bitawan mo siya" nagpupumiglas ako, nasaan na ba kayo Cai. Nakalapit na si Cas sakin, pilit niya akong inaagaw sa may hawak sakin, tinignan ko ang paanan nong nakahawak sakin tsaka yun sinipa, napabitaw siya kaya nakatakbo ako kay Cas. Sinalubong niya ako ng yakap.
"Are you okay?" Tumango ako "thanks God" kung titignan ko siya, mukhang hindi siya ayos, ang laki ng ibinagsak ng katawan niya, bahagyang maitim ang ilalim ng mga mata.
"Hulihin niyo sila" niyakap ako ni Cas.
"Subukan niyo siyang saktan magkakamatayan tayo" nasaan ba kasi sila.
"CALLIUS TAMA NA!" Meli "ang totoo hindi ako mahal ni Cassius, pinilit lang ni Callius ang kasal na 'to para makaganti kay Cassius, dahil hanggang ngayon hindi pa din niya matangap na wala na ang babaeng pinaka mamahal niya" nakarinig ako ng mga pagsinghap.
"Callius tama ba ang narinig namin?" Sabi ng isang babae na nasa 40 plus na.
"M-mom l-let me explain" lumalapit si Callius dun.
"What a disgrace" sabi ng lalaki na nasa 40 plus din.
"D-dad please hayaan niyo akong magpaliwanag"
"Stop this nonsense Callius" sabi ng lalaki na tinawag niyang Dad.
"NO! I WON'T STOP" tumingin siya sa'min "KUNG HINDI KO MAPAPAHIRAPAN SI CASSIUS THEN I KILL HIM" NO! niyakap ako ni Cassius.
"Callius please stop this" kinuha niya ang baril niya sa may tagiliran niya tsaka niya itinutok sa'min.
"Cas"
"Proprotektahan kita Kamahalan ko, hindi ko hahayaan na madamay ka sa gulo naming magkapatid"
"CASSIUS ANY LAST WISH" tinignan ko si Callius, oo magkamukha sila pero ibang iba sila ng ugali. Itinutok niya kay Cassius ang baril. Hindi ko kaya, hindi ko kayang makitang ganito sila.
"Tama na Callius please" ihinarang ko ang sarili ko "kung gusto mong patayin si Cassius dadaan ka muna sakin"
"Ang sweet naman, pero kung yun ang gusto mo, wala na akong magagawa pa" lumapit siya sakin, napa atras ako "kanina ang tapang tapang mo tapos ngayon aatras ka" bigla akong niyakap ni Cassius.
"Callius manahimik ka, ako lang naman ang kailangan mo di'ba, wag mo na siyang idamay pa, labas siya sa gulo na'tin"
"Kasama na siya Cassius, simula nong araw na nakasama mo siya" nakangisi niyang sabi.
"Callius tama na" sabi ng Dad nila.
"Dad hindi, dapat ikasal si Cassius kay Melissa" lumapit sa'min ang magulang nila.
"Stop this nonsense fight Callius, kung hindi niya pakakasalan si Melissa then huwag, malaki kana, nasa tamang edad kana, grow up, be matured enough ayusin mo ang buhay mo, huwag mong sirain anak" sabi ng Mom nila. "Mom please, huwag na kayong maki alam pa dito, desisyon ko 'to" tumingin siya sa'min.
"Pero hindi mo kailangan na desisyunan ang buhay ni Cassius, may sarili siyang buhay, kung gusto mo ikaw ang magpakasal kay Melissa ng matapos ang usapan" sabi ko.
"Manahimik ka" bigla niyang itinutok sakin ang baril, mas lalo akong niyakap ni Cassius.
"Tama siya Callius, please itigil mo na 'to, walang kahahantungan ang lahat" ngumisi lang siya.
"Meron Mom, oras na mapatay ko si Cassius tapos na ang paghihirap ko"
"Sige gawin mo, oras na madaplisan ang dalawang yan Callius, I swear itatakwil kita" napatigil siya, humarap siya sa Dad niya.
*bang
"Kyahhh" napatakip ako ng tainga ko.
"Camillus, NO!" dinig kung hiyag ng kung sino, dumilat ako at nakita kung nakabulagta na ang Dad niya at yakap yakap yun ng Mom niya, paano niya nagagawang saktan ang pamilya niya? Paano niya nasisikmura ang mga bagay na 'to. "Now kayo naman" ngumisi siya samin, mas lalo lang hinigpitan ni Cas ang pagkakayakap sakin "say Goodbye to the world Cassius" *bang, nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari.
"M-meli" umalis ako sa bisig ni Cas at agad na nilapitan si Meli "Meli, Meli hey wake up" dumilat siya.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"I-I'm f-fine, d-don't w-worry malayo sa bituka 'to"
"Nababaliw kana ba Melissa, bakit mo sila tinulungan" tinignan ko ng masama si Callius, ang sama sama niya.
"Dahil hindi na tama ang ginagawa mo, sa sobrang pagmamahal mo sakanya nabulag kana, hindi mo na nakikita ang mga taong nagmamahal sayo, mga taong handa kang tulungang bumangon at magbago, ikaw na ang dumidikta ng kapalaran nila na hindi naman dapat" Meli "gaya ko, nabulag ako sa pagmamahal sayo, kaya sinusunod ko lahat ng gusto mo, nakakatapak na'ko ng mga tao para lang mapansin mo, pero ano, anong napala ko, wala Callius, puro sakit, pasakit at paghihirap lang. Kaya ginawa ko ang sa palagay ko ay tama" ibinaba niya ang baril niya, Umiling iling siya.
"Hindi, hindi, hindi, wag niyo bilugin ang utak ko, kailangan kung tapusin si Cassius" muli niyang itinaas ang baril niya at itinutok sa pwesto ko.
"Mas masaya siguro kung ang babaeng pinaka mamahal mo ang tatapusin ko" nabato ako sa kina-uupuan ko, bigla naman humarang si Cas sa harap ko.
"Magkakamatayan muna tayo Callius" hinawakan ni Meli ang mukha ko at ngumiti.
"Meli?" Umiling lang siya.
"Callius tama na yan" sabi ng isa sa mga dumalo.
"Manahimik ka, mas magandang itikum mo yang bibig mo" sumusubra na siya.
"Callius" *bang, nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya "ahhhhhhh"
"Oras na may magsalita sainyo magagaya kayo sa taong yan" lumapit siya sa'min "bye" napapikit nalang ako *bang.
"Ahhhhhhh" nakarinig ako ng pagbagsak kaya nagmulat ako ng mata, nakayakap sakin si Cassius at nakabulagta naman si Callius.
"Pasensya na at nahuli kami" nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yun.
"Sige na lumabas na kayong lahat, dahan dahan lang" sabi ni Cai, lumapit sila sa'min, naglalabasan na lahat ng nandito sa loob at kami nalang ang natira, maging ang magulang nila ay nakalabas na.
"A-akala niyo ba makakatakas kayo sakin" humarang sila Cai, Zin at Kal sa'min, nakatutok ang mga baril kay Callius "tatapusin ko kayo ahhhhhhh" nagulat ako ng bigla nalang siyang napaluhod at namilipit sa sakit. "Pano ka pa lalaban ngayon?" Sabi ng isang babae, sinipa niya si Callius sa pagkalalaki nito.
"Ikaw!"
"Ako nga, may problema ka?"
"Humanda ka sakin"
"Halika, di kita uurungan"
"Kit" sabi ni Cai at nilapitan yung Kit.
"Tsk daming dada, bagsak naman pala" maangas niyang sabi.
"Ako ng bahala kay Callius" sabi ni Cai.
"Boss" napalingon kaming lahat sa mga pumasok "ayos na lahat boss, siya nalang ang kulang" tukoy niya kay Callius, pinusasan ni Cai si Callius tsaka pinatayo.
"Sa underground"
"Yes boss" umalis na sila, kami nalang ang naiwan dito.
"Ayos lang ba kayo?" Tumango ako, tinignan ko ang nasa bisig ko kanina pa.
"Si Meli, dalhin niyo siya sa hospital" sabi ko, agad agad naman nilang kinuha si Meli mula sakin.
"Halika na" inakay ako ni Cas.
"Ligtas kana Cassius" sabi ni Zin "ako na hahawak sakanya Kamahalan" kinuha niya si Cas sakin at nauna ng lumabas.
"Ligtas na kayo" sabi sakin ni Ysa, ngumiti ako sakanya, ayos na lahat, makaka uwi na kami.
"Grabe ang pinagdaanan niyo" napalingon ako sakanya "by the way I'm kit, best friend ako ni Cassius" nakangiti niyang sabi.
"Zeindy" sabi ko at nakipagkamay.
"Ang hirap ng hinarap niyo pero hindi kayo nawalan ng pag-asa. simula ngayon kaibigan na din kita" nginitian ko siya "tara na" hinatak niya ako papunta sa sasakyan sa labas.
Tapos na, wala ng hahadlang saming dalawa, hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganito.
Hindi lang pala puro saya at katuwaan ang pag-ibig, dadating at dadating talaga ang mga problema at pagsubok na susukat sa pagmamahal ng dalawang tao. Tumingala ako at pinagmasdan ang magandang kalangitan, wala nakong mahihiling pa.