Captivating my Heart

Chapter 27 The Plan



"Caius POV"

"Boss paalis na kami" sabi sa kabilang linya.

"Good, tawagan niyo ako, incase na may mangyari o makita niyo si Callius" sabi ko.

"Yes boss"

"I'll hang up" binaba ko na ang tawag at ibubulsa na sana ang cellphone ko ng bigla itong.

*kringgggg

Tinaas ko muli at tinignan ang screen, numero lang, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano, bahala na. "Hello" sabi sa kabilang linya, boses babae.

"Yes?" Sagot ko.

"Ahm this is Caius Aldebaran Madista?" Tanong.

"Yes ako nga, what do you want"

"I'm Melissa" so? "Ako ang ikakasal kay Cassius and I'm willing to help you para mabawi siya kay Callius" "Where is he?"

"Pupunta ako kung nasaan ka, gusto ko din na maka usap si Zeindy" sabi niya.

"I'll text you the address" sabi ko.

"Sure"

"I'll hang up" sabi ko at binaba na, hindi ko gawain na antayin ang sagot ng iba pag sinabi kung I'll hang up. Lumakad na ako papasok ng hospital, sana naman at gising na siya, medyo matagal tagal na din siyang tulog. *ekkkkk

"Hey napapunta ko na sila d~ Zeindy are you really awake?" Gulat kung sambit, tumatawa siya.

"How are you? May masakit ba? A-ano ah, anong gusto mo?" Nagmamadali akong lumapit sakanya at tinignan siya.

"Calm down Cai, I'm fine okay" sabi niya tsaka ngumiti.

"Kumalma ka Cai, okay na siya don't be bothered" sabi ni Kal. Tss.

"Kumain kana ba?" Tanong ko "ano ba Kal, pakainin mo na si Zein" tsk hindi manlang pakainin.

"Kumalma ka sabi"

"Paano ako kakalma eh hindi pa kumakain si Zeindy" tss.

"Nagpabili nako kay Zin ng makakain niya kaya manahimik kana" malay ko ba.

"Kal she's smiling" sabi ko, nagkatinginan kami at tinignan siya, baka masama ang epekto ng mahabang pagkakatulog.

"Ano ba lumayo nga kayo" sabi niya.

"May masakit ba sayo?" Tanong ko.

"Nagka amnesia ka ba?" Tanong ni Kal.

"Ghaddd"

"Teka teka tignan mo nga yung mga parte ng katawan niya baka nakagat siya kaya siya tumatawa" sabi ko.

"Wagggg, tama na kasi, ano ba" sinuri namin ang mga parte ng katawan niya.

"Baka naman nabarang yan" sabi ni Kal, pfft.

*ekkkkkk

"Anong ginagawa niyo?" Napatingin kami sa pumasok.

"Zin kasi tumatawa siya" lumapit si Zin samin.

"Tabi ako na jan, lumayo kayong lahat kay Zeindy" lumapit siya samin at pilit kaming pinaalis. Naupo nalang kaming tatlo sa sofa.

"May napapansin ka ba?" Sabi ko at tumingin kay Kal.

"Geez ang creepy niya" sabi niya.

"Yeah parang ang weird" sabi ko.

"Para kayong mga timang jan, ano bang pinagsasabi niyo ha?" Lumapit kami sakanila. Mas maganda ng nakikita ka naming naka ngiti kesa nalulungkot, kaya kahit magmukha na kaming abnormal ayos lang basta mapatawa ka namin. "Zin pakihanap nga si Zeindy" sabi ni Kal, naghanap ako sa gilid gilid.

"Hime nanjan ka ba? Yohoo" sabi ni Zin.

"Kal nakita mo na?" Tanong ni Zin.

"Wala pa nga eh, ikaw ba Cai nakita mo na?" Tanong naman ni Kal sakin.

"Wala din"

"Nasaan na kaya yun"

"Mga baliw" sabi niya.

Bigla nalang natahimik.

"Zein?" Tawag sakin ni Ysa sakanya, bigla nalang kasi siyang yumuko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Zin. Hindi pa din siya nag aangat ng tingin. Niyakap siya ni Ysa. Napangiti nalang ako.

"Ilabas mo lang yan, mas gagaan ang pakiramdam mo pagkatapos" sabi niya at nagyakapan sila.

"Hindi ba niya ako binisita?" Humahagulgul niyang tanong, napa iwas ako ng tingin, mag antay ka lang Zein, hahanapin na na'tin siya.

"Sorry to say pero hindi" sabi ni Kal.

"Zein nandito kami at handa kang tulungan, magkakasama tayo, hindi ka namin hahayaang malungkot" tumingin siya samin, namumula ang mga mata niya.

Bumitaw siya sa pagyakap kay Ysa at hinarap kaming tatlo.

"Thank you" sabi niya tsaka ngumiti.

"Marami ka pang hindi alam sa mga nangyayari ngayon kaya alam kung nahihirapan ka pa" sabi ko, nangunot naman ang noo niya.

"What do you mean Cai?"

"It's about Cassius" sabi ko.

"What about him?"

"He is"

*ekkkkkk

"there is she" lumingon ako, lumapit siya samin.

"Hi, Caius right?" Sabi niya sakin.

"Yes and you are Melissa?" Nakangiti siyang tumango.

"Have a sit first" sabi ni Kal at binigyan siya ng isang mono block na upuan.

"Thank you" huminga siya ng malalim "I'm here to help you"

"Help us?" Tanong ni Zeindy.

"Yes, you must be Zeindy, right?" Tumango si Zeindy, ngumiti siya "nandito ako para tumulong na iligtas si Cassius kay Callius"

"Wait, what do you mean save Cas?"

"I'll explain everything, Callius kidnapped Cassius to take revenge, ipapakasal siya sakin ni Callius, but then ayokong makasakit ng tao kaya ako nandito para matulungan niyo akong maitakas si Cassius sa kamay ni Callius" paliwanag niya. "Hindi ko maintindihan"

"Ipapaliwanag ko sayo Zein, makinig muna tayo sakanya" tumango si Zein.

"Sa Friday na ang kasal" sabi niya "kailangan niyo nang kumilos"

"Paano namin makukuha si Cas?" Sabi ko.

"Sa mismong kasal kayo pupunta" sabi niya "dahil kung sa bahay ni Callius kayo pupunta baka mamatay kayo" tsk.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Kailangan tayo ni Cas" sabi ni Zein, tama siya "bakit mo nga pala kami tinutulungan?"

"Hindi ko gusto ang ginawa ni Callius kay Cassius, mali na yun. Ayokong diktahan niya ang buhay na gusto ng kapatid niya ng dahil lang sa sinasabi niyang kasalanan nito na hindi naman niya ginawa" tumingin siya kay Zein "at isa pa, ikaw ang mahal niya" tumingin ako kay Zein, halos maluha na siya.

Sandali kaming natahimik.

"Sumama na kayo sakin pagbalik ko sa Spain" napatingin ako sakanya "hindi sana ako papayagan ni Callius na pumunta dito, nagpumilit lang ako"

"Nakapagtataka lang kung sasama kami sayo papunta dun mapapansin niya" napatigil siya "kailangan naming magtago para magawa ang pagligtas kay Cas"

"Tama ka, masyado kasi akong nag aalala kaya masyado nang puno ang isip ko"

"May bahay kami sa Spain" napatingin ako kay Zin.

"Saang lugar?"

"Sa Madrid"

"capital of Spain"

"Sa Seville kami at gaganapin ang kasal sa seville cathedral"

"Medyo matagal ang byahe" sabi ni Zin "from Madrid to Seville, I think mga 5 oras ang itatagal"

"Kaya hanggat maaga kumilos na tayo, ayaw kung masaktan si Cassius at Zeindy" nakangiti niyang sabi.

"Kailan ang balik mo sa Seville?" Tanong ko.

"This afternoon, bakit?"

"Good, susunod nalang kami, sa Madrid muna kami tsaka kami pupunta sa Seville, sasabihan ko na muna ang mga bata ko" sabi ko, tumayo siya at lumapit kay Zein.

"Nice meeting you" sabi niya "thank you dahil matutulungan niyo ako" tumingin siya samin.

"Kaibigan namin si Cas kaya tutulungan namin siya sa abot ng makakaya namin" sabi ni Kal.

"Thank you, I have to go na, may bantay ako galing kay Callius, tinakasan ko lang sila" sabi niya, sh*t baka nasundan siya "don't worry nilaglag ko ang phone ko para hindi nila malaman kung nasaan ako, pano ba yan, see you sa Spain" sabi niya at lumabas na. Tinignan ko si Zein.

"Tara na inaantay na tayo ni Cas" nakangiti niyang sabi.

"Kaya mo na ba? Kagigising mo lang"

"I'm fine, makakapagpahinga ako sa byahe"

"Then kakausapin ko ang doctor, if pwede ka ng lumabas" sabi ni Zin at lumabas.

"Cai sabihin mo na sakin ang lahat" sabi niya.

"Not now Zein, sasabihin ko ang lahat sayo, pero hindi pa ngayon" natahimik siya, tumingin ako sa bintana, ililigtas ka namin Cassius, papunta na kami.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.