Captivating my Heart

Chapter 22 Benedict’s Twin Brother



"Benedict POV"

"Arghhh" ang sakit ng buo kong katawan, dahan dahan akong dumilat, sumalubong sakin ang madilim na kapaligiran, nasaan ako?

"P*ta nasaan ako" tatayo na sana ako ng mabitin ang pagtayo ko, nakatali ako.

"MGA H*YOP KAYO, SINONG MAY GAWA NITO SAKIN" nasaan na ba kasi ako, si Zeindy kamusta na kaya siya. "AHHHHHHH" hindi ko na alam kung anong gagawin ko. May narinig akong yabag maya maya lang nagbukas ang pintuan at nagliwanag, napapikit ako dahil dun, unti unti akong nakapag adjust sa liwanag, dumilat ako at nakita ang taong matagal ko Nang ayaw makita. "Nice meeting you again Cassius"

"CALLIUS"

"no other than" nakangisi niyang sabi.

"H*YOP KA PAKAWALAN MO 'KO DITO"

"Chill ka lang brother, papakawalan kita kung papakasalan mo si Melissa" plano niya 'tong lahat.

"Bakit hindi ikaw? Tutal naman gustong gusto ka niya" napalitan ang mukha niyang ng nang-aasar ng isang galit na mukha. "Shut up Benedict"

"You are a Benedict too" pang uuyam ko sakanya.

"Wala ka ng magagawa pa, ikakasal kayo ni Melissa sa ayaw at sa gusto mo" bwesit, nagpupumiglas ako sa pagkakatali sakin.

"Callius bakit mo ba ginagawa 'to? Anong kasalanan ko sayo?"

"Bakit? Hindi mo ba alam? Hahahahaha wag kana magpangap Cassius, ikaw ang pumatay kay Lean, di'ba ikaw" so all this time dahil sa ampon ni Dad kaya siya nagkakaganyan. "Sabing wala akong kinalaman dun"

"Ikaw lang ang sinundan niya ng gabing yun at mula no'n hindi na namin siya nakita" galit na galit siya.

"Callius wala akong alam dun, umalis ako sa bahay para magbagong buhay, umalis ako para paangatin ang sarili ko na ako lang at mapatunayan sainyo na kaya ko kahit wala kayo at yang sinasabi mo na ginawa ko kay Lean" umiling iling ako "hindi ko magagawa yun, kahit di ko siya gaanong nakaka usap alam kung mabait na bata siya" sandali siyang natulala at natahimik, bigla nalang siyang tumawa, nababaliw na siya.

"Hindi ako naniniwala sayo, I know you Cassius"

"Wala akong paki kung maniwala ka o hindi basta ang sakin lang ay wala akong ginawa na masaya sakanya, malinis ang konsensya ko Callius" bakit ba ayaw niyang maniwala.

"No, hindi ako naniniwala, pagdudusahan mo lahat ng ginawa mo, Hindi kana makaka alis pa" lumapit siya sakin at hinawakan ang baba ko, nagpupumiglas ako "welcome to Spain brother" ngumisi siya tsaka ako binitawan.

"H*YOP KA CALLIUS" lumabas siya ng kwarto habang tumatawa "MAKAWALA LANG TALAGA AKO DITO, HUMANDA KA SAKIN ARRGGHHH" inis, asar at galit ang nangingibabaw sakin, Zeindy please sana matulungan niyo 'ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nawawalan na ako ng pag asa, pero sana may tumulong sakin para maka alis dito at mabalikan si Zeindy, sigurado ako na galit na galit na yun sakin, maging sila Zin, pero lalo na siguro si Kit kasi wala siyang WiFi sa bahay, nakakalungkot.

"Paano ba ako makakalaya dito" buhay ako pero parang walang buhay, wala akong lakas, wala akong makapitan at masandalan sana pala talaga hindi ko na siya pinuntahan dun. Napapikit ako at inalala kung paano ako napunta sa lagay ko ngayon.

Flashback

"Cas sasabay ka ba?" Tanong ni kamahalan sakin.

"Hindi muna kamahalan, may aayusin muna ako, mauna nako susunod nalang ako" sabi ko at hinalikan siya sa noo, tinignan ko siya sa mata "mauna nako kamahalan" sabi ko nalang at tumalikod na, tatapusin ko na ang pag uusap namin ng kapatid ko kamahalan para sayo, sa'tin, pagkatapos nito sasabihin ko sayo lahat lahat ng tungkol sakin, huminga ako ng malalim, lumakad na ako palabas at tinungo ang pinakataas na floor sa building namin, sabi ni Callius sa last room daw, bakit kasi dun pa pwede namang sa labas ng school or kung saan, hinayaan ko nalang at nagmadali na, pagkarating ko sa room na sinabi niya agad ko yung binuksan.

"Callius where are you" pina ikot ko ang paningin ko sa madilim na silid na 'to.

"I'm here Cassius" humarap ako sa likuran ko, isang panyo ang sumalubong sakin na agad namang itinapal sa bibig ko, tinignan ko si Callius na nakangisi sakin "my plan is under control" sabi niya, unti unti ng lumalabo ang paningin ko, hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Flashback End

Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito, matapos kung mawalan ng malay hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari, baka may ginawa si Callius kila Zin, sana naman wala. Kung meron man hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. kumalma muna ako para makapag isip isip, pinakiramdaman ko ang sarili ko, parang may bumubukol sa bandang likod ko.

*ekkkk

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa pintuan.

"Melissa"

"Cassius ayos ka lang ba?"

"Tulungan mo ko please" paki usap ko.

"Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung papaano" hindi ko na din alam kung anong gagawin ko, basta ang gusto ko maka alis na sa lugar na'to.

"Sana pala hindi ko na siya iniwan, sana pala hindi na ako pumunta sa sinabi ni Callius, sana ngayon kasama ko pa mga kaibigan ko" naluluha ako, nawawalan na ako ng pag-asa. "Kaibigan?" Tanong niya, tumingin ako sakanya na may pait.

"Oo sila Zin, Caius, Kalisto, Ysabel at ang babaeng pinakamamahal ko, si Zeindy" mapait akong ngumiti.

"Saan ko sila makikita?"

"Sa school kung saan ako kinuha ni Callius" bakit niya kaya tinatanong?

"I have to go na"

"Wait saan ka pupunta?"

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Dumaan lang talaga ako dito, babalik na ako sa bahay namin at aasikasuhin ang study ko" sabi niya, wala na talagang makakatulong sakin.

"Hindi mo ba kayang tangihan si Callius?" Tumingin siya sakin.

"Hindi ko kaya Cassius alam mo namang Mahal na Mahal ko siya" sabi niya "pero hindi ako ang Mahal niya, hanggang ngayon umaasa pa din ako" malungkot ang tono ng boses niya.

"Bakit di mo kausapin ang magulang mo at sabihing sa Callius nalang ang pakakasalan mo"

"Ginawa ko na yan pero si Callius mismo ang tumangi, kilala naman na'tin kung sino ang gusto niya" nalulungkot ako sa mga nangyayari ngayon.

"Tumangi din naman ako pero bakit ako? Lumayo na nga ako para mabuhay ng maayos at tahimik pero ano nangyari? Gusto ko lang namang malagay sa tahimik, makapag aral, makapag trabaho at makasama ang mga taong Mahal ko" tumulo ang mga luha niya.

"Hindi mo ba alam kung bakit nagkakaganyan siya?" Umiling lang ako "ikaw ang dahilan"

"Ako?"

"Ikaw ang Mahal ni Lean at ng malaman niyang umalis ka sa bahay niyo nawala siya at natagpuan nalang yung sasakyan niya na nasusunog sa bangin" a-ano.

"Meli hindi totoo yan"

"Yun ang totoo Cassius, gusto kung sabihin sayo pero ayaw na ayaw ni Callius na lumapit ako sayo kaya hindi ko na sinabi" hindi ko alam na ganon ang nangyari "I have to go" pinunasan niya ang luha niya at tumalikod na. "Sandali Meli"

"May ilang araw ka pa para ikasal sakin" sabi niya at naglakad palayo sakin, hindi na ako pinansin "MELI" lumabas na siya ng pintuan, ni hindi niya ako nilingon o ano pa man. Please tulungan niyo 'ko, Lord please help me.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.