Chapter CHAPTER 18.1
"SO what if you indirectly confessed to Lyle and he hasn't shown up for the past few days? At least you knew that you have the courage to voice out your feelings," was what Zamiel told him right after he told the male what happened to him and Lyle the last time they saw each other.
Nakangiwi at namamangha niyang pinagmasdan ang binata. "Um, thanks? Pero alam mong 'di 'yan ang gusto kong marinig, 'di ba, Zam?"
"Yes. I just want you to look into a nonsensical bright side for a few seconds before we dive back into your stupidity," Zamiel replied.
Malalim na napabuntong hininga si Gian bago niya inilapag sa harap ng binata ang milkshake na in-order nito para sa kasintahan. Pupuntahan kasi dapat talaga nito si Ridge sa trabaho pero ito siya ngayon, naisip na guluhin muna siya sandali at mamaya pa naman daw matatapos ang isa sa trabaho.
He was also not planning on entertaining Zamiel. It just so happened that he urged him to speak since it has been weeks since they last talked about Lyle and that was when he was asking about his feelings toward the male. Napagtanto na kasi niyang mayroon pala siyang gusto sa binata. Bagamat mumunti lang at wala na siyang balak na palaguin pa, naisip niyang humingi ng tulong doon sa mas nakakaalam kung akong dapat gawin kapag napagtanto mong hulog ka na pala. Only that, Zamiel did not offer him a solution, instead; provided him an advice of facing whatever he is feeling right now toward Lyle.
Matatalo lang din naman daw kasi siya sa pag-ibig at magiging alipin noon. Depende na lang daw sa kanya kung anong desisyon niya sa oras na malaman niyang wala na siyang kawala. "Bakit ka umamin?"
Natigilan si Gian sa pag-iisip noong marinig ang tanong ni Zamiel. Napatunganga siya. Naghiwalay ang mga labi bago iyon ibinuka para sana sagutin ito, ngunit wala siyang maisip na eksplanasyon sa kung bakit nga ba niya iyon ginawa. "Alam mong wala kang pag-asa kay Lyle dahil iba ang gusto niya, 'di ba? Then why did you confess?"
That was when Gian pressed his lips together. He also flinched before he realized that they are not really inside his office, instead, they are just standing on the counter and someone might hear them.
"Pakihinaan naman boses mo," iyan ang naging request niya dahil ayaw niyang may makarinig ng katangahan niya, at noong mga nararamdaman niya para kay Lyle, "baka may makarinig niyan, makarating pa kay Lyle na gusto ko pala talaga siya."
Zamiel sneered. "Kahit lakasan ko pa boses ko, wala naman silang pakialam. Wala rin akong binabanggit na pangalan. How would they know that we're talking about your man?"
"He's not my man!" Gian denied before his cheeks flushed in a bright pink, "saka kahit 'di siya kilala ng mga customer ko, kilala naman siya ng crew ko!"
"Bull shit. Sagutin mo ang tanong ko, bahala na silang mag-assume kung sinong pinag-uusapan natin."
Why is Zamiel so aggressive? Gian faked a sob, which somehow calmed the other male down. Mabuti nga at kumalma saka mas hininaan ang boses matapos niyang gawin iyon. Albeit Zamiel is brusque, he somehow knows how to acknowledge another's feelings.
"'Di ko naman sinasadyang umamin," paliwanag niya sa maliit na boses. Bumalik ang isipan niya sa mga kaganapan noong isang araw at nakaramdam ng pagkailang, "nadala lang ako sa mga ganap no'ng araw na 'yon. Lyle kept on teasing me if I'm into him, so I kind of like, teased him back. Kaso, na-curious ako sa reaksyon niya."
"Even though you know the answer?"
Gian let out a hum. "Di naman masamang magbaka sakali na may pag-asa, 'no?"
Zamiel stared at him incredulously. It was as if the male knew that he was already in the verge of falling even harder, and he pities him for that. Gian did not like how his eyes danced in that emotion, but he cannot blame Zamiel. After all, who would have known that he would be like this? Helpless because of love.
"And if he said 'yes', you'd start courting him? You know that you're walking in thin glass and you, yourself is fragile, Gian. He's still into Ridge. You'll break."
Gian flinched upon hearing those words. "Wala naman akong sinabi na manliligaw ako. 'Di ba nga, ang sabi ko dati, sa sideline lang ako? Alam ko namang walang pag-asa! Ayoko ring isiksik sarili ko sa kanya. Sayang effort." "You're telling me those but you weren't able to control yourself when you thought you saw a chance."
Umikot ang mga mata ng binata bago ito sumandal sa island counter na naghihiwalay sa kanilang dalawa. Nakaramdam ng hiya si Gian. Tama naman si Zamiel. Siya itong malakas ang loob na magsabing gusto niyang nasa sideline lang siya pero ayun siya, umamin kay Lyle. Para siyang gunggong!
"Batukan kaya kita?" Dugtong ni Zamiel na siyang dahilan upang mapaatras mula sa island counter si Gian.
Natataranta niya itong pinagmasdan. "Na- napa'no ka na naman, Zam? Ba't ka nambabanta?!"
"Nanggigigil ako sa 'yo, e."
"E kung ikaw din naman siguro ako, baka madala ka rin sa momentum!"
Zamiel let out a snort. "Huh. Kung si Ridge si Lyle, o-oo ako sa sinabi mo. Pero ako kay Lyle? King ina mo, wild ng imagination mo, a. Yak."
Anong yak?! Ibinuka ni Gian ang bibig para sana suwayin itong si Zamiel at hindi naman pangit si Lyle, mataas lang ang standard nito dahil si Ridge ba naman ang naging kasintahan, pero ayun nga! Ang punto e hindi naman pangit si Lyle. Ang gwapo kaya ni Lyle! Iyon lang, bago pa man niya masabi lahat ng gusto niyang sabihin, naagapan siya ng binata.
"Why not try asking Lyle on dates? Para ma-distract siya kay Ridge at unti-unting lumingon sa gawi mo."
Gian fell into silence. What?
"Don't stare at me like that," Zamiel added before he hissed and leaned away, "I'm just trying to help you divert his attention towards you."
"But that isn't what I want?" He responded.
Zamiel then shrugged. "E anong gusto mong mangyari? Sideline lang talaga? Lakas mo, a. 'Di ko kinaya 'yan."
Well, that is because Zamiel had always been so smitten towards Ridge while his feelings for Lyle is still a bud- it can still be prevented!
"Basta," iyan na lamang ang nasabi niya bago siya ngumuso, "sa sidelines na lang ako. Ayaw kong istorbohin si Lyle dahil lang sa may gusto ako sa kanya."
"And that'll be the reason why you'd be single for another ten years," was what Zamiel sarcastically said before he picked the milkshake he bought and turned his heel against Gian.
Of course, Gian has all the rights to feel offended and throw daggers at Zamiel, but the other male seems not to mind since he just proceeded to walk away before he waved a hand.
E ano naman kung magiging single siya sa susunod pang mga taon? Ang mahalaga, alam niyang hindi niya pinipilit si Lyle na magustuhan siya! Iyon lang, wala rin siyang gagawin para sa nararamdaman niya bukod sa ibaon iyon sa libingan.
*
LYLE did not know how to react the day he finally had time to drop by Gian's café, considering how the male literally paused in his tracks the second their gazes met, eyes are wide with his jaw that almost dropped on the floor, and how the box. he was holding slipped from his grasp and fell onto the concrete- which was the reason why he panicked despite the fact that it does not contain anything fragile.
"A―ah! Dumaan ka pala!" Natataranta nitong sabi bago mabilis na yumukyok para pulutin ang kahon at tumayo para lumayo sa kanya.
May kung anong kumirot sa dibdib ni Lyle noong ganoon ang naging aksyon ni Gian nang mairehistro na nito sa isipan ang pagbisita niya, ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkus, nginitian niya ang binata. "Sorry, na-busy lang ako sa trabaho."
"Oh, um. Okay lang. May bago ka yatang event na pinaghahandaan," anito sa maliit na boses.
Marahan siyang umiling at naglakad palapit kay Gian, ngunit nang mapaatras ulit ito, tumigil na si Lyle bagamat hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa binata. Bakit ganito ulit si Gian sa kanya? Dinidistansya na naman ang sarili. Nagpapasalamat siyang hindi ito makapagtago ngayon pero nakakabagabag lang na naiilang sa kanya ang binata.
"Walang event. Marami lang akong naging meeting no'ng nakaraan. Specifically about sales dahil merong mga malalaking kumpanya ang lumapit sa 'kin para bilhin 'yong previous designs ko," paliwanag niya.
Nag-iwas ng tingin si Gian sa kanya ngunit tumango. "Congrats! Um, sandali lang, a? Ilalagay ko lang 'tong kahon sa may storage room namin. Balikan na lang kita, Lyle."
Bago pa man siya makasagot, dire-diretso nang umalis ang binata. Ni hindi man lang niya nasabi kung saan siya banda uupo pero hahanapin naman siya nito, hindi ba? Gusto sanang ipagsakibit balikat ni Lyle ang iniaasta ng binata dahil madalas naman itong ganito. Ang kanya lang, kapansin-pansing iniiwasan siya nito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Bakit naman?
Napapaisip siyang lumapit sa counter at nag-order ng makakain, pero ang utak niya, lumilipad. Kung saan-saan na nakakarating. Posible bang nailang ito noong mag-usap silang dalawa noong isang araw? May nasabi siyang hindi nito nagustuhan, sigurado. Baka iyong tungkol sa retorikal daw nitong tanong. Kaso, bakit maiilang si Gian?
Unless he really meant his question.
Lyle shook his head. Hindi naman siguro. Nabanggit ni Gian sa kanya noong isang araw na may gusto na itong iba, hindi ba?
"Ah," that reaction involuntarily came out of his mouth just as when the person in the counter was giving him his orders. Natigilan ito at nagtaka, hinihintay ang sasabihin niya ngunit iwinagayway lang ni Lyle ang kamay dito, "pasensya na, 'di ikaw. Um, pakisabi pala kay Gian na sa may gilid ako uupo, a."
Tumango ang crew bago ito umalis, samantalang siya, kinuha na ang order at pumunta sa pwestong tinutukoy niya. Ilang araw na silang hindi nakakapagkitang dalawa ni Gian, siguro naman e hindi siya nito tataguan? Sana makapag-usap silang dalawa ng maayos ngayon. Ilang araw dinnsiyang busy, e.
But damn.
The thought that Gian likes someone else gets him. It is weird, but his heart will kick whenever the thought strucks his mind. Why is he even bothered?
"Lyle."
Natigilan si Lyle sa paglalakad noong narinig ang boses ni Gian. Paglingon niya, nasa likuran na niya ang binata. Tipid ang ngiti at ang mga mata, nakapukol sa hawak niyang tray ng pagkain.
"Um, 'di kita masasabayang kumain ngayon. Kumain na kasi ako, 'kala ko 'di ka pupunta e," paliwanag nito bago ito tumapat sa kanya.
Natulala si Lyle sa binata, hanggang sa nakahinga ng maluwag dahil hindi siya tinaguancnito tulad ng iniisip niya.
Mahinang tumawa si Lyle. "Ayos lang. 'Di rin naman ako nag-text sa 'yo na pupunta ako ngayon, e. 'Di mo in-expect. Galit ka ba sa 'kin?"
"Slight," mahinang sabi ni Gian na siyang nakapagpatigil sa kanilang dalawa. Noong matanto nito ang sinabi, halos mapatalon ito sa kinatatayuan, "a- ang ibig kong sabihin, nagtampo lang! Bigla ka rin kasing 'di pumunta rito pagkatapos no'ng huli nating napag-usapan. 'Di mo ba 'ko iniwasan?"
Ilang beses na napakurap si Lyle. Pilit na ipinoproseso ang mga sinabi nito hanggang sa tanging marahang pag-iling na lamang ang nagawa niya.
No. Even though he really wanted to avoid Gian that day, he did not want to do so. It was just a rhetorical question, there is nothing to feel uncomfortable or anything.
"Nasaktuhan lang na na-busy ako at 'di ako nakapagpaalam sa 'yo."
Is it just him or they sound like a couple who are still figuring things out between them?