Chapter CHAPTER 17.1
HINDI niya napigilan ang mahinang humagikhik nang malamang may binili na naman palang video game si Gian. Hindi niya rin naiwasan na takpan ang bibig at magpameywang. Iniiwang clueless si Gian. "Kailan ka bumili ng mga video game?"
Naitikom nito ang bibig at napaisip.
"Noong isang araw? Pagkatapos namin na i-arrange iyong ibang kitchenwares na in-order ko."
Napahimig siya. "Noong linggong abala pa kayo sa pagri-redeem ng café mo, hindi ba?"
"O-oo..."
Napahawak si Gian sa sariling batok bago tuluyang pumalya ang ngiting balak sana nitong ikurba sa mga labi. Samantala, napatawa na naman si Lyle dahil nahihiya na naman ito sa kanya.
"Is that because of stress?" Dahil hindi lingid sa kaalaman ni Lyle na may hindi magandang nangyari sa negosyo ni Gian noong minsan. He still feels bad about it, too. Pero hindi naman maibabalik ang nakaraan. Isa pa, wala rin naman silang magagawang pagbabago.
Nang tumango si Gian upang kumpirmahin ang hinuha niya, halos abutin na ng gilid ng mga labi ni Lyle ang sulok ng mga mata niya. Masyadong malawak ang ngiti niya dala ng pagkaaliw.
"Anong tawag mo ro'n? Stress buying o stress gaming?" He genuinely wants to know. But it doesn't really matter if it comes off like he is teasing Gian.
Napahilamos ng mukha ang binata. "Both, I think. I mean, it does fall off on stress buying and stress gaming."
Tumango siya. "Wala rin namang problema 'yon, e. Mahalaga sa 'kin, kahit paano, nawala sa isip mo 'yong panghihinayang."
Inabot ni Lyle ang balikat ni Gian saka iyon marahang tinapik-tapik. Sa awa rin naman ng Diyos, hindi nabigla si Gian. Katunayan, hinayaan lang siya sa ginagawa. But for some odd reason, the moment Gian closed his eyes and bit his lower lip to prevent himself from being chaotic, Lyle can hear his inner thoughts. Tila ba... sumisigaw ito sa kaloob-looban.
Pero hindi iyon weird sa kanya. Nasasanay nalang siya sa reaksyon ng binata.
"Alam mo Gian," aniya bago nagpameywang ulit, "kailangan mo talagang sanayin 'yang sarili mo habang nasa paligid mo 'ko."
Mabilis na nagmulat ng mga mata ang binata at matamang napatitig sa kanya. "Anong ibig mong sabihin? Sanay naman ako, a."
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lyle bago siya pasimpleng humigop ng malalim na hininga. Wala itong maloloko rito. Kung totoong sanay na ito sa kanya, edi sana hindi na ito jumpy kapag malapig siya rito.
"Wala naman. Pakiramdam ko, napag-usapan na rin natin 'to pero dapat talaga masanay ka na sa 'kin. Baka mamaya, ituring kong mixed signal 'yan at isipin ko na may gusto ka sa 'kin," panunudyo niya.
Nakaramdam ng pagtataka si Lyle nang hindi kaagad na kumibo si Gian. Namumula pa rin ang mga pisngi nito pero sa hindi niya malamang dahilan, tila ba may kung ano sa atmosperang pumapaligid sa kaibigan. Ang seryoso ng dating. "Paano..." panimula nito bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Paano kung may gusto nga ako sa 'yo, Lyle?"
Naiangat niya ang mga kilay. Kalaunan, napasinghap siya at nadama ang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi inaasahan ang biglaang tanong sa kanya ni Gian, parang siya naman ngayon ang pinamulahan ng mga pisngi! Umawang din ang bibig niya at tuluyang nahulog ang panga.
What the hell... what is this question for?! Nag-backfire sa kanya ang pang-aasar niya! Mabuti nalang, nasa loob pa sila ng opisina ni Gian kung kaya walang nakakakita ng itsura niya ngayon! "Gian...?" Wala sa sariling sambit niya sa pangalan nito.
Tila nagulat naman ito nang marinig na banggitin niya ang pangalan niya. Hindi nagtagal, napaigtad si Gian at naidikit ang likod sa backrest ng swivel chair.
"Rhetorical lang naman! Wala naman akong sinabi na... na may gusto ako sa 'yo!"
Oh. Oh. Nakahinga siya ng maluwag. Bumuntong hininga pa nga at nasapo ang dibdib dahil halos sumabog iyon sa kaba. Hindi niya alam kung paano ia-approach ang ganoong sitwasyon! Phew.
"Akala ko naman kung ano na." Humigop siya ng malalim na hininga upang tuluyang mapakalma ang sarili.
Nahihiya namang tumungo ang kaibigan. "Napaisip lang naman ako. Kasi, ilang beses na rin akong ano, napagkamalan na may gusto sa 'yo."
"Ayos lang, pero 'wag mo naman akong biglain. Muntik nang tumalon puso ko sa kaba." Natigilan siya sandali nang may mapagtanto. "Pero hindi ka man lang ba nakaramdam ng pandidiri sa tanong mo? I mean, Gian, aren't you straight?" Kumunot ang noo ng binata. "Why should I...? Masama ba kung magkakagusto ako sa 'yo, Lyle?"
"Huh?"
Napamaang siya at mabilis na umiling.
"No, I—" Muli siyang natigilan nang rumehistro sa kanya ang sinabi ni Gian. At hindi lamang siya ang pinamulahan ng pisngi kung hindi maging ito!
"Teka, tanong lang ulit 'yon! Ah, nakakahiya!" Bago pa man dumulas si Gian mula sa swivel chair para magtago, napigilan na siya ni Lyle.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Ayos lang talaga! 'Di naman ako nag-iisip ng kung anu-ano. Nagugulat lang ako sa wordings mo!"
Panay talaga ang sikdo ng puso niya ngayon, e. Parang may balak nang tumakbo sa hiya at kaba! Katunayan, iba na naman ang dating noong itanong iyon ni Gian! Muntik na naman siyang maniwala. Mabuti nalang, alam niyang hindi ganoon ang ibig nitong sabihin!
"Pasensya na talaga! Nagtataka lang talaga ako kung ano bang masama sa pagkakagusto sa kapwa mo lalaki."
It was hard for Gian to force himself to stay in put but he gave it his all to not leave Lyle hanging and hide under his desk. Again. But Lyle appreciates his effort. Napipigilan talaga nito ang sarili kahit paano mula sa pagtatago na parang bata sa ilalim ng table nito.
"I mean..."
Kinagat ni Gian ang pang-ibabang labi. Siya namang marahang pagtango-tango ni Lyle upang sabihan si Gian na ayos lang at maghihintay siya sa kasunod ng sasabihin nito. Nagpabalik-balik tuloy ang tingin ng binata kay Lyle at sa telebisyon na nagdi-display pa rin ng turn niya noong LA fashion event.
"You mean...?" Tanong ni Lyle na siyang nakapagpabalik dito sa huwisyo.
"Ang ibig kong sabihin, 'di mo naman mapipigilan ang puso mo kung sakali mang magkagusto ka sa kapwa mo lalaki 'di ba?"
Nahihiyang nagbaba ng tingin si Gian at nang sundan ni Lyle ng tingin ang mga mata nito, napasinghap siya nang mapansing nakatingin ito sa kamay niyang nakapatong sa lamesa. Hindi lang kalayuan sa kamay ni Gian na nandoon din. "Wala rin namang mali ron para sa 'kin. 'Di ba nga, ang tagal ko na ring na-expose sa ganyan dahil kina Ridge at Zamiel."
Mabilis siyang tumango para sang-ayunan ito pero wala ni isang salita ang kumawala sa mga labi niya.
"And I don't find any fault on their relationship!" Kaagad na dugtong nito, "masaya sila. Mahal nila ang isa't isa. Anong mali sa pag-ibig na ganon? Anong pinagkaiba non sa madalas nating nakikita? Wala!"
Namamanghang pinagmasdan ni Lyle si Gian. At nang mapansin nito na pinanonood niya pala ito, kaagad na in-adjust ni Gian ang salamin at tumikhim. Hindi alam ni Lyle kung nabanggit na ba niya ito noong minsan pero sa totoo lang, gustung-gusto niya ang mindset ni Gian. Kung gaano kaganda ang persepsyon nito sa mga bagay-bagay.
Bagamat hindi na kakaiba dahil marami na rin naman na bukas sa ideya ng same sex relationship, hindi pa rin niya mapigilang mamangha na galing iyon mismo sa bibig ni Gian. Was he this amazed when Keegan accepted his gender in an instant? No. Noon bang sinabi ni Ridge sa kanya na walang mali sa kanya, namangha rin ba siya ng ganito? Oo, pero iba pa rin iyong kay Gian dahil... hindi niya maipaliwanag!
Nakabalik pa lamang siya sa huwisyo nang marinig ang mahinang pagtawa ni Gian. Napakurap-kurap siya at awtomatikong tumuwid ng upo. Siya namang pagsasalita muli ni Gian tungkol sa pinagsasasabi kanina. "Sorry, baka mamaya, nawirduhan ka sa 'kin."
Mabilis siyang umiling. "Di, a. Katunayan, natuwa pa 'ko sa sinabi mo kanina."
Wala pa ngang oras na hindi siya sumang-ayon sa sinasabi nito.
Nakaramdam ng tuwa si Lyle nang lumiwanag din ang mukha ng binata. Malawak itong ngumiti at tumango-tango. Ngunit kalaunan, nahihiya nitong ibinalik ang usapan sa kanina nilang paksa.
"Um, tungkol doon sa tanong ko kanina."
Napasinghap ulit siya. "Iyong tungkol sa paano kung may gusto ka sa 'kin?"
Nahihiyang tumango si Gian. "Re- rhetorical lang naman 'yon, kaya kuryoso rin ako kung ano bang magiging reaksyon mo?"
"Hindi ko alam," mabilis niyang sagot. At kung gaano kabilis ang pagsagot niya, ganoon din kabilis na sumunod ang katahimikan. Namutawi iyon sa loob ng opisina at hindi pa mababasag kung hindi niya tinapik-tapik ang mga daliri sa lamesa ni Gian.
Wala rin namang sinabi ang kaibigan. Nag-iwas lang ito ng tingin at ipinilig ang ulo. Mukhang inaalisa ang sinabi niya. Hanggang sa mag-"ah!" ito na dahilan upang halos mapaigtad siya mula sa kinauupuan.
"Pasensya na, bigla akong natahimik!" Anito.
Napapatanga man, napahalakhak pa rin siya. "Ayos lang. Masyado rin namang mabilis 'yong sagot ko."
"Napaisip lang kasi ako." Tumikhim si Gian at nagsimula na ring gawin ang ginagawa niya sa lamesa nito. "Tapos bigla kong naisip na baka mahirapan ka kung ganon ang sitwasyon mo."
Lyle's lips etched into a thin smile. "'Di ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo Gi, pero sana pareho tayo?"
Ipinilig nito ang ulo. "Tingin ko...?"
Mahihirapan talaga si Lyle kung sakaling dumatong man sa puntong malaman niyang may gusto sa kanya si Gian. Bukod sa kaibigan niya ito, kaibigan din nito ang mahal niya. Ayaw niyang saktan ito na sa ganong dahilan. Dahil kahit naman anong ikinatuwa niya sa mindset ng binata, hindi maaalis ang katotohanang si Ridge pa rin ang gusto niya.
And recently, as much as it's not showing, he still wishes for Ridge to look at him. He still cannot help it but to feel envious of Zamiel.
Thus, he can't bear the idea of losing Gian because his feelings Ridge will remain strong.
Dahil namutawi ang katahimikan sa pagitan nila, nag-aya nalang si Gian na panoorin muli ang CD na dinala niya rito. Pumayag naman siya at bumalik din sila sa orihinal nilang set up. Habang pinanonood ni Gian ang turn niya sa LA fashion event, pinanonood naman niya ang binata na mamangha sa mga damit.